2:Quarrel

41 14 11
                                    

Kinabukasan tinamad naman akong pumasok.Balak ko sanang umabsent ngayon dahil medyo kulang pa ang tulog ko kagabi.

Unfortunately,puyat ako sa kakaisip kagabi dun kay kuyang desente.Di kasi siya mawala sa isipan ko.Ewan ko ba bat ganun siguro ginawa na niyang bahay tong utak o baka may gusto na ako sa kanya.

Wait,pano nangyaring may gusto ako sa kanya eh kahapon lang kami nagkita.Ano yun 'Love at first sight'? Tsk,wala namang ganon tyaka parang hindi naman totoo yun.

Kaso nga lang dumating si Ate at sinira ang maganda kong tulog.Aba,may dala pang regadera ang gaga siguro tatalsikan na naman ako nito.Ano akala niya sakin?halaman na kailangan ng dilig duh.


Kaso epic fail ang plano niya kasi gising na ako.Sa kanya ko nalang ginamit yung tubig,parusa yun sa di niya pakikinig ng kwento ko kagabi.

Naligo at nagbihis na ako.As usual,school uniform namin ang suot ko ngayon.Maganda naman ang uniform namin kaso masyadong kikay.May pagkaiksi ang palda na ipinares sa puting long sleeves, asul na necktie at mahaba na medyas.

Nagmadali na rin akong kumain baka kasi ma late ako ngayon.Magbabayad na naman ako sa treasurer namin ng fines.Binabudget ko na nga tong pera ko tas dadagdag pa yang bayarin hays


"Kumain ka ng marami diyan Zyrah"sabi ni Ate

"Opo alam mo namang patay gutom tong kapatid mo eh"

"Ikaw talaga ang hilig mong magbiro"ani niya

"By the way bat di ka pa bihis Ate Calli?Hindi ka ba papasok ngayon?"tanong ko

"Ah...eh...ano kasi...umm m-may sakit ako"nauutal na sabi niya

"May sakit?eh mukha ka namang okay Ate ah.Ano ba talaga dahilan at di ka papasok?"

Huminga muna siya ng malalim at nagsalita.

"Maghahanap ako ng trabaho"

"Ano?diba sabi nila Mama at Papa na dapat pag aaral muna ang atupagin natin?" wika ko na may pagka dismaya.Nag promise kasi kami sa mga magulang namin na sila muna ang bahala.

"Zyrah,hindi mo kasi naiintindihan.Malaki na ang bayarin natin sa skwelahan.Di na tayo mga bata.Fourth year high school kana at fourth year college na din ako,si Kyle naman second year high school na.Kailangan natin ng pera para makapag aral tayo."

"May pera namang pinapadala sila Mama at Papa,bat ba mag tra trabaho ka pa?"medyo tumaas na ang tono ng boses ko kasi hindi talaga ako pabor na mag trabaho si Ate Calli

"Kasi kulang na ang pera natin.Pano yung mga projects natin?Iaasa na naman natin kina Mama't Papa.Alam mo bang nahihirapan na silang nag trabaho para sa tin?Gusto ko lang makatulong."maiyak iyak na sabi niya.

"Okay sige basta mag iingat ka Ate ha tyaka pagnakakuha ka na ng trabaho kailangan mag aral ka parin.Part time job lang ang kunin mo Ate Calli."


"Oo naman hindi ko pababayaan ang pag aaral ko.Oh sige na baka ma late ka pa."


"Ikaw kasi ate eh nagdrama ka pa."sabi ko na medyo nangangaral gal ang boses


"Kung pinayagan mo lang sana ako eh di sana ako nagdrama rito HAHAHA."

"Sige po,alis na ako ate byeeeee!"sabi ko sabay takbo papalabas ng bahay.Dumiretso agad ako sa may kanto at saktong may nakaparadang taxi.


Kahit kaunti lang ang pera ko eh no choice tong bida niyo kasi ma le late na ako.


"Manong sa may malapit na high school po."


Sweet Sixteen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon