Chapter 18

10 6 0
                                    

Maaga akong sinundo ni Justin sa bahay.Nagulat at nabigla nga din sina Ate Calli at Kyle kong dumating siya pero pinayagan naman nila akong sumama sa kanya.Matagal nang kilala ni Ate Calli ang family ng Dean namin kasama na doon si Justin.Sa Huffle Ford din kasi nag aral si Ate dati habang si Kyle naman kilala na rin si Justin dahil parehas kami ng school na pinapasukan

Huminto kami sa tapat ng isang Amusement Park.Namangha ako sa sobrang dami ng mga dekorasyon na nasa tapat nito.Nakapunta na ako sa ibang amusement parks dati pero hindi pa ako nakarating sa lugar na ito.Bumaba na ako sa motor niya,sobrang gara nga ng sasakyan dala niya ngayon kahit motor lang to sigurado akong pang mayaman at mahal ang isang to.Padabog ko ring binigay sa kanyan ang helmet na pinahiram niya sa akin kanina.

Buti nalang buhay pa ako kundi mumultuhin ko talaga siya.Sobrang bilis niyang magpatakbo ani moy nakikipag karera kami sa mga sasakyan sa kalsada kanina.Muntik na nga akong atakihin sa puso dahil sa mga pinaggagawa niya.Dapat talaga pinalo ko ng helmet ang ulo niya kanina para matauhan siya.

"Maganda ba?"nagulat ako ng may marinig na boses mula sa gilid ko kay napa angat ang tingin ko sa kanya

"Balak mo talaga akong patayin noh"wika ko habang nakataas ang isang kilay

"Huh?hindi noh"pagtatakang wika niya

"Ganito lang kasi yan,kanina gusto mo akong patayin sa bilis ng pagmamaneho mo,ngayon papatayin mo naman ako sa panggugulat mo!Gusto mo bang atakihin ako sa puso ha!"galit na wika ko sa kanya

"Sorry naman I thought you like surprises"he shrugged

"Surprise mo,mukha mo"

"Suplada ka talaga"

"Paki mo?"

"Paki hawakan naman ng puso ko oh,walang tigil sa pagtibok para sayo"he smirked

"Ano ako cardiologist?Tumigil ka nga"inis kong wika sa kanya

"Ang sarap mo talagang inisin HAHAHA,so ano maganda ba dito?"

Tinignan ko muna ng maiigi ang palagid.Napaka sinungaling ko naman siguro kung sasabihin kong hindi maganda dito.Marami kayang mga tindahan tiyaka mga rides at maraming tao ang nag e-enjoy ngayon dito.Mga bata,matatanda,babae at lalaki lahat sila masayang-masaya sa mga nasaksihan nila dito sa Amusement Park

"Kailangan pa ng kaunting adjustments pero pwede na din"simpleng tugon ko

"Ahh sige sasabihin ko nalang ang ate ko tungkol diyan"

"Wait,tama ba ang narinig ko?Kapatid no ang may ari nito?"sambit ko

"Ah hahaha nakalimutan ko bang sabihin sayo kanina?Oo,kapatid ko ang may ari ng nitong Amusement Park kaya nga libre ako pa lagi dito eh"sagot niya naman sa akin

"Tsk pumupunta ka pa rin sa mga ganito.Ang tana mo na kaya"ani ko

"Wow hiya ng-hiya naman ako,akala mo kung sino ng bata tong nasa harapan ko"

"FYI,I'm only 15 years old way younger than you.As a matter of fact,dapat kuya nga ang tawag ko sayo eh"

"Excuse me lang ha Miss Perfect,1 year lang po ang age gap natin.Big deal ba yun sayo ha"

"Ano bibili ba kayo o hindi?"sabay kaming napalingon ni Justin sa taong nag salita kanina.Mukhang siya ang may ari ng tindahan na kinatatayuan namin ngayon.Marami ngang tao ang nakatingin sa amin at di ma kalas ang mga mapang usisa nilang mata sa aming dalawa ni Justin.

Parang alam ko na ang Iniisip ng mga to,na mag jowa kami ni Justin.Anak ng sardinas naman talaga oh!Ang nga tao talaga sa pinas ang hilig manghusga kahit hindi pa nila nalalaman kung ano ang totoo.Wala kasing magawa sa buhay,mga judgemental kasi.Pagnakita lang na mag kasama ang babae at lalaki iisipin na agad na may relasyon sila,hindi ba pwedeng friend lang?Tropa-tropa ganun!Iuntog ko kaya isa-isa ang mga ulo nila sa pader baka sakaling mag iba ang takbo ng pag iisip nila

Sweet Sixteen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon