Chapter 19

13 6 0
                                    


Medyo maayos naman ang takbo ng date namin ni Justin kahapon.Marami akong nalaman tungkol sa kanya at ganon din siya sa akin.Hinatid niya din ako sa bahay mga bandang 4:00pm ng hapon.At ngayon,andito ako sa maganda kong eskwelahan,tahimik na nag aaral nang mga chika este nang mga leksyon pala haha

Napaka dami naming papers works ngayon.Tambak na nga siguro ng mga papel at documents ang desk ko ganon din ang mga classmates ko.Pano ba naman eh kasi mukhang malaki ang galit ng mga subjects teachers sa amin ngayon.Pinaulanan kami ng sandamakmak na proyekto at bukas na ang deadline nito kaya kailangan matapos ko na talaga ito ngayon para wala na akong problemahin bukas

"Hoy hindi ka ba mag la-launch"narinig kong wika ni Keisha

"Oo nga 12 na oh baka malipasan ka nang gutom niyan"puna naman ni Arnica sa akin

"Hindi na muna ako kakain ngayon, marami pa kasi akong tatapusin eh kayo nalang muna"pagtatanggi ko sa kanila

"Ano ba yan!Pagagalitan na naman kami ng crush mo neto"inis na wika ni Arnica

"At bakit naman nasama sa usapan natin si Dos ha?"

"Eh diba nga sabi niya nung nakaraang araw na dapat bantayan ka daw namin at siguraduhing sinusunod mo yung mga bilin niya sayo"paliwanang ni Arnica

"Sus niloloko niyo na naman ako eh.Pano magiging concern yun sakin eh wala namang feelings yun"

"Ewan ko sayo girl,napaka dense mo"wika ni Arnica

"Halika na nga Arnica hayaan na natin siya diyan"pag aaya ni Keisha kay Arnica

"Wow grabe kayo ha tulungan niyo nalang kaya ako dito"

"Gutom na ako at hindi ko din naman makakain yang paper works mo kaya aalis muna kami, bye"sambit naman ni Keisha sa akin

"NAPAKA DAYA NIYONG MGA KAIBIGAN!"sigaw ko sa kanila

Bumalik na ako sa ginagawa ko.Para na nga akong nawawalan ng pag asa eh.Buti pa sina Arnica at Keisha malapit nang matapos sa mga gawain nila at naka kapag liwaliw pa huhu.Dapat kasi hindi nalang ako nakipagdaldalan kay Miss Chen kanina edi sana kaunti nalang ang gagawin ko ngayon.

"Lunch break na ngayon ha bat hindi ka pa kumakain?"napalingon ako nang marinig ang isang napaka pamilyar na boses

"Busy ako,marami akong ginagawa"tugon ko naman sa kanya

"Tulungan na kita diyan"pag aalok niya

"No thanks kaya na to"pagtatanggi ko kay Justin.Yeah,justin is here akala ko pa naman si Dos ang unang taong bubungad sakin ngayong pananghalian pero mali pala ako

"Minamaliit mo yata ako.Im not just a student athlete,I'm also educated"wika pa niya

"Sure ka ba diyan?"paninigurado ko mahirap na baka mabagsak ako neto

"Look hindi porket wala ako sa first section eh hindi na ako magaling sa academics.Im trying my best to balance everything that I've been doing so if you don't mind,may I help you with that paper works of yours?" sambit niya naman sa akin

Justin belongs to the other special section of Huffle Ford which is the 'Sports Program Section (SPS)'.I heard a lot of good feedbacks with that particular section,may mga ibang athlete daw na really qualified to be on the first section or the 'Fast Learner Section' but they prefer to stay and stick with athletic dream and choose SPS.Maybe Justin was one of them, I think so

"O sige na nga masyado kang mapilit" wika ko sabay buhay ng isang kapirasong bond paper and ballpen sa kanya

"Ano bang isusulat ko dito?"tanong niya

Sweet Sixteen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon