Chapter 9

24 9 0
                                    

"Sige na umalis kana Dos"sabi ko kay Dos na nangangawit na sa pagkakatayo niya

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?wala kang manners"wika niya at inirapan pa ako

"Wala ang mga kapatid ko dito,okay?Kanya kung pwede lang umalis kana dahil kaya ko na ang sarili ko"sambit ko

"So walang tao dito ngayon"sumilay sa kanyang mukha ang nakakaloko niyang tingin

"Hoy ikaw kung may gagawin kang masama sakin mapapatay talaga kita"pagbabanta ko sa kanya

"Iba din ang tumatakbo sa utak mo noh.What I mean is,sinong mag aalaga sayo may sakit ka pa naman"sa tono ng boses niya mukhang nag aalala talaga siya sa akin

"Ilang beses ko na bang sinabi sayo na kaya ko na ang sarili ko kaya bumalik kana sa school dahil may klase ka pa"sambit ko sa kanya ayoko namang maging dahilan para mag cut siya ng klase niya diba.Concern din naman ako sa future namin ni Dos,aral muna bago landi

May nakita naman akong lalaking naglalakad papunta sa direksyon namin.At laking gulat ko na si Kyle pala ang dumating.Dala-dala pa niya ang nga libro niya at bakas din sa mukha niya ang pag alala sa akin.

"K-kyle.."

"Ate may sakit ka raw?pinuntahan kasi ako nina Ate Arnica at Ate Keisha sa classroom at sinabing sinugod ka daw sa infirmary,okay kana ba Ate?"sambit niya pa sa akin kahit papaano nag aalala din pala ang kapatid ko sa akin akala ko hindi niya pa rin ako papansin dahil sa away namin

"Medyo masakit lang ang ulo pero magiging okay din ako"sagot ko sa kanya.Napansin niya yata na nasa harapan ko si Dos kaya pumagitna siya sa amin.

Kahit kailan talaga napaka protective nitong si Kyle na alala ko pa nga nong may magtangkang manligaw sa akin tapos pumunta siya dito sa bahay para magpa alam sa mga kapatid ko,sinuntok siya ni Kyle sa may mukha ayon kinabukasan pumasok siya sa school na black eye at pasa.Ewan ko ba dito kay Kyle ayaw niyang may umaaligid saking lalaki kasi daw baka wala na akong time pag nag ka boyfriend na ako kagaya nalang ni Ate Calli na minsan lang namin nakaka bonding

"Bakit ka na naman nandito?"sambit ni Kyle kay Dos

"Hinatid ko lang ang Ate mo"tipid na sagot ni Dos mukhang natatakot din siya kay Kyle ha

"Nililigawan mo ba ang Ate ko?"kaagad na tanong ng kapatid ko.Nasa lahi na nga siguro namin ang pagiging straight to the point kung magsalita at magtanong.Kasi naman bat patatagalin pa kung pwede namang direktang tanungin diba

Tumingin muna si Dos sakin bago nagsalita"Pano kung sabihin kong oo?"hindi pa rin naalis ang pagkakatitig niya sa akin habang ako naman kasing pula na ng kamatis dahil sa kilig

"Bawal pa ligawan si Ate Zyrah kaya umalis kana at wag ka ng babalik pa dito sa bahay namin dahil hindi ka welcome dito"wika ni Kyle at sinamaan ng tingin si Dos.Walang nagawa si Dos kundi lumakad papunta sa mamahalin niyang kotse pero bago pa man siya pumasok at tumingin muna siya sa akin

"M-magpahinga ka at k-kumain ka ng mabuti para gumaling ka agad"sambit pa niya at tuluyan na ngang umalis.Medyo kinilig ako sa sinabi niyang iyon.Pinaalahanan pa talaga niya ako kaya naman sisikapin kong sundin ang mga bilin mg crush ko

Pumasok na din kami ni Kyle sa bahay.Nilapag niya ang bag at libro niya sa may mesa tapos humarap sa akin"Magpahinga ka muna Ate,magluluto lang ako ng sopas para mainitan naman yang sikmura mo"wika niya at tinahak ang daan patungo sa kusina

"Teka,marunong kang magluto?"nagtatakang tanong ko sa kanya.Sa pagkaka alam ko kasi pinaka ayaw ni Kyle ang pagluluto sinabi pa nga niya dati na hinding hindi siya magluluto para iba pati na sa sarili niya

Sweet Sixteen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon