Chapter 8

28 11 0
                                    

Hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil na rin sa away naming magkakapatid.Tamihik nga kami sa hapag kainan kanina.Walang sinuman ang umimik at hindi ako sanay na ganoon ang sitwasyon namin.Nauna na rin akong pumunta sa school hindi na ako sumabay kina Ate Calli at Kyle dahil bad mood pa rin sila hanggang ngayon.

Bakit ba kasi hindi nalang kami mag bati-bati para happy ulit ganon.Nag sorry na din naman ako kay Ate kagabi kaso hindi siya nakasagot sa akin.Nag try din akong mag sorry kay Kyle kaso wala siyang balak na kausapin ako.Nakasimangot nga sila palagi eh.

"Zyrah akin nalang yang pagkain mo ha mukhang wala kang balak galawin eh"narinig kong sambit ni Arnica

"H-ha?"

"Hakdog kanina ka pa kaya tulala diyan"sambit naman ni Keisha

"Oo nga may problema ka ba Zyrah?"tanong sakin ni Arnica

Nandito kami ngayon sa cafeteria at kasalukuyang kumain..ay sila lang pala kasi kanina pa raw ako tulala dito.Wala akong ganang kumain eh kanina nga nong nag breakfast kami sa bahay kunti lang din ang kinain pero hindi naman ako nagutom ngayon.Siguro dahil marami lang akong iniisip na pati pagkain ay di ko na napapansin.Habang ito namang si Arnica sarap na sarap sa kinakain niyang chips and cookies.Si Keisha naman kanina lumamon ng burger with fries pa tingin ko nga pang dalawang bili na niya eto eh at ako naman bumili lang ng pizza at soda kaso hindi ko din pala makakain sayang lang ang pera ko hays

"Kasi girls nag away kami"

"Teka wala ka namang boyfriend ha?anong away-away ka diyan"sambit ni Keisha at napatawa pa ng kaunti

"Imagination pa more"sabat naman ni Arnica

"Hindi love life ang problema ko,okay?Nag away kaming magkakapatid kagabi at hanggang ngayon hindi pa rin kami magka ayos"paliwanag ko

"Ah akala ko kung ano na.Edi mag sorry ka nalang sa kanila diba mabait naman sila Ate Calli at yung pogi mong kapatid na si Kyle"

"Wait lang ha bat may papuri ka kay Kyle tapos kay Ate Calli wala...crush mo kapatid ni Zyrah noh"wika ni Keisha habang kinurot kurot si Arnica sa tagiliran

"Luh hindi noh porket na-gwa gwapohan lang crush agad grabe kayo"pagtanggi naman niya

"Nag sorry na ako sa kanila kaso hanggang ngayon hindi pa rin nila ako pinapansin"sabat ko

"Hintayin mo nalang magkaka ayos din kayo"sabi ni Arnica habang kumukuha ng chips

"Oo nga hindi naman manhid ang mga siblings mo eh"sambit ni Keisha at kinagat ang burger niya

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na din kami sa classroom buti nga lang hindi kami na late.Eto kasing si Keisha bumili pa ulit ng burger hindi pa daw siya sa satisfied sa kinakain niya habang si Arnica naman ayon tuluyan ng nilantakan ang pizza at soda ko.Sayang kasi daw baka langawin lang sa tabi-tabi.Ang ending hindi ako nakapag break at sila lang din ang happy na happy sa pagkain kanina

Kasalukuyan akong nakikinig sa discussion ng science teacher namin na si Sir Agua.Yung ibang mga classmate ko nag si tulugan na siguro mabibilang ko lang sa darili ko ang mga gising pa ngayon.Siyempre kabilang kaming tatlo lalo na si Arnica kasi crush na crush na crush niya si Sir Agua simula pa nong grade 9 kami eh may pagnanasa na siya kay Sir haha

"Okay class let's review the topics that we've been discuss today.First,what is acceleration?"tanong ni Sir Agua habang nakatingin saming lahat

Gusto ko sanang sumagot kaso wala ako sa mood maki pag conpetensya sa mga nerd dito sa classroom.Kaya gaya nginaasahan ko si Cathy na ang sumagot sa tanong ni Sir

Sweet Sixteen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon