Chapter 10

22 10 6
                                    

"Ate papasok sana ako sa school ngayon pwede po ba?"tanong ko sa aking kapatid habang kumakain ng breakfast ko

"Ha?diba sinabi ko na sayo na mag absent ka muna para makapag pahinga ka.Hindi ka pa nga tuluyang gumagaling eh"sambit naman ni Ate at nag timpla ng paborito niyang kape

"Tumawag kasi sakin si Dos kagabi at---"hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang sumabat naman sa usapan namin si Kyle

"Kaya pala hiningi niya ang number mo sakin Ate"wika ni Kyle sabay inom ng gatas niya

"What!?bakit mo binigay sa kanya?"

"Eh Ate nung umakyat ka sa kwarto mo kagahapon,pumasok naman siya dito para kausapin ako at manghingi ng number mo"paliwanag naman niya

So hindi pala agad umuwi si Dos non nakipag chikahan pa siya sa kapatid ko.At ang kapal pa ng mukha feeling close masyado nanghingi pa ng number ko.Anong akala niya sa number ko relief goods?ayuda?pwede ipamigay kahit kanino...Siguro nga din mas bet niya ang si Kyle kaysa sakin,napakalandi talaga ng baklang yun bakit nga ba ako nagkagusto sa kanya.Sinamaan ko ng tingin si Kyle dahil kung kani-kanino lang niya sinasabi ang personal info's ko hmmmp!

"So eto na nga Ate Calli kailangan ko nga raw pumasok ngayong araw kasi may camping trip kami sa Baguio,kung hindi daw ako pupunta ngayon tiyak na bababa ang grades ko sa subject ni Miss Chen"seryosong wika ko sa kanila

"BAGUIO?AS IN BAGUIO CITY!?"magkasabay na sambit nina Ate Calli at Kyle

"Opo..sa Baguio City nga po kaya kung maari po noh payagan niyo na akong sumama handa nga mga gamit ko eh nakapag impake na ako kanina"pagpapa intindi ko sa kanila

"Ang swerte mo naman Ate Zyrah sana kasama ako,gusto ko pa namang makapunta sa Baguio"wika ni Kyle at kunwaring nag i-imagine ng mga bagay-bagay

"Isama mo naman kami dyan Zyrah"ani pa ni Ate Calli

"Hindi pwede ni hindi nga sinabi ni Dos sakin ang buong detalye para lakad nato eh...so ano payag na kayo?Ate Calli?Kyle?"malambing na tugon ko sa kanila

"Kung hindi mo rin lang kami isasama edi wag ka na ring pumunta"sabi ni Kyle at sinamaan ako ng tingin "Charot lang..oo naman payag po ako kung papayag din si Ate Calli sa gusto mo"dagdag pa niya sabay tingin sa nakatatanda naming kapatid

"Ano kasi Zyrah may sakit ka diba?hindi maganda ang pakiramdam mo baka mapano ka pa dun sa camping niyo"sambit naman ni Ate

"Pero kailangan nga na pumunta ako doon eh importante to Ate"sabi ko

"Tiyaka napag usapan natin kagabi na hindi na kayo maghihigpit sakin diba?please,pretty please"wika ko at nagpa cute ng todo kay Ate nag puppy eyes pa nga ako eh

"O siya sige na nga basta huwag kang magpaka pagod doon ha tiyaka inomin mo rin ang gamot mo at ikaw naman Kyle sabayan mo tong Ate mo papunta sa school ha"sambit ni Ate Calli

"Umm Ate hindi na po ako sasabay kay Kyle.Sinabi rin kasi sakin ni Dos kagabi na susunduin niya raw ako dito"wika ko at inilagay na sa lababo ang pinggan na pinagkainan ko

"Hay mabuti naman ayoko ring makasabay ka Ate baka tuksuhin pa ako ng mga classmate ko"wika naman ni Kyle habang tinatapos ang pagkain niya ng tinapay

"Sus!ang sabihin mo nahihiya ka lang na makita ka ng crush mo na kasama ang pinaka cute mong Ate"sabi ko sabay kurot ng rosy cheeks ko.Napaka cute ko talaga!

"Anong pinaka cute ka diyan?Bat hindi ako kasali ha?"tinaasan ako ng kilay ni Ate Calli

"Ibang level ka kasi Ate Calli,ako yung pinaka cute at ikaw naman yung pinaka maganda"sambit ko sabay lagay ng imaginary beauty queen crown kay Ate haha
"Ay gusto ko yan,magkano ba kailangan mo iha?HAHAHA"wika ni Ate Calli at sabay na kaming nagtawanan ng napaka lakas

Sweet Sixteen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon