4: Misinterpret

33 11 2
                                    

Nang matapos na ang klase namin ay umuwi na ako sa bahay.Hindi na ako sumabay kina Arnica at Keisha kasi may kanya-kanyang lakad sila.Buti nalang may natira pa akong pera pampamasahe at di ako namumulubi ngayon.Medyo ma traffic sa daan kaya matagal na naman akong nakauwi.

Naabutan ko si Ate Calli na may hinihila na bag sa terrace.

San mana kaya galing yun?baka ninakaw niya..ay hindi,hindi magnanakaw si Ate kundi antukin lang.

Napalingon sa gawi ko si Ate.

"Zyrah,andito kana pala.Pero teka,bat naka t-shirt ka?Nasan ba ang blouse mo?." nagtatakang tanong niya

"Ah yun,tinapunan lang naman ng juice nang pinaka mayabang na tao sa mundo." sagot ko habang umupo sa sofa"Ate sayo ba yan?ang dami naman ata siguro nag nakaw ka noh?"

"Hoy manahimik ka nga diyan!Hindi ako magnanakaw noh at isa pa mga gamit to ni Kyle kaya kung pwede tulungan mo nalang ako." wika at pilit na hinihila ang isang malaking bag

Pero wait tama ba yung narinig ko?Naka uwi na pala ang tech genius kong kapatid.Nagbakasyon kasi siya kina Tita Alma at Tito Melchor.Sinama kasi siya nila Tito at Tita kasi sya ang pinaka favorite na pamangkin.

Yung sinabi kong tech genius,totoo talaga yun walang halong ka charcharan.Mahilig kasi magbutingting ng bagay-bagay tong si Kyle kahit pa grade 8 lamang ito.May mga nagawa na siyang invention at palagi siyang tutok sa laptop niya pero nag aaral naman siya ng mabuti tulad ko.

Nagulat naman ako nang may mga brasong papasalubong sa akin.Si Kyle balak yatang yakapin ako pero teka,san natutong yumakap tong batang to hindi naman to sweet dati ha ang sama nga ng ugali neto eh

"Ate Zyrah!"sabi ni Kyle at niyakap ako ng mahigpig at tumugon naman ako sa yakap niya.Mga ilang segundo lang din yon at kinalas ko na ang mga braso ko sa kanya,nakakadiri charot!

Tinignan ko si Ate Calli like anong-nakain-ni-Kyle-bat-ang-bait look.At tumawa lang ang antukin kong Ate.Duh~

"Nagtataka ka siguro kung bakit sweet ngayon si Kyle?Kasi may nililigawan yan."sagot ni Ate Calli

"What!?Jusmeyo ang bata-bata mo pa Kyle para magkalove life.Inunahan mo pa ako."

"Ang bagal mo kasi haha."ani ni Kyle

"At kinunsinti mo naman siya Ate Calli?Pag nalaman talaga to ni Mama at Papa siguradong magagalit yon." sabi ko at napakahawak sa malapad kong noo

"Wala naman masama kung manligaw siya diba?Siguradong naman tayo na i ba basted lang din naman siya."ani niya sabay tawa at turo kay Kyle

"Hoy Ate Calli hindi ako iba basted ni Carene!"pagmamaktol ni Kyle

Nagtawanan lang kaming dalawa ni Ate dahil pikon na pikon na naman si Kyle.

Pumasok na kami sa bahay at kumain ng hapunan.Mala MMK pala ang i kwe kwento sa amin ni Kyle tungkol sa bakasyon niya kina Tito at Tita.As usual ako nalang ang natirang nakikinig sa kanya kasi nakatulog na naman si Ate Calli.Naisip ko tuloy na bilhan ng energize drink o non drowsy tablet si Ate Calli para gising siya palagi.

Kalaunan ay napagpasyahan na rin namin ni Kyle na matulog na dahil marami pa kaming gagawin bukas.Babalik na rin sa pag aaral sa Huffle Ford High School si Kyle at ako naman maghahanda sa reporting ko bukas.

Nag text kasi Ma'am Alvez sakin na ako ang mag ha handle ng klase sa period niya bukas since hindi pa siya makakapasok dahil may sakit siya.Sana gumaling na si Ma'am Alvez ang galing pa naman niyang mag turo at sana nga lang din makinig sakin ang mga siraulo kong kaklase dahil kung hindi sasampalin ko sila isa isa

Sweet Sixteen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon