Chapter 7

30 10 3
                                    

Nagtama ang paningin namin ni Dos.May kung anong kuryenteng na dumadaloy sa aking katawan na nagpapabilis ng tibok ng puso't damdamin ko.Parang nalulunod ako sa bawat tingin niya at hindi ko alam kung pano umahon sa mga mata ng taong aking hinahangaan.

Biglang tumigil ang takbo ng oras na tila ipinahihiwatig na kaming dalawa lang ni Dos ang magma main find I han sa mundo.Hindi maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon para akong nilalamon ng isang malakas na bagyo,hinahampas ng masidhing alon na gusto kong sumabay sa bawat pag galaw nito.

Kung ang mga tingin na iyan ay may ibig sabihin,sanay bigkasin mo nalang mo nalang para malaman kong hindi mo ako paaasahin

Kung ang tagpong ito ay mauulit pa,hindi ako magsasawang pagmasdan ka

Kung panaginip ito ayoko nang magising sapagkat sa reyalidad ay hindi ka rin mapapasa akin

"Hindi pa ba tayo aalis?"narinig kong sambit ni Ate Calli
Bigla akong natauhan at humiwalay sa pagkakatitig ko kay Dos.Pati rin siya ay nagulat sa pagdating ng Ate ko.

Myghed!Baka kanina pa si Ate dito at nakita kaming nagtitigan ni Dos.Gusto ko mang magsaljta pero parang hindi makagalaw ang labi ko.Hindi pa rin ako maka get over sa pag palantasya ko kay Dos.Nagulat naman ako ng si Dos na mismo ang nagsalita at tila nauutak pa

"I-I just g-get my car"wika niya sabay lakad papaalis.Sumunid na rin kami ni Ate Calli sa kanya.Kinuha ni Dos ang kotse niya at itinapat ito sa amin.

Sa backseat sana ako uupo para katabi ko si Ate.Nahihiya pa rin kasi ako kanina kahit pa crush ko si Dos hindi naman ganon ka kapal ang mukha ko para isiksik ang sarili ko sa kanya.

"Zyrah sa harap kana marami akong dala o"ani ni Ate at pinakita ang mga dala niyang bag at supot

"Tabi nalang tayo Ate kasya naman siguro"

"Wag ka nang makulit pwede?Diyan kana sa harap"sambit niya.Wala na nga akong nagawa,sa passenger seat na ako.Ayaw kong masaksihan ni Dos ang mala World War 2 naming pag aawayang magkapatid.

Umupo na ako sa passenger seat medyo kinakabahan pa rin ako lalo na't nasa gilid ko lang si Dos.Nabigla ako nang lumapit siya sa akin as in eto yata yung pinaka malapit naming pagtatagpo.

Nasa harapan ko siya at alam kong naririnig niya ang puso kong walang humpay sa pagtibok ngayon.Nakatitig lang ang mga mata ko sa kanya ganon din siya sakin.

Baka kung among gawin niya.Hindi pa ko handa sa first kiss ko myghed!Katatapos ko lang kumain baka hindi maganda ang amoy ng hininga  ko pero nag toothbrush naman ako kanina at mouth freshener so mukhang okay lang naman siguro.Pinikit ko ang aking mga mata at hinintay na dumampi ang labi niya sa akin kaso wala eh,wala akong na feel...Bakit kaya?Dahan-dahan kong minulat ang aking kyut eyes

"Kinabit ko lang sayo ang seatbelt mo"ani ni Dos at may ibinulong siya sa kaliwang tenga ko"May pa pikit-pikit ka pang nalalaman,hindi naman kita hahalikan"he chuckled

Naistatwa ako sa kinauupuan ko.Para akong binuhusan ng napaka lamig na tubig at nahimas masan sa mga nangyari.Lumingon ako kay Ate Calli,buti nalang hindi niya napansin kasi busy siya sa ka text niya hula ko iyon yung boyfriend niya.

Pinaandar na niya ang kotse.Moderate lang ang pagpapatakbo niya pero hindi yan ang iniintindi ko ngayon.Grabe!Most embarrassing moment ever!Bakit ko ba ginawa yon!?Ang assumera ko talaga,nakakahiya pano pa ko haharap kay Dos nito.Naubos na yata ang kakapalan ng mukha ko puro hiya ang nararamdaman ko ngayon.Ni hindi ko man lang siya matignan.Para akong binuhusan ng sandamak mak na glue,yung tipong hindi ka makagalaw dahil nakadikit ang sarili mo sa upuan.Dinaig ko pa ang may regla at maniquin sa pagka stiff

Sweet Sixteen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon