Chapter 21

13 6 0
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala na mamaya na ang juniors ball pati na ang seniors ball.Nandito nga kami ngayon sa classroom at kasalukuyang nag aayos nang mga gamit namin.Nagmamadali na ring umuwi ang ibang estudyante para makapaghanda sa okasyon mamaya.Pero pinili namin nina Arnica at Keisha na pumarito muna para tumulong sa paglilinis nang classroom.Medyo sinipag lang kami ngayon.

"Dalian niyo nga ang pagwawalis diyan,ma le-late na naman tayo neto eh
" puna naman sa amin ni Keisha.

"Kung tumulong ka nalang diyan at wag kang mag utos ha."

"Argh bakit ba kasi nagpa iwan tayo dito." naiinis na wika niya

"Diba nga umalis na yung mga cleaners para ngayon araw?Eh sinong maglilinis nitong classroom ha?Ang gulo at dumi na kaya dito." paliwanag ko naman sa kanila.

"Oo na kung di lang tayo mga classroom officers,tinakasan ko na tong cleaning operation natin." natatawang wika ni Keisha.

"Wait anong oras nga ba yung ball mamaya?"tanong ni Arnica.

"Sabi dito sa memo mga around 7:00pm daw mag sta-start yung program."

"Hala!5:00 pm na oh,2 hours nalang ang preperation natin!Bilisan niyo na diyan girls!" tarantang sambit ni Arnica.

"Eto nga oh huling bangko natin"wika ni Keisha habang inuurong ang isang silya.

Dali-dali na naming sinarado ang pintuan at mukhang excited na talaga silang dalawa lalo na si Arnica na kanina pa chika nang chika kung anong isusuot niya sa ball.

Hindi ko nga pa din alam ang susuotin ko eh pero sabi ni Ate Calli sakin kanina na siya na daw ang bahala doon.Ako daw ang magiging pinaka maganda estudyante mamaya pero hindi naman ako naniniwala sa kanya kasi kyut lang naman ako.

Habang naglalakad kami sa may pathway ay napatigil kami.Nakita sa naming tatlo si Justin nasa sa basketball court at may dala-dalang isang bouquet ng flowers at box ng chocolates.May mga kasama pa nga siya sa may likuran niya na may hawak nang banner na ang nakalagay ay "WILL YOU BE MY DATE AT THE BALL?"

Hindi ko alam kung para kanino yun pero sure akong hindi para sakin yun.Ang dami kayang chix ni Justin malamang isa sa kanila at maswerteng magiging ka date niya mamaya.

"Oh my gosh!Sino kaya ang magiging date ni Justin mamaya huhu sana naman ako ang ayain niya"kilig na kilig na wika ni Arnica.

"Tanga,aagawan mo pa si Zyrah."puna naman sa kanya ni Keisha.

"Hoy ayaw naman ni Zyrah sa kanya kaya pwedeng akin nalang siya."sambit ni Arnica

"Ewan ko sa inyo,wala naman akong pakialam sa kanya at lalo na kung sinong magiging ka date niya."

"Pero teka nga lang,sa pagkakaalam ko grade 12 and grade 10 lang diba ang nandito sa ball mamaya dahil graduating na sila?I mean tayo?" nagtatakang tanong sa amin ni Keisha.

"Gaga hindi ka talaga nagbabasa nang mga memos noh!Isinama na din nila ang mga grade 11 kasi may isang nagpumilit na isama ang grade level nila"tugon naman sa kanya ni Arnica.

"Eh sino naman yun?"nagtatakang tanong ko

"Ako."napalingon ako sa aking likuran nang marinig ang sinabi niyang yun at laking gulat ko na makita si Justin sa harap ko.

"Bakit mo naman ginawa yun? Excited na ba talagang maka attendance nang ball?" natatawang bungad ko sa kanya.

"Hindi naman.Ginawa ko yun para makasama at maisayaw ka sa ball." wika niya sabay bigay sa akin nang mga dala-dala niya kanina.

Sweet Sixteen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon