Sol【1】

8 0 0
                                    

Chapter 1 : The day

━━━━━

Pa gabi na pala at hindi ko man lang namalayan ang mabilis na pag patak ng oras ngayong araw. Sinulyapan ko ng tingin ang aking orasan at napagtantong alasingko na. Kaya naman nag madali akong umuwi.

Habang nasa daan pauwi napatingin ako sa mga ulap ng hindi sinasadya. Palubog na ang araw, hindi ako pwedeng manatili dito sa labas. Tumakbo ako ng mabilis hanggang sa marating ko ang tapat ng aking bahay. Buti nalamang at may sinag pa ng araw kaya pumasok kaagad ako sa loob at dumiretsyo sa aking kwarto.

Lumapit ako sa bintana at hinawi ng onti ang kurtinang nakaharang rito, dumungaw ako na para bang may pinagtataguang tao. Muli akong tumingin sa orasan at malapit na mag ala sais. Eto na ang oras, ilang minuto nalang at makikita ko na siya.

Ibinalik ko ulit ang aking mga paningin sa labas at nakita ang taong kanina ko pa inaabangan. Lagi ko siya dito nakikita ng ganitong oras din. At sa tuwing sumasapit ang ganitong oras ako'y nawawalan ng malay kahit na pilitin ko ang sarili na hindi makatulog.

Pero sa mga oras na ito nagawa kong masulyapan ang kaniyang mukha. Nagkatitigan kami ng hindi sinasadya at bigla namang sumakit ang aking ulo.

"Sol…"

"Sol.. Ako ito."

"Ako si.."

Nagising ako sa sobrang init. Tumingin agad ako sa orasan, ala sais na ng umaga.

Teka? Umaga na?

Ano ba namang buhay 'to.. Akala ko naman makikilala ko na siya.

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at nag ayos na ng sarili upang pumasok sa trabaho.

Bago pa man ako makalabas ng bahay ay tumunog na ang aking telepono.

"Hello?" Bati ko dito.

"Kailangan na daw po na matapos ang script today Mr. Egeiro." Sagot niya.

"Ah opo sure. Ayun lang ba?"

"Be ready din daw po for the run mamaya ng scene 1."

"Okay thank you!"

Hays, kailangan ko na talagang matapos ang aking isinusulat.

Ako nga pala si Sol Egeiro, isa akong writer. Paminsan minsan aktor at direktor din ng isang musical play. Madami na din akong naisulat na iba't ibang kwento para sa aming pag tatanghal.

Pag dating ko sa trabaho agad na pinuntahan ko ang aking mga katrabaho na nag sasanay para sa play. Ngunit hinarang ako ng direktor, eto nanaman siya.

"Ops ops opss! Bawal diba bawal." Sabi nito habang nakaharang ang dalawang kamay. Siya si Paul Marquez, ang direktor ng aming play.

"Kakamustahin ko lang naman sila , 'to naman parang di ako yung nag sulat ng script, Paul." Sagot ko dito habang nakanguso.

"Hindi nga pwede, kahit na alam mo yung takbo ng istorya iba padin pag ginawa na nila. Kaya mamaya ka nalang mangamusta okay?" Pagpapaliwanag niya. "Bawal ka ma spoil!" Dugtong pa nito.

Kaya naman hindi na ako nag pumilit pa. Tinapos ko nalang ang script na kailangan na mamaya. Nang matapos ko nang isulat ang script kaagad ko itong iniabot kay Paul.

"Ilang buwan na din nating inaasikaso ito, pero hanggang ngayon hindi mo padin masagot ang tanong ko." Sabi niya ng nakakunot ang noo.

"Tanong?" Tanong ko sakaniya.

Hmm...

Nag lalakad ako sa park ng may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Sol!"

Agad ko itong binalingan ng tingin, si Paul lang pala. Akala ko naman kung sino na. Huminto ako sa pag lalakad upang hintayin siyang makalapit sa akin.

"Oh bakit?"

"May pinaplano akong musical play, and this is a big production. Ano g ka ba?" Tanong niya sa akin.

"Ah, sige ba. Pero sa production ako sasali. Ako na bahala sa script. " Sagot ko sakaniya.

"Wow.. May script ka na agad?"

Tinanguan ko siya at napabuntong hininga.

"Oo kaso di pa tapos. I'm still working on it." Sabi ko at nag simula kaming mag lakad.

"So tungkol saan itong script na binubuo mo?" Tanong niya.

"It's all about dreams." Sagot ko sakaniya.

"Oh, dreams na pangarap? Anong genre?" Natawa ako bigla nang hindi alam ang rason dahil sa tanong niya.

"Nope, dreams as in mga panaginip. Hmm maybe Romance? Comedy? Tragedy? Ewan hahaha di ko pa matutukoy but we'll see." Tinaas baba ko ang aking kilay habang nakangisi sakaniya.

"So ilang characters ba ang bida? Tell me more about the plot." Interesadong tono nito.

"Basta mapapanaginipan lang nila ang isa't isa." Maikling sagot ko sa kaniyang tanong.

Napahawak ito sa kaniyang baba at napakamot sa kaniyang batok. Huminto din kami sa pag lalakad dahil biglang lumakas ang ihip ng hangin.

"Naranasan mo na ba yun?" Bulong ko, tumingala ako sa langit at pumikit. Dinama ang pag daplis ng malamig na hangin sa aking balat, kahit na tanghaling tapat malamig ang hangin.

"Alam mo ang weird mo today. Pero bakit napadpad ang magaling mong imahenasyon sa ganoong klase ng istorya?" Tanong niya at tinaasan ako ng kilay.

Ngunit hindi ko siya pinansin at nag patuloy na ulit sa pag lalakad.

"Hoy aba bastos toh ah. Kinakausap pa kita!" Sigaw ni Paul. Hindi ko na siya nilingon pa at umuwi nalang sa bahay.

"Uh oo? Iniwan mo nalang ako bigla nun." Sagot ni Paul.

"Paano kung sabihin ko sa iyo ang sagot? Maniniwala ka ba?" Sabi ko at pinuntahan na ang mga aktor na gaganap. Sinundan naman ako ni Paul.

"Dinagdagan mo lang lalo ang mga tanong ko Sol, hays." Bulong nito na aking ikinatawa ng mahina.

"Okay guys listen, get yourself ready. Manonood na ang writer, ipakita niyo yung ilang buwan ng inyong sinanay." Anunsyo nito at agad namang nagsikilos ang mga tao.

Sana maging maganda ang kanilang performance. Sana kuhang kuha ng mga aktor at aktres ang mga tauhan sa kwento. Sana mabigyan nila ng kulay ang script na aking binuo. Sana makuha nila ang mga kaganapan sa aking imahenasyon noong isinusulat ko palamang ito.

At sana, sa pamamagitan nito, maalala ko na siya ng buo.

SoLunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon