Chapter 1

95 3 0
                                    

           " The Hot Billionaire "

“Hoy Hazelyn Eunice Saavedra. Kararating mo lang, aalis ka na naman?” OA na sigaw ni Alyssa na kaibigan ko mula sa sala.

“Yeah. May shift ako ngayon sa shop. Absent ako last week kaya babawi ako” nakangiting saad ko sabay suot ng jacket.

“kawawang-kawawa na yang katawan mo ha. Baka bumigay yan at di ka makaattend ng graduation mo next next month.” Kita ko ang awa sa mga mata niya

“hay nako Aly, sanay na sanay na ako kaya ‘di mo kailangang mag-alala. Ok?” sabi ko at tumango lang siya.

“pano ba yan, alis na ako. Sa shop nalang ako kakain ng hapunan at dala ko na rin ang uniform ko para deretso nalang akong school bukas.” Paalam ko at umalis na.

Huling taon na namin sa college at mula first year magkasama na kami sa apartment na regalo sakanya ng mga magulang niya. Gusto kong magbayad ng renta sakanya pero ayaw niyang tanggapin kaya napakalaking tulong sakin na libre ang aking tinitirhan gayong hindi kayang tustusan ni mama.

Pagkarating sa shop, inabot na sakin ni Xander ang polo shirt na uniform namin at dumiretso na ako agad sa aming mga locker.

Second year second sem nang pumasok ako sa hardware at ito ang halos tumulong sakin para makapag-aral. Tatlong beses sa isang linggo pinapapasok ang mga working students dito maliban sakin dahil sa pakiusap ko na kung pwede ay limang araw akong pumasok kahit hindi deretso at dahil mabait naman ang mga magulang ni Xander, pumayag sila dahil gusto din daw nilang makatulong sa kagaya ko.

"Dun ka nalang sa paint and rope section para tabi lang tayo. Haha” saad ni Xander pagkalabas ko at nagustuhan ko naman iyon para komportable ako.

“Ok sir. Salamat po.”natatawang sabi ko sakanya at nagtungo na kami sa area namin

Buti nalang at panggabing shift kami ngayon. Wala masiyadong nagpupunta maliban sa mga bigla nalang bibili ng mga panali at cork board kahit madaling araw. Sa school supplies naman sa tabi ng counter ay talagang dinadagsa ng mga estudyanteng maaring may mga tinatapos na requirements.

Pagkatapos ng pitong oras sa trabaho ay nagsarado na kami dahil alauna na rin ng madaling araw. Sa 4th floor ng shop ay may mga kwarto para sa mga hindi nakakauwi pagtapos ng night shift at doon ako hinatid ni Xander matapos kong tanggihan ang pag-aya niya sakin na ihatid ako sa apartment. Nang ipakita kong dala ko ang uniform ko ay sumuko siya at isa pa ay malapit lang ang shop sa university kaya makakatipid pa ako dahil kayang-kaya namang lakarin.

Busy na ang lahat sa pahahanda para sa final exam dahil mauuna kaming mga Seniors dahil nga graduating. After 4 years of patience and effort in accountancy, g-graduate na rin ako at magagawa ang mga bagay na ipinagkait ko saking sarili habang nag-aaral. Maraming nagtangkang manligaw ngunit agad ring basted dahil hindi pa ako handa at takot akong magaya sa mga magulang ko na naghiwalay lang din at naghanap ng kanya-kanyang karelasyon.

Madalas nga lang kaming pagkamalan ni Xander na magjowa dahil napakasweet daw namin at ‘di mapaghiwalay. Pero lagi rin naming kinaklaro na magkaibigan lang kami at hanggang doon nalang yun para makaiwas rin sa isyu. Pero kung angmga magulang daw niya ang tatanungin ay botong-boto sila sakin para sa anak nila.

“uy baka mafall ka na sakin niyan dahil sa lala mong makatingin ah.” Kalabit sakin ni Xander habang nagmumuni-muni.

“alam mo, panira ka talaga. May iniisip yung tao eh.” Bwelta ko

“naku huwag mo nga stressin yang sarili mo sa exam. Sigurado naman akong papasa ka at for sure Cum Laude. Huwag ka nga lang madali nung minor na yun hahahaha” pinagtawanan na naman ako ng animal

Playing with His GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon