(Nyx's POV)
"Alam mo ba yung feeling na bet na bet kong sumali kaso hindi ko magawa"
Sinamaan ko ng tingin si Apollo pagbalik niya ng Hideout. Bakas sa muka niya na nag-enjoy siya sa kantahan nila, gabi na nga siya bumalik e.
He just laugh at me saka siya tumuloy sa pwesto niya dito sa office namin.
"Ang saya saya naman nung kantahan niyo"
Bati nung mga kasamahan namin dito. I just roll my eyes, this is unfair sana nakasali man lang ako at nakita ko ng harap harapan si fafa Helios.
Aba'y iboboto ko na yata siya na maging jowa ni Naya tutal Kupal naman ang Kuya ko, pft.
Kung ayaw ni Naya edi sige kami na lang dalawa.
Joke lang pala, loyal ako sa fafa Frion ko no.
Hindi ko na lang sila pinansin at tumuloy sa ginagawa namin, nagkakasiyahan parin sina Apollo ng tumunog na naman ang alarm sa Village.
Lahat kami nataranta at napatutok sa monitors.
"All residents must enter their rooms now"
Alexana the computer said. Ganito ka-hitech dito.
Kitang kita namin na nagsipasok na lahat ng mga kasamahan namin dito sa hideout sa mga kwarto nila.
Lahat naka-stand by, kapag tumunog ang alarm at umilaw ang red light automatic na lahat ng daan papasok at palabas ng hideout ay nagsasara.
Nakikita namin na nagkakagulo na naman sila sa Village.
Wala kaming magawa, palagi lang kaming nanonood sa kanila everytime na mangyayari ang ganito.
Everyone was ready in just a snap. Were like an army na parang were trained to be like this. Everytime ganito na kami, paulit-ulit na kaming ganito, 5 years na.
Tama si Naya, hindi na kami bumabata, pero hanggang kaylan pa nga ba ang mga pangyayaring ito.
"Nyx? Come on"
Napalingon ako sa gawi ni Apollo, natulala pala ako. Tumango na lang ako saka ginawa ang dapat kong gawin.
(Naya's POV)
Nararamdaman ko sila sa labas ng matataas na pader ng Village. Marami sila, nananatili lamang sila roon at walang ginagawa ayon narin kay wincess na nasa monitor ngayon.
"Stand by"
Eos said in our earpiece, no one is allowed to make any noises. Hindi ko rin sila hinahayaan na magpakalat-kalat sa labas kapag ganitong pagkakataon.
Sila Eos parin ang nagsisilbi naming frontlines, guard houses kasi ang nakapalibot sa buong village at ang malalapit sa pader ng village na ito.
And the main guard house was on the main gate na malayo sa sentro ng village kung nasaan kami.
Everyone was ready and the escaping plan was always been our last options if we did not succeed to any of our plans.
Ilang minuto rin kaming naka-stand by when the alarm stop even the red light. Nararamdaman ko rin na unti unti na silang nawawala paisa isa.
This is weird.
"unti unti silang umaalis"
wincess said, tama nga ang nararamdaman ko. Pero bakit? Parang may kakaiba dito.
Itinaas ang alert level 5 sa buong village, this alert means we cant sleep, this is the state kung saan mas kaylangan naming magbantay dahil hindi namin alam kung susugod pa ba silang muli o hindi na.
BINABASA MO ANG
Underground Society: Reapers
Misteri / ThrillerWhen the world seems to be more difficult when the world seems to be darker when everything seems to be impossible when we seems to be fear to the unknown will you still manage to obey your lord? when everything seems to be misplaced will you do eve...