Reapers 3

418 17 2
                                    

(Naya's POV)

Anong organization kaya ang susunod naming makakaharap? Sa dami ng organizations sa underground society ang hirap tukuyin ng susunod naming makakaharap.

Hindi naman nagiiwan ng clue ang mga impaktong numbers na yun.

I pinned the photo of Audrey's father sa number four na nakalagay sa bulletin ko dito sa office ko, sa baba non ay nilagyan ko ng sulat na assassin, indikasyon ng klase ng organization na kinabibilangan niya.

Sa ngayon, we have first na galing sa gangsters org, second na galing sa killers org, third na galing sa hunters org at fourth na galing sa assassinations org at ngayon ay si fifth.

Binalingan ko naman ang chart ng ibat ibang forms ng venom x. Inayos ko narin by level ang mga ito kung alin ang pinaka-mahinang form hanggang sa pinaka-delikado.

Isinulat ko narin sa board ang possibility na pwedeng ma-infect ng venom x ang tao by air at isinulat ko naring mabagal ang effect nito kumpara sa ibang way ng pag-infect sa tao.

Every details na nadidiskubre ko sa venom x ay isinusulat ko dito.

"Naya?"

Napalingon ako sa pinto, kumakatok si Apollo.

"I think you need to see this!"

Dagdag niya pero hindi ko parin binubuksan ang pinto.

"Insan kasi manganganak na si M-

Nagulat si Apollo sa pagbukas ko ng pinto, hindi ko na siya pinansin at tinahak ko na agad ang daan papuntang clinic, naramdaman ko namang humabol agad ang mokong.

Mabilis lang naming narating ang clinic at pagdating doon ay nagkakagulo sila.

"Kumalma ka nga tol, ka-lalake mong tao ang ingay mo!"

Saway ni Fredrick sa asawa ni Marrianne, gusto kong matawa, dahil maingay din naman siyang lalake. Ulol.

"Doc anong balita?"

Tanong ko sa doctor na ikinatahimik nila.

Ngumiti ang doctor sa akin, matagal narin namin silang kasama dito.

"Alam mo ba Naya? Kambal na lalaki ang anak nila!"

Tuwang tuwang sabi ng doctor pero parang naestatwa lang ako dito, hindi ko alam kung bakit pero parang sobrang saya ko lang.

"t-talaga doc? Kambal ang anak ko? Kambal doc? Salamat po!"

Tuwang tuwang hiyaw ni Mark saka niya niyakap ang doctor. Hinawakan ko siya sa balikat bago siya pumasok sa loob.

"Name them, Hope and Faith!"

Biglang naiyak si Mark at yumakap sakin.

"Wala akong kambal kundi dahil sayo Naya, maraming salamat! Wag kang mag-alala, simula ngayon yun na ang pangalan ng kambal ko!"

Umiiyak niyang sabi saka siya pumasok sa loob.

"ihahanda ko na ang gamit nila, magluluto narin ako!"

Prisinta ni tita, sinamahan agad siya ni Mom. Excited na sila.

"Boys? Aasikasuhin natin ang birth certificate ng mga bata, girls? Aayusin natin ang binyag!"

Napalingon ako kay Dad, umalis agad sila at naiwan akong magisa. Mga excited talaga.

Pumasok na lang ako ng recovery room para makita ang magiina, sinalubong naman ako ni Mark na ngiting ngiti.

Underground Society: ReapersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon