(Naya's POV)
"ililigtas ba natin sila?"
Tanong ni Nyx.
Ngayong araw, ginising kami ng balitang isang bahay ampunan ang nag-lock down at ang mga tao doon ay pinaniniwalaang infected ng venom x.
Kitang kita namin sa monitor na ang mga kapulisan ay binakuran na ang paligid ng ampunan, walang nakalalabas at nakakapasok.
Nakalabas sa media ang lahat, alam na ng mga tao na may ganitong pangyayari, na may zombie sa tunay na buhay, zombie made by science.
"Halos lahat infected, pero kung titingnan niyo ang building na ito sa likod ampunan, makikita niyo may mga hindi-infected dito, nakakulong sila sa loob hindi makalabas! At yung venom x form na yan ay yung form na literal na zombie na talaga ang lahat, yung kakainin sayo at papatay sayo?"
Ate Selene said, lahat ng na-infect ay bata, lahat ng bata sa ampunan na-infect at ang nananatili na lang na buhay ngayon ay yung mga matatandang nagaalaga sa kanila, ang iba sa kanila ay namatay ang iba ay nakapag-tago.
Hindi nakakahawa ang venom x through bite, kelangan itong i-insert talaga sa tao para makahawa, thats the good thing i think, dahil kung nakakahawa ito sa kagat? Tapos na siguro ang pilipinas.
Naka-steady ang lahat ng bata, lahat ng infected parang estatwa na nakatayo lang kung saan saan, naghihintay ng makikitang gagalaw o kung anuman bago kumilos.
"Dad? I need your team!"
Dad look at me, yung iba naman parang nagtaka pa.
"That scene, naka-broadcast yan sa buong pilipinas, hindi nga natin alam kung pati ba sa buong mundo -- hindi tayo pwedeng lumabas ngayon! So i need someone na entitled to do this mission na hindi halata at hindi pagdududahan, hindi nila tayo pwedeng makita!"
Nagtanguan sila. Tiningnan ko sila Sky.
"Make sure the safety of my dad!"
Sky nod at me.
"Now we need to do the plan!"
Lahat sila tumutok na muli sa pakikinig.
"Kaylangan lang nating patayin lahat ng infected, hindi sila pwedeng makalabas, uubusin sila, make sure na walang makukuha ang kahit sino na isa mang infected, i believe they did a mass testing sa venom x sa ampunan na yan! Gaya dati, sa DRU, ginagawa muli nilang kasangkapan ang mga kabataan para sa tagumpay nila!"
I started again.
"Mahihirapan tayong pasukin ang ampunan, matataas ang pader! Walang ibang daan maliban sa entrance!"
Ate Selene said, tutok na tutok sila sa location, tutok sila sa sitwasyon doon.
"May Hellipad ang building, magagamit natin yon!"
I said.
"Sorry Naya, k-kinakabahan lang ako!"
Ate Selene said, pinaalis ko na sila Dad, complete Gear ang soot nila, si Dad talaga ang the best sa mga ganitong pangyayari.
"Black? Are you on the way?"
Tanong ko kila Black, i needed to manipulate everything.
"We are on our way Ma'am!"
Sagot ni black sa radio.
"Dad? The hellicopter? Are coming!"
I said to Dad.
"Malapit na kami anak, Naitanong ko narin kung may contact sila sa loob, nakausap nila ang mga survivors, walo sila, walang batang nakaligtas lahat sila matatanda, we already ordered them to go up on the rooftop!"
Dad said, we are watching them kitang kita namin ang kinikilos nila.
Hindi pa nagtagal ay nakarating na agad sila Dad, pinaghigpit ang mga seguridad, pinaalis ang media, at nagsisimula narin sila Black na iligtas ang mga taong un-infected.
Dalawang helicopter ang ginamit namin, pagkatapos makuha ang mga survivor pinasabog agad nila ang lugar.
Paulit-ulit na pinasabog, walang hinayaang mabuhay. After that inasikaso agad ni Dad ang maraming bagay, kinuha niya lahat ng profiles ng mga bata sa ampunan at ang lahat ng andito, buti na lang at nakaligtas din ang may ari at nakausap narin nila.
Matapos masigurong ligtas ang mga nasagip, nagkaroon ng presscon, doon nila ikinwento lahat at um-agree sila sa ginawa nila dad na pinasabog ang lugar dahil hindi na talaga sila pwedeng makalabas.
Gumawa ng paraan ang gobyerno na ma-imbestigahan ang nangyari, hinayaan na namin sila ang importante ay tapos na.
Dad scheduled me to talk to the owner of that charity institution, nagpanggap akong psycologist para lang maka-usap siya.
Good thing i have the connections, hindi kasi namin sila pwedeng kunin sa otoridad dahil mahahalata kami.
"How are you feeling right now!?"
Alam kong hindind hindi nila makakalimutan basta basta ang nangyari, it will made an impact to them, sa katunayan ang iba sa walang nakaligtas ay nagkaroon ng mental issues.
Umiyak agad ang babae sa tanong ko, napagalaman kong matagal na panahon niyang inalagaan ang ampunan, at talagang halos lahat sa mga batang iyon ay sa kanya na lumaki.
"takot na takot ako, gusto kong iligtas ang mga bata pero masyado silang agresibo, natakot na kong lumapit sa kanila dahil hindi na sila nakakakilala -- kahit yung mga bisita namin nung araw na iyon ay pinatay nila! Pinatay nila ang mga sponsors nung araw na yon!"
Napakunot ang noo ko, hindi ko narinig sa conference na sinabi niya yon.
"May mga dumalaw noon sa ampunan at nagpakain, ewan ko ba! Naya, hindi ko alam kung papano sila nakapasok, basta namalayan ko na lang may bisita ---
Tumawa siya at muling umiyak, she started scratching her nape saka siya tumawa nagulat na lang ako ng dambahin niya ko. Her eyes were red.
"Katulad sa DRU ang pangyayaring yon di ba? Naaalala mo ba? Naya? Ipapaalala ko sayo ng paulit-ulit ang lahat, tumigil na tayo sa pagtatago natin! Magsimula na tayo sa totoong laban!"
She laugh, at bigla na lang siyang bumagsak sa tabi ko and i hurriedly breathe so deep, naubo pa ko dahil sa pagsakal niya sa akin.
Dad hurriedly carry me at inilabas niya ako sa kwartong iyon, naiwan doon si Sky na siyang humampas sa ulo ng babaeng yon para mamatay siya.
"Are you okay? Honey im asking you?"
I heard dad yelled at me, he's crying. He's crying really hard and i cant take off my eyes on that room.
(Apollo's POV)
Iniuwi ni tito si Naya na walang malay dito sa bahay, kitang kita naming magulo ang postura ni tito habang karga karga niya ang pinakamamahal niyang anak.
Umiyak siya alam ko, even sky is uneasy.
Tinulungan namin si tito kay Naya but he insist to carry her daughter alone to her room, si tita ang sumunod agad sa kanya.
Puro dugo pa nga ang soot ni Naya.
Naupo lang si Sky, tulala bago siya nakabawi sa sarili niyang pagiisip.
"Okay ba kayo? Sky?"
Tanong agad ni lolo, Sky nod.
"Okay kami lolo, wala namang nasaktan, naagapan din namin yung pangyayari kaya nailigtas si Naya!"
Mahina ang boses ni Sky, marahil ay shock siya.
"Nakakatakot, yung babaeng yon nakakatakot siya, natakot ako, takot na takot kami ni tito!"
Sky cried, he cried really hard.
"Nakakabaliw, tang*na, how is she able to handle that? Halos maihi ako sa pantalon ko, pano pa kaya kung sina first mismo ang nakita ko! Pano kung sina first yun? Makakaya ko kaya silang patayin?
Niyakap siya ni mom, alam na alam ko ang pakiramdam na yan, alam ko, pero hindi niya alam na mas nakakatakot si Naya dyan.

BINABASA MO ANG
Underground Society: Reapers
Mistério / SuspenseWhen the world seems to be more difficult when the world seems to be darker when everything seems to be impossible when we seems to be fear to the unknown will you still manage to obey your lord? when everything seems to be misplaced will you do eve...