(Apollo's POV)
"We need more informations, i need to know how it was injected or whatever they do to those people"
Naya said sa meeting namin.
"They cant just easily infect people, a bite of a venom x infected cant infect other people at ganon pa kabilis, so i believe meron silang ginagawa na hindi natin alam"
She said again, tama siya, pano nga kaya na-i-infect ang mga tao na yon? Lalo na yung latest invasion ni Fifth, as in walang bakas na kung papaano pinakalat ng mabilis ang venom x.
"We need peoples that will focus on that mission"
Naya said.
"Kami na lang Naya, kami lang naman ang nasa labas"
Prisinta ng team nila black. Sandaling nagisip si Naya bago sumangayon.
"We will accompany them, para siguradong okay sila"
Sabay na prisinta nila Sky saka nila Tito.
Naya just nod, may binabalak na naman siguro siyang hindi namin alam kaya sumasangayon lang siya.
Matapos ang meeting muling kumilos ang lahat, lahat halos walang pahinga gaya dati.
Buti na lang may masisipag na nagpapaalala sa amin na kumain, magpahinga at matulog.
Pero sino nga ba ang makakakain kung alam mo na bawat segundo mahalaga? Sino bang makakatulog kung alam mong ang mga kalaban ay hindi natutulog? Sino bang makakapagpahinga kung alam mo naman na ang mga kalaban mo ay wala ding pahinga?
Araw araw pwedeng may mainfect ulit, pero buti na lang at nagagawa naming mabawasan kahit papaano ang mga na-i-infect.
Pero, ilang beses na naming hindi mabantayan ang galaw nila Fifth, kapag kumikilos sila hindi namin nasusundan, hindi namin nalalaman.
Yun ang mahirap sa lahat, malalaman na lang namin na marami ng infected ng hindi namin nalalaman kung pano nagawa at saan nagsimula.
Napatingin agad ako sa alarm namin dito ng tumunog ito ng malakas, umilaw agad ang red light.
Sa kaba ko ay napatakbo agad ako sa monitoring room. Thats bullsh*t.
Pagpasok ko andito narin ang iba, kitang kita na sa hiwa-hiwalay na location na-detect ang mga infected. May malapit sa amin at may malayo, layo layo sila at paisa-isa kung lumabas.
Unti unti dumadami sila. Biglang nag-pop up sa monitor si Naya.
"Dad? We needed to inform the policemen's to kill the infecteds dadami sila at hindi yun pwedeng mangyari we need to tell the peoples na yun pa lang ang paraan na magagawa natin sa ngayon"
Kumilos na sila Tito, ang team nila black at Sky ay abala narin. Alam ko mahirap para kay Naya na sabihin iyon, alam kong hanggat maaari lahat nais niyang iligtas pero wala siyang magawa sa ngayon, wala pa kaming magagawa.
(Naya's POV)
Umabot sa isang libo katao ang napatay kagabi, lahat sila infected.
Kitang kita na nagdadalamhati lahat ng kaanak nila, galit sila, pero wala silang magawa dahil walang gamot sa mga kaanak nila na namatay.
This day, the president of the Philippines put his Nation into a total lock down. Walang lalabas, at ipinakalat ang lahat ng mga kapulisan at ang mga sundalo sa buong bansa.
Ultimo inbound and outbound flights ay tigil na, umabot na ang balitang ito sa ibang bansa at sila narin ang nagkusa na i-ban ang mga flights na mula sa pilipinas sa kanila.
Pinahigpit ang seguridad, pinahigpit ang lahat. Ang kinatatakutan kong pangyayari andito na kaharap ko na.
Hindi magtatagal malalaman na nila ang lahat, hindi magtatagal mauubos ang lahat ng mga taong naririto, lahat sila ma-i-infect, lahat sila mamamatay.
Tuloy parin ang pagaasikaso nila Dad sa mga namatay at the same time ay tuloy ang pagiimbestiga nila kung papaano na-i-infect ng mga tao.
Pinaghandaan ko na ang bagay na ito, pero talagang mahirap tanggapin at harapin ang isang to.
Tinotoo talaga nila ang banta nila, talagang wala na silang pakundangan kung kumilos.
Kung gaano sila kabilis ay siyang bagal namin makapag-produce ng antidote. Dahil ang pure antidotes ay sa aming tatlo lang nila Nyx at Apollo makukuha, ang ibang antidote carrier na ay hindi naman makukuhaan ng antidote na katulad ng sa amin ang kalidad.
Kapag nagtagumpay ang mga scientist na mabilis na maparami ang mga antidotes hindi na kaylangang mamatay ng mga tao, magagamot na sila at hindi na mapapasakamay nila fifth.
"Patuloy ang lahat sa pagiimbestiga, ikaw kamusta ka?"
Napalingon ako sa nagtanong, si Eos.
"Okay ka lang ba?"
Dinalhan niya ako ng pagkain, halos hindi na kasi ako umaalis sa harap ng monitors dito sa kinaroroonan namin.
"im always okay, i need to"
Nginitian niya lang ako saka niya ko marahang niyakap, isinandal niya ako dibdib niya at dinig na dinig ko ang pintig ng puso niya.
"Balang araw, alam ko maaayos din ang lahat at sa mga panahong yon makakaya mo ng sabihin na hindi ka okay kung hindi talaga, soon Naya sandali na lang"
Hindi ako sumagot, dahil alam ko lahat kami ginagawa ang lahat para mangyari yon.
"Kaya kumain ka na, ako na muna ang tututok sa mga to"
Binitawan niya na ako saka ako pinaupo sa harap ng mesa kung saan niya inilapag ang mga pagkain.
"kung tatanungin mo ko kung kumain na ako oo kumain na ako para may kapalit ka dito"
He said sabay ngiti, natawa ako. Minsan talaga hindi masama ang pagiging advance niyang magisip.
(Cielo's POV)
Napatigil kami sa ginagawa namin ng tumunog muli ang alarm.
This time hindi na namin kinailangan na tumakbo sa monitoring room, dahil lumabas na sa mga nakakalat na monitors dito sa kinaroroonan namin ang nais naming makita.
"There are infecteds na patuloy na dumadami at gumagalaw papunta dito magsihanda na kayo"
Naya announce sa buong village.
"Team Eos on your Place"
Dinig naman namin na sumagot sina Eos via earpiece kay Naya.
Mabilis na kumilos ang lahat, ultimo kami ay lalong nagmadali sa pagkilos para maka-pwesto na kami sa usual spot namin.
Nakatutok din sa amin ang mga nasa Quarters. Ano kayang binabalak ni fifth? Bakit niya dito pinapupunta ang mga infected?
"We needed to eliminate them, maraming ibig sabihin kung bakit sila papunta dito, at isa na don ang i-expose tayo sa mga tao kaya kaylangan nating patahimikin ang mga yan"
Naya said, tama siya, pwede ngang mangyari ang bagay na yon.
(Naya's POV)
We made a team na haharap sa mga infected. We needed to eliminate them bago pa malaman ng mga tao na may ganito silang characteristics.
Naka-stand by na ang mga sniper namin, ang team reapers ay hindi lalabas dahil nga itinatago namin sila, kaya kaming team gangsters at ang ibang Team assassins ang lalabas kasama din namin ang ibang mga tauhan na kasama namin dito.
Hindi ko na pinapunta dito sila Dad at sila Sky, ayokong mahalata sila ng iba kaya na namin to.
"Malapit na sila at padami ng padami"
Autumn said, inilagay ko siya don. Dahil gusto kong makita niya kung gaano sila kadami at kung sino talaga sila, gusto kong makita niya ang gawa ng ama niya, para maalala niya na dapat ng putulin ang sungay ng tatay niya.
BINABASA MO ANG
Underground Society: Reapers
Misteri / ThrillerWhen the world seems to be more difficult when the world seems to be darker when everything seems to be impossible when we seems to be fear to the unknown will you still manage to obey your lord? when everything seems to be misplaced will you do eve...