(Nyx's POV)
"Grabe no Naya? Ang tagal na nung DRU days natin"
Napangiti lang siya.
"Nakakamiss nga e"
Napangiti ako, dahil kahit ako nami-miss ko rin ang mga araw na iyon. Kahit na doon nagsimula ang lahat.
Tapos na kaming kumain, nagku-kwentuhan na lang kami dahil biglang umulan, pero banayad lang ang ulan, nakakatuwang pagmasdan.
"Siguro sila Kuya graduate na at tayo na lang ang andon"
Dagdag ko.
"Siguro, baka kasal na sila Wincess at yung iba"
Bigla akong natawa and she laugh also.
"Bakit ba muka kang kasal dyan?"
She laugh again.
"Hoy, ang dami kayang pagkain sa kasalan tapos si Ate Selene at Ivan dapat ikasal na sila"
Natawa lalo ako kay Naya. Akala talaga nito napakadaling magpakasal.
"Kamusta naman ang pahinga mo?"
Maya maya ay tanong ko kay Naya.
"Hindi ko alam, masaya ba? Sulit ba? Ewan"
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Nagpakita sa panaginip ko yung mga kasamahan natin na nawala"
Natahimik ako at itinago ang gulat sa sinabi niya, nalungkot siya ng sabihin yon pero bigla din siyang tumawa.
"Sa tingin mo, bakit kaya sila masaya?"
Tanong niya na hindi ko napaghandaan, hindi ko alam ang isasagot ko.
"S-siguro Naya, masaya sila kasi alam nilang lumalaban parin tayo"
Natahimik si Naya at napatitig sa akin.
"Masaya siguro sila na kahit malapit ka ng sumuko ay pinipili mo paring bumangon para sa ating lahat"
Nakita kong napaisip si Naya at maya maya ay ngumiti.
"Sabagay, Marahil masaya sila na kahit papano na kahit wala na sila sa mundo alam nila na namatay sila ng lumalaban"
Ngumiti lang din ako kay Naya. Matagal pa kaming nagkwentuhan bago kami matigil dahil pumasok si Apollo.
"Luto na ang pinaluluto mo"
Nakangiti si Apollo ng sabihin yon. Napakunot noo ako, anong pinaluto ni Naya e kanina pa kami andito, wala naman siyang ibang kinakausap maliban sa akin.
"Tara na"
Yaya ni Naya kaya natawa ako.
"Lalabas ka ng ganyan?"
I ask, nakapantulog pa kasi si Naya. As in Pajama saka Malaking tshirt ang soot niya. Naka tsinelas lang siya at naka-head band to fix her hair.
"Bakit ba kakain lang naman ako?"
Natawa lang ako lalo na ng hilahin niya ko. Weird parin, siya pa? E laging full gear yan.
Hila hila ako ni Naya at dire-diretso kami sa cafeteria. Madaming tao, halos lahat yata andito, marami bang pinaluto si Naya? Lunch na ba? Miryenda? May birthday? Celebration? Party?
Dire-diretso parin kami, hindi ako nagsasalita dahil hindi naman sila nagsasalita.
Napatalon ako sa gulat ng pagpasok namin sa cafeteria ay biglang may naghiyawan, pakiramdam ko nanlaki ang mata ko.
BINABASA MO ANG
Underground Society: Reapers
Misterio / SuspensoWhen the world seems to be more difficult when the world seems to be darker when everything seems to be impossible when we seems to be fear to the unknown will you still manage to obey your lord? when everything seems to be misplaced will you do eve...