Chapter 11
"This is your house?"
In front of us is a huge modern house. Nasa hindi kalayuang subdivision din ito na malapit din sa amin. I picked up my stuff from the condo and left all the things my father bought for me.
Now, I am penniless.
Pero buti nalang at may naipon naman ako konting pera mula sa mga apartment complex ko. I guess I can live off that and being a doctor. As much as I hate it, I have to rely on Gray first.
"Oo... bigay sa amin ni Papa bago siya namatay," sabi niya at hinawakan ang kamay ko papasok. "Buong pamilya namin, dito nakatira. Nagrent lang ako condo para di hassle sa akin ang uwian."
Tumango ako. Sabi niya, mas makakabuti daw kung dito kami titira kaysa sa condo niya. Maalagaan daw kase ako dito at wala naman na ginagawa Mama niya.
"Maximillian!"
Hindi pa kami nakakapasok sa may gate ay bumukas na ito. Sumalubong sa amin ang Mama niyang natataranta. Nasisiguro ko na talaga na maganda ang genes nila dahil sobrang ganda nito. She looked young for someone aged sixty plus.
"Buti naman at naisipan mong umuwi! Nako, miss ka na nang mga pamangkin mo. At saka—"
Naputol ang sasabihin niya nung nakita ako. Nanatili naman na magkahawak ang kamay namin. Tumitig siya sa akin.
"Siya ba 'yan?" tanong nung Mama niya.
"Magandang tanghali po," bati ko. I looked at Gray. "I'm Lacey... Laticia Ysabelle Alfaro po."
Tumango naman sa akin ang Mama niya, gulat pa rin na makita ako.
"Nako! Anak nga siya ni Leticia Galvez! Kamukhang-kamukha!" sabi nung Mama niya at hinawakan ang mukha ko. Nagulat naman ako dahil doon. "Napakaganda!"
"Mama," saway ni Gray. "Wag ka naman masyado ma-excite... nakakahiya oh,"
Ngumiti lang ako sa Mama niya na mukhang tuwang-tuwa sa mukha ko. "Ayos lang po..."
"Sorry, anak." sabi nung Mama niya at bumitaw na sa mukha ko. Tumingin siya kay Gray. "Bakit kayo napunta dito?"
Gray swallowed hard. Kanina pa siya sorry nang sorry sa akin dahil sa nangyari. Sabi ko naman sa kanya na hindi niya naman kasalanan. It was Papa's decision.
"Itinakwil na siya sa kanila, Mama. Kinuha ang lahat ng gamit niya, at wala na siya matitirhan." sagot ni Gray.
"Ano?!" gulat na sabi ng Mama niya. "Nako, hija. Halika, pasok ka na. Baka kailangan mo na magpahinga."
Hinila na ako nang Mama niya papasok ng bahay nila. Pagkapasok naman namin sa pinto ay narinig ko ang malakas na paglalaro ng mga bata.
"Gavin, it's not like that!" the older kid said. "You are doing it wrong!"
"You are the one doing it wrong, Kuya!" sagot nung mas bata. Naglalaro sila sa may sala.
"George, Gavin." Gray's stern voice thundered the room.
Sabay napatingin ang mga bata sa amin. Nagliwanag ang mga mata nila at tumakbo papunta kay Gray.
"Tito! Did you bring pasalubong?" the older one said.
Gray tapped their heads and shook his head. Both of the kids pouted. Nakita ko naman kung gaano kakalat ang sala dahil sa dalawang bata.
"Nako, pasensya ka na, hija. Naglalaro kase 'tong dalawang bata kaya makalat. George and Gavin! Ayusin niyo nga 'yang kalat niyo!" utos ng mama ni Gray. "Doon nalang kayo sa game room!"
BINABASA MO ANG
Against The Fate
RomanceRule Series #1: Rule of Fate Side Story Maximillian Gray Castellano
