Chapter 1

264 5 0
                                        

Chapter 1

"Congratulations!" bati ng isa sa mga pinsan ko. They smiled fakely. Wala naman akong panahon makipagplastikan sa kanila.

"Okay, thanks." I sipped on my champagne, as I earn a glare from them. Galit sila sa akin dahil may bago na namang ipagmamalaki ang pamilya namin.

Umikot pa ako dito para batiin ang mga kakilala ni Papa. Most of them are politicians, binati nila ako ng ilan congratulations.

I thought I wouldn't survive that year when I failed the board exam. I retaked and luckily, I passed. Topped it, even. Naging 5th placer pa ako kaya super proud sina Papa.

It's unusual for an Alfaro like me to be involved in medicine. Tumatakbo sa pulitika ang buong pamilya namin. I was the odd one out, which disappointed my father at first, pero tinanggap niya rin ito.

Hindi na ako masaya sa party na ito. Puro mga taong di mapagkakatiwalaan at mga selfish ang nandito. Bakit kasi hindi nalang si Emma ang nagparty? She's the topnotcher! Siya ang top 1 at hindi ako!

I sighed. Hindi ko naman kasalanan na naging Alfaro ako.

"Hi, Lacey boo!" Lumapit si Camila sa akin at hinalikan ang pisngi ko.

I smiled at her. It sucks that Emma and Kale couldn't come. Nung nagsabi si Emma na hindi siya pupunta, hindi na rin ang kanyang pinsan. Mukhang hindi rin naman para sa akin ang party na ito.

Camila is my best friend. I'm not as close to her as I am to Emma and Kale, but I still consider her as my best friend. She's one of the senator's daughters. Tanging siya lang ang kasundo ko sa mga kaalyansa ni Papa.

"Gusto mo na ata umalis... I think we can go?"

I rolled my eyes. "Shut up, you know I can't. If I still want to live my life..."

"What? Hindi naman ata pansin, you're just too coward to go against your father!" Humalakhak pa siya.

Pinanliitan ko siya ng mata.

"Tara, bar?" pandedemonyo pa nito.

I shook my head. "I don't go to bars anymore."

"Oh, come on! Ano ba nangyari sayo at parang may trauma ka sa bar?" She crossed her arms. "Hindi ka naman ganyan dati! You don't drink much, but at least you go there!"

I continued to sip on my drink. Naalala ko na naman ang huling beses na pumunta ako sa bar. Talagang hindi na ako uulit sa susunod!

"I'll just stay upstairs..." sabi ko at nilagpasan siya.

"Lacey!"

The next day, I didn't get a scolding from Papa kahit maaga akong nawala. Inaantok na rin ako noon, kaya mabuti nalang at umakyat na rin ako. Pagbaba ko, lahat sila nandoon na. My sister looked so prim and proper with her white fitted dress. Taliwas naman iyon sa ugali niya.

"Laticia," Papa smiled. "I had your favorite eggs benedict cooked. Mamaya ba, pupunta ka na sa hospital para ayusin ang papeles mo?"

I nodded. Umupo ako at kumuha ng pagkain. Yesterday, felt so draining. "I have to get some things done."

"Okay, ano nga uli ang gusto mong specialty?" Papa looked so proud. I still remember how he got mad at me last year for failing. Akala ko, dadating sa puntong maski apelyido ko ipapatanggal niya. Pero nung sinabi ko ang totoo, nakatanggap lang naman ako ng ilang paninigaw at ilang buwang hindi pansinan bago ako nakapagtake ulit at siniguradong topnotcher ako.

Against The FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon