"Ang sakit ng balikat ko..." ani thea."Mukang hindi lang ikaw ang napagod." nginuso ko ang dalawang lalaki na halos mahiga na sa silya. sabi ko kahapon wag na sila pumunta pero makukulit nauna pa sa amin ni thea dito sa cafe.
"Wala ba ginagawa ang dalawa na yan?" ani ni thea na ang paningin ay nasa dalawang lalaki na nakaupo.
"aba malay koba..." nagkibit balikat ako.
"HOY!" sigaw ni thea sa dalawa. "lumapit nga kayo dito!" sumenyas pa sya para lumapit ang dalawa. Pagod na tumayo ang dalawa na para bang wala ng lakas sa katawan.
"Kayo bang dalawa ay walang ginagawa sa buhay?" mataray na tanong ni thea ng makalapit sila.
"ahm..nandun naman si dad sa kompanya kaya okey lang na wala ako dun." ani ni lorrence.
"at ikaw?" si thea.
"Meron pero... Basic lang yun..."
"Pag alam nyo na may gagawin kayo wag na kayo pumunta dito kaya na naman namin ni thea to. Tingan niyo istura nyo halatang di gumagawa ng mabibigat muka kayong ilang araw na di natulog at kumain." derideristo ko na sabi.
Tumayo ng tuwid si lorrence "kaya ko pa naman ah...."
Ganun din ang ginawa ni xander. "ako din."
"Ewan ko sa inyo. Sige na tatapusin ko na ito ng makauwi na tayo..." pinapatuloy ko ang pagpupunas sa mga istante.
Tulad kahapon si lorrence ang naghatid sa akin at si xander naman ang naghatid kay thea di na ako naginarte dahil muka naman nakikisama si lorrence di sya umiimik kung di ako magtatanong at ganun naman din sya. Kung palaging ganito sya magkakasundo kami.
"Salamat sa paghatid, ingat." ani ko pagkababa ng sasakyan.
"So pwede ulit ako pumunta bukas?" nakangiting ani ni lorrence.
"Kung wala ka naman gagawin, sige."
"See you, tomorrow. Goodnight celine."
"G-goodnight lorrence."
Pumasok na ako ng makaalis si lorrence hanggang nakarating na ako sa loob ng hindi ko namamalayan.
"ngiting ngiti ah..." ani ni estella na diko namamalayan na nasa harapan ko na pala.
"Anong ngiting ngiti? hindi ako nakangiti, Guni guni mo lang yun..."
"ganyan ang ngiti ko nung inlove ako..."
"Hindi nga sabi ako nakangiti..." halos pabulong kong sabi bago umakyat sa aking silid. Inlove ako? Napaka impossible naman, hinding hindi sigurado ako dun. Matapos ko sa paliligo ay agad akong nahiga sa sobrang pagod ay agad din ako nakatulog.
Lumipas ang ilang araw, linggo na ganun ang takbo ng buhay ko. Personal assistant ng kaibigan ko kapag may pictorial at katulong ko naman sya sa cafe pag wala, magsisimba tuwing linggo, pupunta sa mall tuwing sabado. Minsan na lang din tumutulong ang dalawa siguro dahil may mga ginagawa na, yun naman ang sinasabi ko sa kanila kapag may gagawin sila di naman nila kailangan tumulong dahil medyo nagkaka empleyado na rin ako.
Pababa na ako ng makarinig ng ingay na tila'y may mga tao nagkakasiyahan. Dumeresto ako kung saan naggagaling ang ingay.
"Anong ginagawa ng dalawang yan dito..?" kunot nuo ko na tanong.
"free day daw..." kibit balikat ni thea.
"sabay talaga ha..." inayos ko ang bag ko na nakasagbit sa balikat ko.
"Good morning.." sabay na bati nila.
"Walang maganda sa umaga pag kayo ang nakikita..." umirap ako.
"hoy! Napakalabo na ng mata mo... Look ang gwapo gwapo ko kaya.." tinuro ni lorrence ang katabi. "Mukang ito lang ang nakasira.."
Hinampas ni xander ang kamay ni lorrence na nakaturo. "Kung si celine malabo na ang mata ikaw Masyadong makapal ang muka..."
"Ang aga naman nyan bangayan nyo..." Singit ni estella.
"Di kapa nasanay sa dalawa na yan, daig pa ang mga babae. Alam nyo nuong una akala ko matitino kayo lalo kana xander-" tumuro ang kaibigan kay xander. "Imagine nasa sulok ka lang dati tapos tahimik ngayon.... Hay naku....umalis na lang tayo...baka tanghali na makapagbukas."
Binaliwala ko sila at binaling ang tingin ko kay estella. "Kailan nga pala birthday ni tello?"
"Next week na. Baka umuwi na ako sa linggo...punta ka celine ha, sama mo sila, iniintay ka ng anak ko.."
"ah ganun ba, oo pupunta ako. Ilang taon na nga anak mo?"
"Mag da-dalawang taon na."
"Pag seven birthday nya ako ang maghahanda para sa kanya."
"tagal pa nun celine..."
"Oo nga, kaya mapaghahandaan pa." ngumiti ako.
"Sige, Sasabihin ko yan kay tello. Labas muna ako may inuutos si nay inday..."
naglakad na paalis si estella kaya binalik ko na ang atensyon sa kanila na kanina pa pala nagbabangayan.
"tumigil nga kayo! Umalis na tayo..." lumabas na ako at sumunod naman sila na ang bunganga at dipa rin tumitigil.
"Gwapo mo muka mo!!" dinig ko na ani ni xander.
"handsome your ass.. Muka kang pwet..." ani lorrence
"Magka iba naman kayo ng itsura kaya magkaiba ang tingin sa inyo ng tao..." ani naman ni thea.
"Anong tingin mo, sino mas gwapo?" tanong ni lorrence.
"mas lamang ka..." seryosong sagot ni thea. "Si xander hawig unggoy-" Bigla na lang tumawa ng malakas si lorrence kaya napatigil ako sa paglalakad at ganun din sila tumingin ako ng masama sa kanila. Napatigil sa malakas na pagtawa si lorrence pero halata sa itsura nito ang pagpipigil ng tawa dahil hawak hawak nito ang kanyang tyan. "Si xander hawig ungg-" tumawa na naman si lorrence pero di yun pinansin ni thea kaya napabaling ang aking tingin kay xander na masama na ang tingin sa dalawa. " Wait! Patapusin mo ko lorrence... Tumawa ka na lang ng tumawa..."
"hindi na kailangan..." he laughed loudly again.
"KUNG HAWIG UNGGOY SI XANDER HAWIG GORILLIA KA NAMAN LORRENCE KAYA MAS LAMANG KA!" sigaw ni thea na nagpatigil sa pagtawa ni lorrence na ikinatawa naman ng malakas ni xander.
"Mas lamang ka nga..." si xander naman ang tumatawa ng malakas at si lorrence naman ang masama ang tingin. Sa sobrang sama ng tingin ni lorrence tumakbo na si thea pasakay sa sasakyan ni xander, sumunod na din si xander na di pa rin matigil sa pagtawa.
"Sabi nga nila kailangan mo muna patapusin bago mo maintindihan." tinapik ko pa ang balikat ni lorrence.
Humarap bigla si lorrence sa akin na may paka disappoint sa muka. "Muka ba talaga akong gorillia?.."
Natawa ako bigla. "Hindi-"
"talaga?" mukang itong nabunutan ng tinik.
"Oo, muka ka lang din unggoy...." tumawa ako at tumakbo rin pasakay sa sasakyan nya.
"CELINE!!" dinig ko na sigaw ni lorrence.
"TARA NA! TANGHALI NA!!" balik na sigaw ko.
Hanggang sa makasakay at makarating kami sa cafe ko ay walang ibang tinanong ito kung muka ba daw sya gorillia o di kaya daw unggoy dahil sa tala daw ng buhay nya first time daw may nagsabi sa kanya ng ganun hindi lang daw isa kundi dalawa. Kaya hanggang sa makarating nakabusangot ang muka nito.
"hey' smile we have a costumer." bulong ko sa nakabusangot na si lorrence. "Wag ka mag-alala gwapo ka, gwapo pa kay xander kaya smile..." ngumiti nga naman ito ng pagkalapad-lapad. Jusmiyo yun lang pala gusto.
Sa ilang linggo na kaming apat ay magkakasama para na kami isang barkada. Magkasama na maghapon mag vi-video call pa pagkauwi walang kasawa-sawa sa pagmumuka ng isa't isa pero nagbago ang closeness na yun sa isang iglap...
BINABASA MO ANG
I CAN't
RomanceHindi mo kaya kung hindi mo kakayanin, hindi mo magagawa kung hindi mo gagawin, hindi mo matatanggap kung hindi mo tatanggapin.