Napakunot ang noo ko na tinitingnan ang isang face power na nakakalat ang laman sahig, hinagilap ng akin mata ang dalawa kong anak na nasisigurado sila ang may sala kung bakit nagkaganito ang gamit ko.
Nakita ko dave na nagbabasa ng libro, nakahiligan na niya ang pagbabasa ng libro, halos araw araw siya nagbabasa natitigil lang kapag kinukulit ng kapatid.
"Dave?"
Nilingon niya ako. "po?"
"Anong nangyari sa gamit ko sa loob?"
"alin po?"
"yung powder ko.. Anong nangyari dun? Wag ka magsisinungaling..."
"H-hindi ko po alam..."
Naningkit ang mata ko. " Pinagtatakpan mo na naman ba ang kapatid mo?"
"Mommy..."
"Sumagot ka dave..."
"Sorry mommy..."
"RENCE!!"
"wag nyo na po pagalitan si rence, kasalanan ko rin naman po, naghahabulan po kami..."
"RENCE!!"
"Mommy..."
"RENCE!!"
"rence lumabas kana..." utos ni dave.
Lumitaw ang ulo ni rence sa pinto ng closet. "M-mommy..."
"HAY BAKIT BA NAGING LALAKI PA KAYO PAREHAS! ANG SAKIT NIYO SA ULO!!"
"Sorry po..."
"Hindi naman masama magkampihan kayong dalawa dahil magkapatid kayo... pero wag niyo pagtakpan ang kasalan ng isa't isa lalo na sa amin ng daddy niyo..." nakatungo lang sila parehas. "Sagot!"
"Opo.." si rence.
"Dave...?"
"O-opo..."
"Good.. Anong ginagawa pag nagagalit si mommy..." niyakap nila ako ng mahigpit. "Ang kukulit niyo talaga... pero lab na lab ko kayo..."
"i love you mommy..."
"Love you mommy.."
Masarap sa pakiramdam na lumalaki silang close sa isa't isa na hanggang sa kalokohan. Mahilig pagtakpan ni dave si rence lalo na pag may kasalanan, ayaw na ayaw niya na mapapagalitan ang kapatid. Nasanay si rence na laging ganun ginagawa ng kuya niya kaya kapag may kalokohan iyong ginawa, imbes si rence ang hagilapin ko ay si dave agad ang tinatanong ko.
"Asan ang daddy niyo?"
"Nasa baba po.." sagot ng panganay ko.
"Mommy I'm hungry..." himas hinas ni rence ang tiyan.
"sige, magluluto ako. Teka! Ano ginagawa ng daddy mo sa baba? Akala ko ba magpapahinga siya kaya hindi pumasok..."
"Ang sabi po ni daddy kanina ay may gagawin lang po daw siya..."
Bumaba ako kasama ang dalawa kong anak. Nasa kusina ang pinakamamahal kong asawa at nagluluto, sigaw ng sigaw.
"ARAY! ARAY! ARAY! NAKAKAYAMOT KANA!!" tawa ako ng tawa, galit na galit siya sa pinipritong porkchop. "ANG SAKIT! SINO BA ANG NAKAIMBENTO NG MANTIKA NA TUMATALSIK!! BWISIT! BWISIT" humagalpak kami sa kakatawa.
"Daddy masakit po ba? Hahaha" asar ni dave.
"TUMAHIMIK KA DAVE!!" suway ng asawa ko.
"Ang bibig mo lorrence!"
Humarap siya sa amin. "sorry mahal..."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit sa akin?"
"Ahmm, dave sorry..."
BINABASA MO ANG
I CAN't
RomansaHindi mo kaya kung hindi mo kakayanin, hindi mo magagawa kung hindi mo gagawin, hindi mo matatanggap kung hindi mo tatanggapin.