"Seriously? so yun pala ang dahilan ng break up niyo..."Nakayukyok ako sa kama ko, katatapos ko lang ikwento kay thea ng nangyari kagabi, ngayon ko lang din nasabi ang dahilang ng breakup namin, bakit ko pa itatago ang kasinungalingang iyon, hindi ko dati pinapaalam sa iba na tanging ako lang ang nakakaalam sa nangyari nuong araw na iyon dahil ayoko na may masabi pa sila kay lorrence pero kung tutuusin sa akin sila may masasabi staka ayaw ko na maalala ang nangyari nuon na puro kasinungalingan pala, nuong ramdam ko na ayaw sa akin ni ate laurella pero hindi ko alam na ganun niya pala ako kaayaw na pati sa sariling kapatid masasaktan sa ginawa niya, napatawad ko na siya sigurado ako nagawa niya lang yun dahil sa pagmamahal sa kapatid at staka kasalanan ko naman talaga kung bakit nasa ganun lagay si lorrence, sino ba naman hindi magagalit napahamak ang nagiisa mong kapatid dahil lang sa isip batang katulad ko.
"Hoy! tulala ka dyan..." pukaw niya sakin. "Wala na ba talaga? As in 0 percent? As in waley na... naka-moveon na?"
"Mommy!!" si via na lumapit sa ina.
"Via duon ka nga maglaro kana lang kita mong nagchichikahan kami sisingit ka...."pagmamataray ni thea sa anak. Inirapan siya ni via at bumalik sa paglalaro, mag-ina talaga. "Mahal mo pa?"
Tumaas ang isang kilay ko "Anong mahal?"
"As in mahal mo pa siya, may nararamdama kapa."
"baliw, alam ko ang ibing mong sabihin..."
"e ano na nga?" humalinbaba siya, umiling ako. "tigilan mo ako hindi ako si lorrence na nadala sa pailing iling mo...."
"Maliligo na ako, titingnan ko ang lagay ng cafe ko..." tumayo ako.
"hep! Upo..." tiningnan ko siya na nagtatanong look. "Sit down..."
"Bakit?"
"Via lets go... hindi na tayo dito babalik kahit kailan..."
"Heto na uupo na... sabi ko naman sayo wala na..." tinaasan niya lang ako ng kilay. "fine... konte." pinakita ko pa ang daliri na nakasenyas kung gaano kaunte.
"Lang?"
"Lang."
"Via....." hindi siya pinansin ng anak.
"Ano pa ba ang gusto mo? Nasagot ko na..." pinagkrus ko ang mga braso ko. "Oo na, oo na....."
"Say it...."
"Para kang bata..." inirapan ko siya.
"baby face naman talaga ako."
"psh!" sinamaan ko siya ng tingin.
"Say it celine..." ulit niya.
"Oo na, mahal ko pa siya pero ayoko muna..." na ubos na pasensya ko.
"GREAT! RECORDED!!' tumayo siya para hindi ko maabot ang cellphone niya.
Nanlalaki ang mga mata ko. "what the!!"
Nakipagagawan ako sa cellphone niya. "Makakarating agad kay lorrence...."
"Don't!" patuloy ko inaagaw. "please!!"
"Para magbalikan na agad kayo...." tatawang tawa na aniya.
"Wag! thea!!"
"Via uuwi na tayo...." sigaw niya.
"Psh! Ayoko!" mataray na sagot ng anak.
"Wag mo ko tarayan bata ka! manang mana ka sa ama mo!!" dinuro niya ang anak.
tumigil sa pagkikipagagawan si thea sa cellphone kaya nakuha ko at agad binura yun. Lumapit si thea sa anak at nameywang sa harap nito na ginaya naman ng anak.
BINABASA MO ANG
I CAN't
RomanceHindi mo kaya kung hindi mo kakayanin, hindi mo magagawa kung hindi mo gagawin, hindi mo matatanggap kung hindi mo tatanggapin.