Hindi siya sumagot, nanlalaki ang mga mata na nakipatitigan lang siya sa akin, bumugtong hininga siya patunay na wala siya maisagot, ngumiti ako bilang sagot sa pagbuntong hininga niya at bumaling kay dave nakakapit sa damit at patuloy pa ring umiiyak.
"Pagaling ka hah..." tumayo ako at hinalikan siya ulo.
"Mommy....." patuloy siyang umiiyak.
Tumawa ako ng peke, tiningnan siya na nakaluhod pa rin "tumayo kana dyan, hindi mo nakailangan magmakaawa para paalisin ako..."
"No, mommy...." iling ni dave.
Nagsimula na ako maglakad palabas naririnig ko pa ang pagtawag sa'kin ni dave pero kailangan kong panindigan ang sinabi.
"Celine...." habol niya.
"hmmmh?" hindi ko siya nilingon.
"Stay."
Sira ata ulo nito e, palalayasin ako tapos sasabihing stay. Nagpatuloy ako sa paglakad.
"I still love you celine..." madamdamin habol niya.
Humarap ako na may ngiti sa labi. "Good."
naglakad ako pabalik sa kama at palundag na nahiga. "Halika dave tulog tayo." tumango si dave at nahiga sa dibdib ko.
Nalingunan ko si lorrence na parang hindi naniniwala sa nangyayari, ngumiti lang ako at pumikit, nagising ako sa pagyugyog sa akin ni dave.
"Mommy... I'm hungry.." naalala ko dipa nga pala siya kumakain. Bumangon ako at binuhat siya, nakita ko si lorrence na natutulog sa sofa, hinayaan ko lang siya dahil mukang puyat siya nitong nagdaang araw, ako na ang naasikaso sa bata.
Habang kumakain si dave napalingon ako sa orasan pasado alas syete na naalala ko ang dinner namin nila thea, patay!
"Oo..." dinig ko palabas ng kwarto si lorrence na may kausap sa telepono. "Ayos na... sige.... ibibigay ko..." inabot sa akin ni lorrence ang telepono." Si thea, may sasabihin daw...."
"Hindi ako magagalit dahil hindi mo kami sinipot pero babayaran mo ako ng chika!" bungad sa seryosong boses ng kaibigan.
"Oo na... kamusta niluto ko? masarap ba?"
"Mapapagtiyagaan naman..."
"Mayabang... oh...." pinatay ko ang tawag at ibinalik ang telepono sa kanya.
"Ikaw, hindi ka ba kakain?" tanong niya.
"Busog pa ako, ikaw kumain ka..." tumango siya at umupo katabi ng anak, tumayo ako kumuha ng plato at kutsara para sa kanya, mabuti na lang at may pagkain sila dito.
Matapos ang pagpapakain kay dave ay bumalik na kami sa silid, dumeresto sa banyo para masipilyuhan ko siya na sinundan ni lorrence na ganun din ang ginawa nang matapos ay nahiga na ulit kami, tulad kanina sa sofa siya nahiga.
"Dito ka..." tinapik ko ang kabilang side ni dave.
"ha?" nagtataka siya.
"dito ka..." ulit ko.
"d-iyan ako mahihiga?" gulat na turo niya sa tabi ni dave.
"Wag mo, kung ayaw mo...." umayos ako sa pagkakahiga.
"A-no kase...nahihiya ako.." kumamot siya sa batok.
"Hindi kita pinipilit... Bahala ka sa buhay..." tampo tampohan.
Naglakad siya palapit at nahiga sa tabi ng anak.
"Daddy!" yumakap si dave sa kanya.
"Seryoso kaba dito?" tanong niya, nagaalinglangan.
BINABASA MO ANG
I CAN't
RomanceHindi mo kaya kung hindi mo kakayanin, hindi mo magagawa kung hindi mo gagawin, hindi mo matatanggap kung hindi mo tatanggapin.