Chapter 10

12 1 0
                                    


"thankyou sa paghatid. kita na lang tayo sa party ni lorrence."

Pagsasalamat ko kay thea at xander na naghatid sa akin sa bahay pagkatapos ng mahapon sa cafe. Hindi ko na pinapunta si lorrence kahit nagpupumilit pa ito dahil ang sabi ko ay makikita naman kami mamayang gabi. Gabi na nga ng sinundo ako ni lorrence nagsuot lang ako ng isang sky blue na dress na hanggang tuhod ang haba at bukas na bukas naman ang likod na pinarisan ko ng isang itim na estello.

Dahil sa pormal na suot nito ay lalo lang syang gumwapo. Masasabi ko na gwapo talaga si lorrence dahil siguro may ibang lahi din sya bagsak ang buhok, brown ang magaganda nyang mata, matangos ang ilong, natural na mapupula ang labi, matangkad tapos may pagka moreno. Ayon siguro nakuha niya sa nanay nya dahil maputi naman ang ama nito na si Mr. mcdaley.

Tumigil ang sasakayan ni lorrence sa isang magarang at malaking bahay, nasisigurado ko na mas malaki pa ito sa bahay namin. Inilahad ni lorrence ang kamay nya ng parehas na kaming nasa harap ng gate ng mansyon nanginginig akong humawak sa kamay nito dahil sa naalala. Binaling baling ko ang ulo para makalimutan ang nasa isip. Pumasok na kami at sinalubong kami ng isang ginang kundi ako nagakakamali ay kasing tanda lang din ni mommy.

"Lorrence andito kana pala... Ang dami mo ng bisita sa loob." tumingin sa akin ang ginang. "Ito ba si celine?"

"Opo mom."

Tama nga ako may pagka morena ang mommy at maganda din ito.

"Magandang gabi po." Yumuko ako bilang paggalang pero niyakap ako ng mommy nya.

"Maganda gabi din hija, ang ganda mo namang bata..."

Ngumiti ako "Salamat po."

"Pasok na tayo."

Iginiya kami ng mommy nya sa loob kung saan ginaganap ang party. Magarbo ang birthday celebration nya bigla ko tuloy ulit naalala nuong 18 birthday ko, magarbo din pero hindi ganito kagarbo at sobrang dami ng bisita kumpara sa akin. Binati si lorrence ng mga bisita niya na halata din naman na mamayan, pinakilala naman ako ng mommy nya sa lahat ng relatives nya na naruruon.

"hija kamusta naman ang iyong ama?" tanong ni mr. Mcdaley ng makaupo na kami.

"Okey naman po." ngumiti ako.

"May nagtatanong kase sa akin isang babae kung saan daw kayo nakatira.."

"Sino daw po?" nagtataka ko na tanong.

"hindi ko alam hija."

Hindi na ako nakaimik sa pagtataka. Sino yung babaeng yun? Bakit tinatanong ang bahay namin? Anong koneksyon nya kay daddy? Hanggang nagpaalam ang mga magulang nya na may lalapitan lang na bisita.

Tulala ako ng may umupo sa akin tabi at tinapik ang balikat ko.

"Kanina pa ako naghahanap sayo, sobrang dami kase ng tao." ani thea.

"Asan si xander?"

"umalis mag babanyo lang daw." bumaling to kay lorrence. "Happy birthday gorillia.." tumawa ang kaibigan.

"Anong happy birthday! Asan gift ko?" ani ni lorrence, nakakahiya wala nga pala akong regalo.

"Andun na nailagay ko na, saging regalo ko sayo hahaha"

Kumunot nuo nito "kunin mo na ulet at iuwi mo..."

Tumawa si thea. "Joke lang hahaha pero andun na nga regalo ko."

Biglang tumingin sa akin si lorrence na napakalapad ng ngiti.

"Can we talk outside?" ani ko.

"Wag mo hihiling na maging friend tayo hah? mo than dapat dun joke..." ngumiti ako at tumayo na, nagpunta ako sa likod ng mansyon kung saan may nakita akong upuan malapit sa may tabi ng swimming pool at naupo dun.

I CAN'tTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon