Chapter Five

1.2K 56 3
                                    

Nakarating si Juice at Trisha sa isang bar sa Eastwood. Nagtatakang napatingin siya kay Juice.

"Bakit mo ako dito dinala? Akala ko ba, dadalhin mo ako kay Martin?"

Martin was never the kind to go to noisy bars. Mas inaabala pa nito ang sarili sa trabaho kaysa makihalubilo sa ibang millenials na nag-i-inuman. Not that she had anything against noisy millennials. But she liked Martin's seriousness and no-fooling-around attitude.

Hindi umimik si Juice at hinila siya papasok. Tinanguan ito ng guard nang makilala siguro marahil. She squinted her eyes while surveying the place. Mapupusyaw na ilaw ang pumuno sa silid. May ilang tao na nagsasayaw sa may malapit sa stage.

Trisha winced. Hindi talaga siya sanay sa mga ganitong klaseng lugar. Hindi siya makapag-isip ng maayos dahil naduduling siya sa ilaw. Isa pa, walang masyadong nangyayaring interesante sa ganitong lugar liban na lang sa mga catfights at mga landian.

Pagkuwan ay tumigil sa paglalakad si Juice at binitiwan ang kamay niya. Nagulat siya sa biglang pagtigil nito. Muntik pang tumama ang ilong niya sa likod nito.

"Juice, mag-ingat ka naman. Paano kung ma-pango ako dahil sa'yo?"

"There goes the love you are talking about, Trish."

Hinayon niya ang mga mata nito. Sa table ilang hakbang sa kanila ay may lalaking nakaupo at may nakaabrisyeteng babae. The guy leaned closer to the girl and kissed her full on her lips. Noong una ay hindi niya maaninag ang mukha ng mga ito. But when the guy signaled the waiter for another drink, she felt like blood had drained from her face. Martin de Goya was certainly having the time of his life.

Nanginginig ang mga kamay na kinuha niya ang cellphone. She dialled Martin's number. Nakita ni Trisha nang abutin ni Martin ang cellphone. Nangunot pa ang noo nito bago may pinidot sa screen. Ilang segundo lang ay narinig ni Trisha ang automated operator line sa kabilang linya.

So, the tame and matured man was actually a two-timer. Mabibilis ang mga hakbang na nilapitan niya ang mesang kinaroroonan ng tinamaan ng magaling. Saktong nag-angat ng ulo si Martin, bago halatang nagulat nang makita siya. Pero bago pa siya makalapit kay Martin ay may mariing tinig na nagsalita sa likuran niya.

"Trisha..."

She turned, and Juice had easily caught her arms. Hinila siya nito nang kaunti palapit dito. In one fluid motion, he had encircled his other hand up her nape. Then he leaned down and took her surprised lips in a passionate kiss.

Sa sobrang gulat ay hindi na alam ni Trisha kung ano'ng gagawin. She was resisting him as hard as she could, sinisikap kumawala dito. But the more she resisted, the more Juice pressed his body against hers. His hands were doing wonders on her back and nape, and his lips were seducing hers expertly. Hanggang sa namalayan na lang niya na tinutugon na rin ang halik nito.

Lumuwag ang pagkakakapit sa kanya ni Juice. But he didn't stop kissing her. Hindi alam ni Trisha kung bakit hindi na siya nanlalaban at nagpapaubaya na lang. The taste of his lips was as intoxicating as his scent. She was starting to get dizzy, her heart continued beating eratically she was afraid her chest would explode. Pakiramdam ni Trisha ay galon-galong dugo na ang nai-pump ng puso niya at lahat iyon ay umakyat sa ulo niya.

Makalipas ang ilang segundo ay tumigil si Juice. Humihingal ito habang nakatingin sa kanya. Hindi siya makatingin nang maayos ditto. Nanginginig din ang mga tuhod niya.

What happened back there?

"You lying bitch!" Sigaw ni Martin ang nakapagbalik ng huwisyo niya.

Dahan-dahang ibinalik ni Trisha ang tingin kay Martin. Tila noon lang siya natauhan. Nakalimutan na niya ang dahilan kung bakit siya nandon. Pinilit niyang pulutin ang lahat ng rason na naglaglagan sa paanan niya. Pero mukhang naapakan niya na lahat iyon at natunaw na lahat.

"You cheat! And I thought you were so innocent. Kunwari ka pa na ayaw mo'ng dalhin kita sa kama when you are just a cheap—"

Hindi na natapos ni Martin ang sasabihin. Tumama na sa mukha nito ang kamao ni Juice. Bumalandara si Martin sa mesa ng bar at natumba. Ang mga nakapaligid sa kanila ay tumahimik at mukhang nagulat sa nangyari. Kahit siya ay nagulat.

Ano bang ginagawa ni Juice?

"One word, de Goya. And you can say bye-bye to that fancy face of yours."

Hinawakan ni Juice ang mga braso ni Trisha at hinila siya. Pero lumingon pa ulit ito kay Martin na mukhang shocked pa rin sa mga nangyari. Matatalim ang mga mata ni Juice at kahit siguro sino ay titiklop.

"Come near my woman again and I swear I'll take you to hell myself!"

Lahat ng tao ay tumabi ng daanan nang padarang na naglakad si Juice habang hila-hila siya palabas ng bar.

Everything Started With A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon