Nagising si Trisha sa ingay mula sa labas ng corridor. Mukhang mga batang nagliligalig ang naririnig niya. She frowned. Nasaan ba siya?
Inikot ikot niya ang mata sa paligid. Napatutop siya sa noo niya. Oo nga pala, dinala siya ni Juice sa condo nito kagabi. Pero ang natatandaan niya ay nanonood siya ng TV. She must have fallen asleep on his sofa and Juice didn't have the heart to wake her up. May nakapaikot na kumot sa kanya at nakahiga na siya sa unan.
Napatingin siya sa relo niya. Alas otso! Shit! May trabaho pa siya!
"Juice!" sigaw niya sa loob ng condo. She waited for his reply. Wala.
Sandali niyang pinakiramdaman ang paligid. Narinig niya ang lagaslas ng tubig sa banyo sa isang kwarto. Juice must be in the shower.
Tumayo siya at pumunta sa kwarto. She knocked twice pero walang sumasagot. Siguro ay hindi iyon naririnig ni Juice. Well, hindi naman siguro masama na pumasok at magpaalam dito na aalis na siya. Nang makapasok ng silid ay tinangka ni Trisha na dumiresto papunta sa banyo.
Nakakailang hakbang na siya nang matigilan. Lumingon siya sa kama sa tabi niya. Sa gitna ng kama ay may babaeng natutulog. Nakabalot ang kumot sa katawan nito. Maputi ang babae at kahit natutulog ay magandang-maganda pa rin.
Nagmadali si Trisha na lumabas ng unit habang kinukusot ang mga mata. Tinungo niya ang elevator. Paulit-ulit niyang pinipindot ang down button.
"Damn! Open up!" nangigigil na wika niya, kinukusot pa rin ang mga mata.
At bakit ba siya umiiyak?
Nang bumukas ang elevator ay sumandal siya at pumikit.
Great! Just great!
Ano bang pumasok sa kukote niya at naisip niya na ba pwedeng ibaba ang depensa kay Juice? Hindi ibig sabihin na naging mabuti si Juice sa kanya ay may nararamdaman itong espesyal para sa kanya.
Sino bang dinaya niya?
Nang pumara siya ng taxi ay binanggit niya sa driver ang address ng opisina. Nahahapong pumikit siya.
"Ma'am, okay lang ho kayo?" baling sa kanya ng matandang driver na mukhang hindi na nakatiis.
"Ok lang ho, Manong. Bakit ho?"
"Mukha ko kasi kayong bigo sa pag-ibig, eh."
Hindi niya mapigilang matawa nang mapakla. Buti pa yung driver, alam. Samantalang siya na nahihirapan ay hindi niya mapagtugma-tugma ang dapat na maramdaman.
*****
Buong araw na badtrip si Trisha dahil hindi niya mai-ayos ang trabaho niya. Sa tuwing naaalala niya ang dinatnan niyang eksena kaninang umaga ay hindi niya maiwasang mainis sa sarili niya. Natambakan tuloy siya ng maraming trabaho kaya ginabi na siya nang matapos.
Nagulat pa siya nang sa paglabas niya ng building ay nakasandal si Juice sa haligi. Napatuwid ito ng tayo pagkakita sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ni Trisha. Pinilit niyang iwaksi iyon. Seeing him again was the last thing she wanted.
"What are you doing here?"
Inginuso nito ang shop nito. "Napadaan ako kanina sa shop. Nakita kitang lumabas kaninang lunch. Hindi ka rin nagpaalam sa'kin kanina na aalis ka."
Tumango lang siya pero hindi nagsalita. Nakatayo lang kasi si Juice at tinititigan siya. Pero wala siyang balak kausapin ito o makinig man lang dito. Kailangan muna niyang pagtagpi-tagpiin ang nagkadurog-durog ata niyang puso para lang mapakiharapan ito nang maayos.
Nilampasan niya ito at tuloy-tuloy na naglakad. Pero sumunod si Juice sa kanya.
She tried to ignore. Tuloy lang din si Juice na walang-imik na nakasunod. Nang hindi nakatiis si Trisha ay tumigil siya at nilingon ito.
"What do you want?" she snapped.
"You!" pasigaw din nitong sabi. Nagulat ata sa outburst niya. "No. I mean... What I want to say is... I want to talk to you."
"Tungkol saan?"
"I-I don't know. Anything. Everything." Juice sighed in frustration. Inilahad nito ang mga kamay. "I just want to talk to you."
"So, dumayo ka pa dito para makipagkwentuhan lang? Ano ba ako sa tingin mo? Love guru?"
"What are you saying?"
She exhaled in frustration. "Nagka-problema ka na naman ba sa babae mo kanina?"
"Ano'ng babae— What? So, naabutan mo si Margie kanina?"
Siya naman ang natigilan. So, iyon pala ang Margie. Kakasabi lang ni Juice na hindi ito nagpapatulog ng ibang babae sa condo nito. Pero kapag si Margie, lahat ng rules nito ay kinakalimutan nito. Wala nga siyang laban doon.
"Ano na? Ano'ng pag-u-usapan natin?"
Sandali ito'ng nalito. "Look, Trisha. Give me a few seconds to collect my thoughts."
Trisha didn't have time for Juice's stupidity. "First question: Why do you want to talk to me?"
Umiling ito. "I don't know. I just miss you."
"Why do you miss me?"
"Kagabi pa tayo huling nagkita."
"Juan Crisostomo, kagabi lang tayo huling nagkita. Bakit mo ako mami-miss kaagad?"
"I just do, okay?" inis nang bulyaw nito. "Hindi ko rin alam. Ngayon lang nangyari sa'kin 'to."
Kahit paano ay nawala ng konti ang inis niya. Trisha could really tell that Juice was having a hard time. She almost rolled her eyes. How could she have fallen in love with someone as stupid?
Woops.. Kusang nag-preno ang utak niya. Paano napunta ang love sa usapan?
Diretso siyang tumingin kay Juice. "Do you like me?"
"I told you, I do."
It wasn't enough. Nabanggit ni Juice minsan sa kanya na sinasabi nito'ng gusto nito ang babae dahil ito ang inaasahan ng mga babaeng marinig sa kanya. He must be lining her up with all of those woemn. Hindi siya papayag.
She inhaled-exhaled a couple of times. Pagkatapos ay tiningnan ito nang pailalim.
"Why do you sound like you're falling in love with me?"
Manghang tumingin ito sa kanya. "Falling in love with you?" Halos matawa na ito sa sinabi niya. "C'mon, Trisha! What are you talking about?"
"Because you wouldn't fall in love with another girl again, right?"
Hindi nagsalita si Juice. That did it. Walang sabi-sabing tinalikuran niya ito.
"Wait, Trish!" Nahawakan nito ang kamay niya.
Nilingon niya ito. Pagkatapos ay ubod-lakas na tinapakan ang paa nito. Malakas na napa-ungol si Juice.
"Lumapit ka pa sa'kin at hindi lang 'yan ang aabutin mo!"
Nanggigil siya habang pumapara ng taxi at sumakay. Naiinis na talaga siya kay Juice. At naiinis siya na sa dinami-dami ng pwedeng magustuhan ay sa isang ito pa siya nagka-gusto.
BINABASA MO ANG
Everything Started With A Kiss
RomansaAlam ni Trisha na ang mga katulad ni Juan Crisostomo o "Juice" ang dapat iwasan ng mga katulad niyang dakila ang tingin sa pag-ibig. Juice was very handsome, all right, but he didn't believe in love. Worse, it was easy for him to make any woman cry...