In-arrange ni Trisha sa vase ang bulaklak na ibinigay ni Juice. Napag-usapan nila na magkikita na lang kinabukasan nang maihatid siya nito sa apartment niya. Juice promised to be with her for a whole day. Tutal, Sabado naman at wala siyang pasok sa opisina. That was enough for her. Hangga't nasa kanya si Juice ay gagawin niya ang lahat para matutunan din siyang mahalin nito.
Totoong nasaktan siya sa sinabi nito na gusto lang siya nitong protektahan kaya pinipigilan siya nitong makipag-date sa iba. Naiintindihan din niya na ginagawa nito iyon dahil naaalala nito si Margie sa kanya. Pero wala na siyang pakialam. Kahit ano'ng gawin niya at kahit sino pang samahan niya, tanging si Juice lang ang nakikita niya. Kahit ilang beses niyang tinangkang kalimutan at iburo na lang ang nararamdaman dito, he always made it hard for her to do so.
Noong una ay sumama lang talaga si Trisha kay Juice dahil gusto niyang i-analisa ang nararamdaman dito. She thought that she was attracted to him only because he kissed her. Na kapag nakasama niya ito nang matagal-tagal, mawawala lahat ng nararamdaman niya dito at babalik sa dati ang mundo niya.
But the inevitable happened. She didn't except Juice to be more than just a handsome face. He can be very irritating sometimes because of his stupidity. Pero natatakpan ang katangahan nito ng marami pa nito'ng magagandang katangian. He was gentle and sweet. Hindi rin siya nahihiya na ipakita lahat ng mga kamalian niya sa harap nito. Juice didn't seem to mind it anyway.
At ang panghuli, she can see the world through him. Akala niya ay in-love siya kay Martin because he was the ideal man of every woman, but Juice proved her wrong. Kahit na malimit siyang naaasar nito dahil hindi niya talaga alam kung saan lulugar sa buhay nito, she understood that Juice wasn't doing it intentionally. Pareho lang silang nagmamahal ni Juice. At pareho pang sa tao na kahit kailan ay hindi nila maaangkin.
She tried closing her eyes para magpahinga. Hindi niya alam kung kailan siya tatagal sa ganitong sitwasyon. Maybe it was the price to pay for loving someone who was in love with another.
***
Hindi alam ni Trisha kung ilang oras na siyang nakatulog nang sunod-sunod na katok ang gumising sa kanya. Wala pa si Pia dahil nasa Sagada pa at in-extend ang bakasyon.
She looked at her alarm clock. Alas-kwatro ng madaling araw! She groaned. Sino ba ang nangungulit sa kanya bago pa tumilaok ang manok?
Kinusot niya ang mga mata at pinagbuksan ng pinto ang kung sino mang kumakatok. Nagulat pa siya nang makita si Juice na nakatayo sa harap ng pintuan. Bihis na bihis ito at mukhang bagong ligo pa.
"Juice! What are you doing here this early?!"
"Hindi ba malinaw ang sinabi ko sa'yo na magkasama tayo buong araw?"
She yawned. "Wala pang araw."
"Kaya nga! Unahan na natin." Itinulak siya nito. "C'mon, get dressed. May pupuntahan tayo."
Nanlalabo pa rin ang isip niya at hindi naiintindihan ang sinasabi ni Juice. She just stood there watching him. Mukhang nakita nito na hindi siya kumikilos dahil walang sabi-sabing tumalungko ito at binuhat siya. Napayakap tuloy siya dito nang wala sa oras.
"Juan Crisostomo! Ano'ng ginagawa mo?!"
"Obvious ba? Binubuhat ka." Nagpalinga-linga ito. "Where's the restroom?"
Wala sa loob na itinuro niya ang banyo. Dire-diretso si Juice doon at maingat siyang inilapag sa bathtub. Nang magtangka ito'ng hubarin ang t-shirt niya ay saka pa lang siya natauhan.
"Wait!" tili niya. "Ano'ng ginagawa mo?!"
Nakapameywang na hinarap siya nito. "Hindi ka ba nakikinig? Ang sabi ko ay mag-ayos ka na at aalis tayo. Ayaw mo'ng kumilos kaya papaliguan na sana kita."
Dali-dali siyang tumayo at hinarap ito. "Manyak ka!" Itinulak niya ito palabas.
Nakangisi ito'ng humarap sa kanya nang makalabas.
"I don't mind. 'Yung ibang mga naka-date ko ay mas gusto pa na pinapaliguan sila—"
"'Yung iba yon!" Tili niya dito. "Wala ako'ng pakialam sa kanilang lahat!" Ibinagsak niya dito ang pinto.
"Bilisan mo, Trish! Manonood pa tayo ng sunrise. Baka hindi na natin maabutan 'yon!"
"Sa'n ba tayo manonood?"
"Sa Batangas."
"Grabe, ang layo!"
"Kaya nga bilisan mo!"
"Tse! Wag mo ako'ng tarantahin. Maliligo na!"
Tiniis niya ang lamig ng shower at dali-daling naligo. Pagkatapos ay isinuot niya ang bathrobe at lumabas.
Juice was sitting on the sofa impatiently tapping the armrest. Kung may contest ang pahabaan ng pasensya ay sigurado siyang talo na ito bago pa mag-umpisa. He was one of the most impatient guys she had met.
Pumasok siya sa kwarto at nagbihis. Juice shouted from outside the room.
"Trish! 'Wag ka masyadong magpaganda! Baka may iba pang makakursunada sa'yo!"
Natawa siya doon. "OA! Ang aga-aga, walang makakakita sa'tin niyan."
She chose a cotton blouse and a pair of jeans. Ang buhok niya ay sinuklay na lang niya basta. Hindi rin siya nagmake-up at kumuha na lang ng loose powder at ipinahid iyon. Pagkatapos ay lumabas ng kwarto at kumuha ng rubber shoes.
Habang nagsisintas siya ay titig na titig sa kaniya si Juice.
"What? Ikaw ito'ng pinagmamadali ako kaya hindi na ako nag-ayos."
Umiling iling ito. "Sasabihin ko sana sa'yo na huwag ka'ng magpaganda masyado pero yun pa rin ang ginawa mo."
Inirapan niya ito pero hindi niya maiwasang mapangiti. Nang matapos siya ay tumayo kagad si Juice at hinila siya.
"Let's go."
BINABASA MO ANG
Everything Started With A Kiss
RomanceAlam ni Trisha na ang mga katulad ni Juan Crisostomo o "Juice" ang dapat iwasan ng mga katulad niyang dakila ang tingin sa pag-ibig. Juice was very handsome, all right, but he didn't believe in love. Worse, it was easy for him to make any woman cry...