Chapter Twelve

1.2K 55 1
                                    

Nakapangalumbaba si Trisha habang nakatingin sa ka-date niya. Hinihintay niyang mapansin nito na hindi na siya interesado sa mga pinagsasasabi nito para tumigil na.

Pero ito'ng taong ito na ata ang may pinakamalaking ego sa lahat dahil sarili lang nito ang pinapansin nito. Hindi niya maiwasan na hindi ito ikumpara kay Juice. Juice listened to her as if she was Oprah at lahat ng sasabihin niya ay world-changing. At times like these, nami-miss niya talaga ito.

Jason Castro was recommended by one of her colleagues. Nabanggit kasi niya na break na sila ni Martin, at lahat ng mga ito ay nagkanya-kayang recommendations sa kanya dahil napansin ng mga ito na parang laging wala siya sa sarili niya. Hindi naman niya maipaliwanag sa mga ito na wala na siyang pakialam kay Martin at ibang tao na ang dahilan kung bakit siya nagkaka-ganon. So, para matapos na lang ay tinanggap niya ang mga alok ng mga ito.

For a week, she dated non-stop. Buti na lang at ang kaibigan niyang si Pia ay nag-hiatus sa Sagada para tapusin ang manuscript nito malayo kay France. Kung hindi ay napagalitan na naman siya nito. Pero parang gusto niyang sakalin lahat ng officemates niya dahil mga walang kwentang lalaki naman ang ipinapa-date sa kanya.

Paano naman niya kakalimutan si Juice kung ang lahat ng mga ito ay hindi man lang maabot ni katiting sa magagandang katangian ni Juice?

May isang linggo na rin simula ng huli niyang makita si Juice. Simula noong gabi na nakayakap ito kay Margie. Hindi ito nagpapakita sa kanya at wala naman siyang panahong dumaan sa shop nito dahil tuwina ay sinusundo siya ng mga nakaka-date niya. Mabuti na rin siguro iyon para kahit paano ay madali na sigurong makalimutan ito. Pero hindi niya maiwasan ang masaktan.

Maliban kay Margie, ilang babae na kaya ang nakasama nito sa isang linggong hindi nila pagkikita?

Nagulat pa si Trisha nang mag-ring ang cellphone niya na nasa bag. Kahit sino pa ito ay papasalamatan niya ng buong-puso dahil magkakaroon siya ng excuse na umalis sandali sa date niya.

"Excuse me, Jason. I have to answer this."

Hindi na niya hinintay na sumagot ito. Nanakbo siya palabas ng restaurant at kinuha ang cellphone. Sunod-sunod ang tahip sa dibdib niya nang makita na si Juice ang tumatawag. Kinuha niya kasi ang number nito kay France dahil nagdadalawang isip siya kung tatawagan ito o hindi noong hindi ito nagpapakita.

At ngayon nga ay ito at tumatawag ang dahilan ng pagsesentir niya. Siguro ay may problema na naman ito sa babae nito. She picked up the call.

"Why are you calling me?" she muttered lazily.

Naiinis si Juice nang sumagot. "It's not me. Why would I call you anyway? France wanted to talk to you. I'm on loud speaker."

Bwiset!

Narinig niya nang may tumikhim sa background. "I'm here, Trisha." It was France.

She sighed. "Itatanong mo na naman kung nasa'n si Pia, ano?"

"Please help me out here," France sounded desperate over the phone.

She sighed. "Hindi pwede, eh. Kahit gusto ko'ng sabihin, she'd spill all of my secrets 'pag ginawa ko 'yon."

Binalaan din siya ni Pia na hindi na ito uuwi sa apartment nila sa oras na sabihin niya kung nasa'n ito. Not that it threatened her. Pero naiintindihan niya si Pia kung gusto muna nitong lumayo kay France dahil iyon din ang ginagawa niya ngayon.

Kaya nagulat siya sa kasunod na sinabi ni France. "God, Trisha. I love her. Hindi ko pa nasasabi 'yon 'tas basta-basta na lang siya mawawala. May balak pa ba siyang bumalik?"

"Did I hear you say that you love her?"

"I think so."

Sabi na nga ba! Why can't people who love each other just be together? Lalo tuloy siyang na-frustrate.

"Aargh! Now I wanted to tell you all the more para 'di na ako nabibitin sa love story nyo. Pero 'di talaga pwede, eh. I wanted her to think about things first and sort out her feelings." Pagkatapos ay naiinis na idinagdag. "Isa pa, minus pogi points ka sa'kin dahil kaibigan mo 'yang Juan Crisostomo na 'yan!"

She could even imagine France frowning as he said, "I thought you wanted to date a player?"

"But not that particular player! Sabihin mo, huwag nang magpapakita sa'kin kahit anino niyan. Anyway, I gotta go, France. I'm off on a date. Bye!"

And now, she was stuck with her boring date again. Dahan-dahan siyang bumalik sa loob ng restaurant. She had to think of a way out para ang lalaki mismo ang maunang umalis sa date nila.

*****

Naiirita si Juice habang pinagmamasdan si France na inaayos ang sarili. He had never seen someone do that to France. Hindi na tuloy siya nakapagpigil at sinuntok ito. Ayaw kasi nitong maniwala na mahal ito ni Pia at pinapahirapan pa ang sarili. Mukha namang natauhan na nga ito dahil nag-iba ang mood nito. Kung kanina ay halos magpakamatay na ito, ngayon naman ay parang bumalik na dito ang lahat ng huwisyo. Nagmadali ito'ng umalis ng opisina at hahanapin daw si Pia.

Naiwan tuloy siya sa loob ng opisina. Then he remembered Trisha's last words.

"I'm off on a date! Bye!"

Lalo tuloy siyang nairita. Hindi ilang beses niyang binalak na puntahan si Trisha pero pinipigilan niya ang sarili. Hindi na kasi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit lagi na lang niyang gusto'ng makita ito. Parang kulang ang araw niya kapag hindi niya nasisilayan ang mga ngiti nito. And he didn't like the feeling. Nagugulo kahit ang trabaho niya sa opisina ni France dahil hindi siya makapag-concentrate. Naisip niya na kung hindi niya ito makikita ng ilang araw, mawawala lahat ng nararamdaman niya para dito.

Pero hindi iyon ang nangyayari. Instead, he was dying everytime he couldn't hold her in his arms. Parang gusto niya laging hatakin ang oras at takbuhin ito sa opisina nito sa tuwing nakikita niya ito mula sa shop niya. Ang tanging pumipigil lang sa kanya ay ang katotohanan na walang pakialam si Trisha. Basta na lang ito nawala noong huling pagkikita nila at ni hindi man lang nag-abalang magpaalam sa kanya. At isa pa, iba't-ibang lalaki ang nakikita niyang sumusundo dito sa opisina nito.

Kung tutuusin, wala namang masama sa ginagawa nito dahil kahit siya ay gano'n din ang ginawa niya para makalimutan si Margie. Trisha was probably trying her best to forget that asshole boyfriend of hers.

Pero naiinis pa rin siya. Bakit hindi na lang nito tawagan siya para samahan ito kung gusto nito'ng makalimot? Balita niya kasi ay kinuha nito kay France ang number niya.

"Damn you, Patricia! What are you doing to me?!"

Kinuha niya ang bote ng alak na nasa lamesa ni France at inubos ang laman niyon. Iniisip pa lang niya kung ilang mga lalaki na ang nagsasamantala kay Trisha ay parang gustong sumabog ng ulo niya. Paano kung saktan ng mga ito ulit si Trisha? She was vulnerable.

At bakit ba kasi siya nag-aaalala kay Trisha? Hindi naman nito kahit kailan hiningi ang tulong niya. Why did he feel like he should be the man on her side right now? Na kapag siya ang nasa tabi nito ay hindi niya hahayaan na masaktan ulit ito?

Ano ba talagang nararamdaman niya para kay Trisha? Was he falling in love with her already?

Tinawagan niya ulit ito para sana tanungin kung nasaan na ito ngayon. Naka-ilang ring na ay hindi nito sinasagot iyon.

Great!

Nagmadali siyang lumabas ng opisina at sumakay ng sasakyan. Inisa-isa niya lahat ng restaurants at coffee shops na madadaanan. He tried to remember the things she liked. At ang unang pumasok sa kanya ay cakes and pastries. That narrowed down the search. Inisa-isa niya ang mga restaurants na alam niya na may masasarap na pastries. Saka na siya ulit mag-iisip kapag hindi niya makita si Trisha sa mga ito.

Pero hindi na pala kailangan dahil sa Tomas Morato siya nakarating. Nakita niya si Pia sa isang shop doon na may masasarap na pastries. Nakaupo na naman ito malapit sa pinto at bintanang Malaki. Pinapanood na naman ang mga taong pumapasok sa shop.

Ipinarada niya ang sasakyan at pumasok sa loob ng mini restaurant na iyon. Nagulat pa siya nang makita ito'ng nag-iisa.

Nasaan na ang ka-date nito?

Everything Started With A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon