Kapagkuwan ay tumigil si Juice sa tapat ng isang supermarket. Isinama siya nitong mamili ng lulutuin.
"Juice, saan ba ang date natin?" tanong ni Trisha habang naglalakad papasok.
Kumuha ng cart si Juice at itinulak iyon.
"Sa condo ko. Bigla-bigla ka'ng nagyayaya ng date diyan at hindi ko alam kung saan ka dadalhin sa kalagitnaan ng gabi."
Nanigas siya. "S-sino'ng... s-sinong kasama natin sa condo mo?"
"Tayo lang. Bakit?" Tuloy-tuloy na naglakad si Juice. Tila hindi napansin ang pag-a-alinlangan niya.
Si Trisha naman ay tila inugat na sa pwesto niya. Doon siya nilingon ni Juice.
"What? Hindi naman kita re-rape-in. Kung ayaw mo, 'wag na natin ituloy. Pampalipas oras mo lang naman ako, 'di ba?"
Actually, mas nag-aalala si Trisha na siya ang hindi makapagpigil at may gawing hindi kanais-nais dito.
Bahala na!
Pinanood lang niya si Juice habang kumukuha ng mga ingredients na lulutuin nito. Nang matapos makapamili ay umalis na rin sila sa supermarket at nagmaneho na sa condo ni Juice sa Quezon City. Tuloy-tuloy iton'g naglakad papasok ng building at pinindot ang 7th floor button ng elevator. Tangan-tangan nito sa dalawang kamay ang mga pinamiling groceries.
Tumigil sila sa harap ng isang unit. Tahimik lang niyang pinapanood si Juice na susian ang pinto.
"Juice, may dinala ka na bang ibang babae dito sa condo mo?"
"Wala. Ikaw pa lang."
Tuloy-tuloy iton'g naglakad papasok. Napilitan siyang sundan ito hanggang sa kusina.
"Eh, 'yung mga naka-date mo?"
"Of course not. I make it a point not to spend the night with them here. I don't want them to tarnish my place with their stupid dramas."
"Hindi ka ba natatakot that... that I might cling to you the way they did?"
"No. I'm not your type, remember?"
"Hindi nga."
Isa-isa nitong ibinaba ang mga pinamili. Then Juice looked at her and smiled sheepishly. Nagkamot ito ng ulo.
"To tell you frankly, kinakabahan din ako. Ngayon lang nag-sink-in na isinama nga kita dito sa unit ko. Do you mind? I might falter around a bit so it's better if you don't watch me."
Nagulat man si Trisha sa reaction nito ay napangiti siya. Juice looked so adorable as he seemed to be pondering what was actually happening. He was starting to loosen up a bit and bring down his defenses.
Bumalik si Trisha sa living room nito at umupo sa sofa. She turned on the television. But her attention was on Juice. Pinapanood niya ito habang seryosong naggagayat ng gulay. Even his back looked gorgeous. Somehow, she thought she could spend her life watching him like this and she wouldn't be bored. Everything about him was simply a work of art.
Nang matapos ito'ng magluto ay tinawag siya. Tumalima naman siya at umupo sa harap nito. Juice prepared pasta with Alfredo sauce and fried herb potatoes. Sa tabi ay may nakabukas na bote ng champange. Sa dessert ay mayroong chocolate cake sa mesa.
"Sorry. Iyan lang ang kaya ko'ng lutuin nang mabilis, eh."
She smiled at him. "This looks good. Ikaw ang nag-bake ng cake?"
"Yup. Pero kahapon pa 'yan. Kain na tayo."
Tama siya ng sinabi dahil masarap ang pasta. And most of all, she loved the cake. It was super moist and not too sweet. Heavenly.
BINABASA MO ANG
Everything Started With A Kiss
RomanceAlam ni Trisha na ang mga katulad ni Juan Crisostomo o "Juice" ang dapat iwasan ng mga katulad niyang dakila ang tingin sa pag-ibig. Juice was very handsome, all right, but he didn't believe in love. Worse, it was easy for him to make any woman cry...