Nakapangulambaba si Trisha habang bored na bored na pinagmamasdan ang mga taong labas-masok sa loob ng coffee shop na iyon na pinagtatambayan niya. Kagagaling lang niya sa office at tinatamad pa siyang umuwi sa apartment dahil wala naman siyang gagawin do'n. Ang roommate naman niya na si Pia ay siguradong nagliliwaliw na naman kung saan-saan para gumawa ng manuscript nito.
Pangatlong frappe na niya 'yon in a matter of two hours. Kunsabagay, masarap naman talaga ang kape sa Juice's Coffee Place. Kaya lang ay heart attack ang finish line niya kung itutuloy pa niya ang track record niya sa pag-inom ng frappe.
"How does boredom happen anyway? Nasa'n ka ba, Martin?!" naaasar na buga niya sa hangin.
Si Martin ay naging boyfriend niya a couple of years after she graduated from college. Halos mag-iisang taon na rin silang magkasintahan. Nakilala niya ito nang minsang naging kliyente ng advertising agency nila ang boss nito. He was then the secretary of their rich client. Nanligaw sa kaniya ito at sinagot naman niya kaagad.
Kung tatanungin siya kung masaya siya sa relasyon nila kahit na nga ba bihira silang magkita ay sasabihin niyang masaya siya. Noong una. Martin was her first boyfriend. He was one of the most handsome faces she had ever seen. And he was also kind, caring, and thoughtful. Kahit na hindi ito kasing-romantic niya, she didn't try to demand of him more than he could give.
She wouldn't make the same mistake that some of her friends did. Ang iba kasi nilang kaibigan noon sa college ay gumagapang paiyak sa kanila dahil iniwan ng mga boyfriend sa sobrang pagiging selosa at demanding. Indeed, the experience of other people was the best teacher.
Pero ngayon ay hindi na niya alam kung masaya pa siya. O kung mahal pa ba niya si Martin. Mas napapadalas na kasi ngayon na wala si Martin at hindi nagpapakita. Katulad ngayon. She texted him two hours ago. Napagkasunduan nila na magkikita after office hours pero isang oras na itong late. Mag-iisip na sana siya na may masamang nangyari dito pero hindi naman iyon ang unang beses na nangyari 'yon kaya hindi na niya ito inaabala pa.
If he would show up, he would show up.
"I swear I'll dive straight under Manila Bay if nothing happens anytime soon!" himutok niya habang naiinis na sinisimsim ang kape.
Kakaunti rin lang kasi ang tao sa shop. They were mostly millenials who were all busy typing on their own laptops. Wala siyang mapagbuntunan ng atensyon.
At mukhang nasagot naman kaagad ang dalangin niya nang bumukas ang pinto ng coffee shop at tuloy-tuloy na pumasok ang isang maganda at eleganteng babae. Trisha surveyed the profile of the woman from head to toe.
Mahaba ang buhok nito na mukhang mamahalin ang dye. Her face was average – not exactly beautiful but enough to attract attention from everyone. Which was exactly what was happening around her. The woman was wearing a red tube minidress. Nakahapit ang damit sa katawan nito, exposing her big boobs and curvaceous figure. The dress was so short that it exposed her long legs. Na siyang pinagtitinginan ng ilan sa mga lalaking na'ndon sa shop. On her feet were Louboutin pumps which matched her dress. She looked expensive all the way through.
Tumaas lalo ang kilay ni Trisha nang dumire-diretso ito sa counter at tumigil sa mismong tapat ng isang service crew doon. Dalawa lang ang service crew na nasa counter. Pero nang dumating ang babae ay mataktikang umalis ang isa. Akala ni Trisha ay oorder ang babae pero walang sabi-sabing hinila nito ang batok ng lalaki at hinalikan ito nang mariin sa mga labi.
"Oohh..."
Lalo pa siyang naintriga. Dramas like this one rarely happen in real life, at that was what Trisha loved about it. She loved observing people and analyzing their reactions. "A socialite and a service crew, eh?"
BINABASA MO ANG
Everything Started With A Kiss
RomanceAlam ni Trisha na ang mga katulad ni Juan Crisostomo o "Juice" ang dapat iwasan ng mga katulad niyang dakila ang tingin sa pag-ibig. Juice was very handsome, all right, but he didn't believe in love. Worse, it was easy for him to make any woman cry...