Chapter Sixteen

1.3K 55 0
                                    

"What's that song again?" baling ni Juice kay Trisha

Kasalukuyan silang nagmamaneho pabalik ng Manila. Ilang oras din silang tumambay lang sa dalampasigan at nagpapalipas oras. Pero sinabi ni Trisha na bumalik na muna sa shop dahil may tumawag na tauhan nito at mayroon daw naghahanap kay Juice. He originally promised her a whole day. Pero nagpumilit siyang huwag na at bumalik na muna sa trabaho. After all, hindi na niya kailangan ng date nito. Mukhang matagal-tagal naman niyang makakasama pa si Juice.

Up until he decided what he really wants, she thought with a pain in her heart.

"Ano'ng kanta?"

"That song you're humming right now. Ano na nga ulit 'yan?"

Trisha didn't even know she was humming a song. She must have done it unconsciously out of happiness. Ilang beses siyang tumikhim at kinanta ang ilan sa lyrics.

"Why do I go crazy everytime I think about you, baby? Why else do I want you like I do... If I'm not in love with you?"

Juice reached out for her hand and kissed it. He smiled into her eyes.

"That about sums up everything I'm feeling right now."

Hinawakan niya ang kamay nito na hawak-hawak ang kamay niya.

"I told you to take your time. You don't need to tell me you love me just because I told you I do."

Kumunot na naman ang noo ni Juice. "That's what I can't understand. How did you fall in love with me? Bakit sa tingin ko ay parang lagi mo ako'ng gustong ipasagasa sa truck?"

Tumawa siya dahil sa sinabi nito. "Hindi mo rin naman maiintindihan kaya 'wag mo nang alamin. It just happened. I just looked at you and boom, in love na ako sa'yo."

Mukhang hindi ito bumenta dahil tinitigan siya nito nang masama. "Stop making a fool out of me, Trish. I know there's nothing to like about me." Pagkatapos ay ngumisi ito. "Well, of course, except for my delectable body."

Ang lakas ng tawa niya sa sinabi nito. "Feeling! Hindi ko pinagnasaan iyan kahit kailan!"

Pinasadahan tuloy ni Trisha ng tingin ang katawan nito. Medyo humahapit pa kasi ang polo shirt nito dahil sa pagkakabasa niya kanina. It outlined the lean muscles on his arms and chest. Kitang-kita rin ang lapad ng balikat nito. Katulad ng una niyang pagkaka-describe kay Juice, Juice looked like a reincarnation of the Roman gods.

"On second thought, pwede na nga. Laman-tiyan rin 'yan," buska niya dito.

Ito naman ang natawa sa sinabi niya. Hindi pa niya itinigil ang pang-aasar dito.

"Actually, tama ka, eh. Wala naman kagusto-gusto sa'yo. You are stupid, and insensitive, and arrogant. On top of all that, sintunado ka. Katawan lang talaga ang habol ko sa'yo."

Sumimangot si Juice habang nagmamaneho. Dumukwang siya at hinalikan ito sa pisngi.

"But you make me happy, Juan Crisostomo."

Bumalik ang mga ngiti sa mga labi nito. Itinuon ni Trisha ang paningin sa harapan nila. What she said was true. Juice made her happy in ways he couldn't even begin to fathom.

Nag-ring ang cellphone niya. It was Pia calling.

"Trish! Where's France?" bungad kaagad nito sa kanya.

Trisha almost rolled her eyes. Ilang beses na ba nito'ng ipinagtanong si France? "Sophia, umuwi ka na lang kasi dito kung ganyan na ipinagtatanong mo siya lagi."

"Argh! I have no time for your lectures? Nasa'n nga siya?"

Tinakpan niya ang mouthpiece. "Juice, nasa'n si France?"

"Sino yan?"

"Si Pia."

"Umalis kaninang umaga, eh."

"Sa'n nga nagpunta?"

Juice had a mischievous glint in his eyes. "Secret. Papatayin niya ako 'pag sinabi ko. Besides, hayaan mo silang ayusin ang issues nila."

That made sense to her. Binalingan niya ang cellphone.

"According to that Tejerro guy, umalis daw si France kaninang umaga. He didn't tell me kung saan nagpunta si France."

"Listen, Trish. I just saw his car here." Nang-aakusa na ang tinig nito. "Hindi kaya bumigay ka na at sinabi mo sa kanya kung nasa'n ako?"

"C'mon, Pia. Nasa'yo ang loyalty ko. Anyway, bakit ka ba nagtatago pa kay France? Why can't you just admit to him that you love him para matapos na ang drama niyo?"

"You know I can't do that. Okay. Baka naman napapraning lang ako. Hindi naman ako siguro susundan ni France hanggang dito."

Iyon lang at nagpaalam na ito. Trisha looked at Juice who was grinning.

"Nasa'n nga si France?"

"Probably beside her right at this moment."

"Ooh..."

So, Pia would have her own happy ending anytime soon. Trisha sighed dreamily. Sana siya din.

Everything Started With A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon