Tumigil lang si Juice maglakad nang mapatapat sa sasakyan nito. Tila napu-frustrate na inihilamos nito ang mga kamay sa mukha.
Si Trisha naman ay namamanghang nakatingin dito. Sobrang bilis ng mga pangyayari at wala halos rumehistro sa utak niya. Nag-blackout ata siya. Ang huling eksena na natatandaan niya ay hinahalikan siya nito.
Lumingon si Juice sa kanya nang mapansin siguro na hindi siya nagsasalita at nakatulala lang. Nag-aalala nitong hinawakan ang balikat niya at niyugyog siya.
"He's a bastard, Trish. Don't be too shocked with what you've seen..."
"Why did you kiss me?"
"Ha?"
Matalim na nang tiningnan niya ito. "I just asked you why you kissed me!"
Mukhang nalito si Juice, hindi inaasahan ang reaksyon niya.
"I-I don't know. I just got mad when he kissed a girl right in front of you."
"So that gave you permission to kiss me?"
Juice sighed irritatingly. "So you wanted to make a fool of yourself out there?"
Ang singkit na niyang mga mata ay lalo pang sumingkit. May pakiramdam siya na sasabog siya sa tindi ng inis niya kay Juice.
"Saang parte ng mukha ko ang nagsabi na halikan mo ako?!" halos pasigaw nang sabi niya.
Mukhang nainis na rin si Juice.
"That was just a kiss, for Pete's sake! Gusto mo bang pagtawanan ka niya dahil nahuli mo siyang may ibang babae at pinaghihintay ka sa wala? He's a gigolo, goodness! Kilala namin siya ng kaibigan ko at gago talaga 'yon!"
"But how am I different from all those women whose feelings you've hurt? Hindi ba at lantaran mo sila kung ipagtabuyan sa'yo at wala kang pakialam? Sana hinayaan mo na lang ako!"
Hinilot na ni Juice ang batok. Mukhang lalong na-frustrate. He seemed to be searching for a plausible reason for his actions.
"I swear I don't know!" pasigaw na rin nitong sinabi. "Basta nung nakita ko lang siya na niloloko ka, ayaw kitang makitang masaktan at pagtawanan niya."
Kahit paano ay napawi ang inis ni Trisha ng konti sa sinabi nito. Hindi na nga niya halos matandaan na pinagtaksilan siya ni Martin. Kung nasaktan man siya sa panloloko nito, ego lang niya iyon at hindi ang puso niya. She knew she would get by.
But Juice's kiss muddled her world!
Nananahimik ang lahat sa kanya. Pero nang halikan siya nito ay parang may nagsindi ng bombilya sa ulo niya. Parang naiintindihan na niya bigla kung bakit hinahabol-habol ito ngayon ng mga babae. Kahit siya ay gusto niya na ring habulin ito. The romantic side in her genuinely wanted to see him tamed.
At sinabi pa niya na hindi niya ito type? Huh! Sinong niloko niya?
She was normally a level-headed girl at hindi basta-basta umiinit ang ulo. Pero sapat ang nangyari para lahat ng pasensya niya ay mapundi. She didn't want what she was feeling for this guy. Juice was Bio-hazard Level Four. She wouldn't get out of this alive.
She tried to calm down. Kahit sa laro, ang unang nagagalit ay natatalo. She breathed in and breathed out. If she wanted to know what exactly it was that she was feeling, she had to set things straight and make a plan.
This time, she tried to speak in a softer voice.
"Gusto mo lang ako'ng tulungan kaya hinalikan mo ako, 'di ba?"
"That was what I was saying before you ungratefully shouted at me," reklamo nito.
"But not because you like me, right?"
"But I like you," nakakunot noong sabi nito. Tumingin ito sa mga labi niya. "I like kissing you, Trish."
Sandali siyang nalito sa sinabi nito pero pinilit niyang hindi magpaapekto.
"Sige, pumapayag na ako," wika niya makaraan.
"Saan?"
"You said you wanted to date me, remember?"
Mukhang hindi makapaniwala si Juice sa pagbabago ng mood niya. Kahit siya ay nalilito. She must have been really fragile. Hindi na siya nag-iisip pa at nagpapadala na lang sa nararamdaman. She tried to be cautious before and look where it led her – straight into the lion's den. Ni hindi man lang niya naisip na posibleng nambababae si Martin sa likuran niya.
"Okay. I'm giving you one date," untag niya dito nang hindi na magsalita.
"I thought I'm not your type?"
"Sabihin na lang natin na mabuti ka palang tao dahil ipinakita mo sa'kin ang tunay na kulay ni Martin."
Hinawakan siya ulit nito sa balikat. Tiningnan siya nito ng diretso sa mga mata. "Tell me. Are you doing this on the rebound?"
Hinamon niya si Juice ng titigan. She wouldn't make the mistake of telling him the real reason why she was doing it. Sino'ng maniniwala na nababaliw na siya dahil lang hinalikan siya nito? Isa pa, she couldn't see the harm in a single date.
"Yup. May masama?"
Matiim lang siya nitong tinitigan. "I'm not sure I'm liking it."
"C'mon! Ikaw ang unang nag-presinta. Be responsible. At dahil sa'yo, nawalan ako ng boyfriend nang wala sa oras."
"Don't compare me with that bastard. I might fool around at times. Pero hindi ako nagpapaasa ng babae."
Iwinagayway niya ang kamay. "Whatever. It's your punishment for messing up my life."
Nagpahinuhod naman ito. "Okay, tomorrow, I'll pick you up—"
"Not tomorrow. I want it today."
"Okay, today—What?! Are you kidding me?"
Ngumuso siya. "What's wrong with a date today?"
"But it's already 8!"
"Then we have the whole night," she said cheerfully.
Hindi rin niya hahayaang ipagpabukas pa ni Juice ang date nila. Una ay dahil kapag nahimasmasan na siya ay bumalik ang tino niya at siya na mismo ang mag-backout sa plano na ito. At ang ikalawang dahilan ay gusto niyang makita na maibaba ni Juice ang mga depensa. Sanay siguro ito na nakikipagdate ng may plano. Planado na rin siguro nito lahat ng ikikilos kasama ng date.
When she had talked to Juice, he didn't look anything like someone who knew how to handle long-term relationships. Ni hindi niya naisip na may pagka-romantiko si Juice.
But when he kissed her, and when he punched Martin and called her 'her woman,'she saw a trace of the Juice that was hiding inside his protective shell. Hindi ito ang Juice na lantaran niyang nakitang nananakit ng damdamin ng babae. Nang sinabi nito na ayaw siya nitong makitang masaktan, nalito siya. Mukhang kahit si Juice ay nalilito at hindi aware sa nararamdaman.
At least, hindi siya nag-iisa sa nararamdaman.
"Ano na?" untag niya ulit dito.
Juice sighed. Inaasahan na niyang mag-da-dahilan na naman ito. Kaya nagulat si Trisha nang ngumiti si Juice. The change in his mood was really surprising. Maybe she had done the right thing after all.
"Then let's not waste our time any longer."
BINABASA MO ANG
Everything Started With A Kiss
RomanceAlam ni Trisha na ang mga katulad ni Juan Crisostomo o "Juice" ang dapat iwasan ng mga katulad niyang dakila ang tingin sa pag-ibig. Juice was very handsome, all right, but he didn't believe in love. Worse, it was easy for him to make any woman cry...