1

24 1 0
                                    

WARNING!!!

GRAMMATICAL ERRORS AHEAD!

-

Aia's P.O.V

"Aia!!!!"

Umalingawngaw ang sigaw ng aking tiyahin sa loob ng bahay. Panigurado akong na andiyan na naman ang mga chismosa naming kapitbahay nakasilip sa gate upang makinig sa misa ng aking tita sa akin. Bakit?Anong oras na di pa ko nabangon at kailangan ko ng maglinis ng buong bahay dahil weekends naman at wala akong pasok.

Pagkalabas ko ng kwarto ko ay naabutan ko ang aking tiyahin sa may sala at biglang napatayo nang makita ako,nakapamewang pa na akala mo'y donya dito sa pamamahay na pinamana na sa akin ng mga umampon sa akin.

"Ikaw na bata ka,hindi ba't sinabi ko sayo na bago mag-ala sais ng umaga ay dapat gising ka na-"

"Batugan kase," sabat ng pinsan kong maarte na akala mo'y kinaganda nya ang pagtuwad-tuwad sa tiktok.

"Magto-toothbrush lang po-"

"Mamaya na yan,magluto ka muna at gutom na kami," sabay turo nya sa kusina at muling umupo sa sofa.

Wala naman akong magagawa kung hindi sumunod sa utos dahil kung hindi wala akong matitirahan. Nagsimula na akong mag-prito ng ham at itlog. At kung ano ang matira,ayon ang kakainin ko,mas malala pag walang natira mamayang tanghalian lang ako makakakain.

Pagkatapos kong ipag-hain ng kanilang makakain at nag-toothbrush na ako at nagsimula ng maglinis. Inuna ko muna ang banyo na nag-kalat sa sahig ang sachet ng shampoo na ginamit nila. Kahit kailan talaga napakaburara. Buti na lamang at sanay ako sa mga gawaing bahay. Winalisan ko ang sahig ng buong bahay kasama na din ang kwarto nila. Pagkapasok ko pa lang sa kwarto ng pinsan kong si Zoraida ay sumalubong na saken ang makalat na sahig. Nakakalat ang damit,libro at kung ano ano pa sa sahig na syang inayos ko din.

Hinuli ko ang kwarto ng aking Auntie Mira,ito ang kwarto nina mama at dada noon. Kung saan pinapatulog nila ako ng katabi sila pag natatakot ako. Sad to think pero pinatapon ni tita lahat ng gamit nina mama at dada kahit ayaw ko.

Buti na nga lang at bumait sila ng one percent saken dahil may nag-report sa barangay namim na pinapakain ako ng dog food noon. At sa araw na yon pinagpapalo ako ni tita dahil akala nya'y ako ang nag-sumbong.

Pagkalabas ko sa may bakuran namin ay tinanaw ko ang kaibigan kong si Meia na nakaupo at mukhang hinihintay ako dahil may usapan kaming pupunta sa mall. Nang mahagip ng mata nya ako ay kumaway sya at dali-dali akong nilapitan.

"Napakatagal mo,wag ka na kumain at alam kong wala namang matitirang pagkain para sayo dahil napaka sugapa ng mga tita mo.Kakain tayo sa mall libre ko,hmp," pagmamaktol nya saken.

"Okay,tapusin ko lang 'tong nililinis ko at liligo na ko," sabay ngiti ko to make her believe na okay lang ako.

"Dalian mo na,"sabay irap nya.

Kahit kailan napaka-mainipin ni Meia pero sya naman itong saksakan ng bagal kumilos.

Nang matapos ko na ang paglilinis ay pandalas na akong naligo dahil nag-iintay saken si Meia.

"Oh saan ka pupunta?Lalandi?" tanong ng tita ko.

Rêveuse(On-Going)Where stories live. Discover now