WARNING!!!
GRAMMATICAL ERRORS AHEAD!!
-
Meia's P.O.V
Rinig na rinig ko kung paano sigawan ng Tita nya sya,si Gaia. Halos mabingi na nga ako sa sigaw nya. Nagtagal ang pag-sigaw nya sa best friend ko.
"Hindi ba sya napapagod kakasigaw?Ako yung napapagod para sa kanya,tss." Pagkausap ko sa sarili ko sa salamin.
Nagpalit ako ng damit pantulog kaagad dahil antok na antok na ko. Feeling ko ay ubos na ubos na ko.
Pinilit kong makatulog ngunit hindi ko magawa. Hindi ko magawang makatulog sa isiping ang best friend ko ay hindi pa natutulog at nag lilinis pa din.
Humupa na ang sigawan kina Gaia,malamang ay naglilinis na siguro ito. Alas otso na ng gabi dapat ay tulog na sya dahil gigising pa sya mamayang alas tres para mag-aral.
Sinubukan ko syang tawagan ngunit hindi nya ito sinasagot. Kaya sinubukan ko syang i-text. Nakailang text na ko sa kanya ngunit hindi pa din sya sumasagot. Napagdesisyunan ko nang lumabas at pumunta sa bahay nila.
Sarado na ang bahay nila at patay na ang mga ilaw doon. Siguro ay tulog na sya kaya hindi nya na nasagot ang tawag at texts ko sa kanya.
Agad akong bumalik sa bahay namin at natulog na dahil may pasok pa kaming dalawa.
Maaga akong nagising upang tignan ang cellphone ko kung may reply ba sya sa akin. Ngunit kahit isa ay wala akong natanggap na kahit ano. Kataka-taka lang dahil hindi naman sya ganon.
Dali-dali kong inayos ang sarili ko upang katukin ang bahay nina Gaia. May masama akong kutob. Hindi naman basta basta hindi nagrereply si Gaia.
Naligo agad ako at nag-toothbrush. Hindi na baleng wala pang suklay ang buhok ko,mas importante ay malaman ko kung okay ba si Gaia o hindi.
Kinatok ko ang pintuan ng bahay nila.
"Tao po!" Tawag ko ng walang magbukas sa akin ng pintuan.
"Tao-"
"Oh ano ikaw!Ke aga aga eh nambubulabog ka!" Masungit na saad sa akin ng Tiyahin ni Gaia.
Hindi ko na pinansin ang sinabi ng kanyang tita,bastos na kung bastos.
Napaawang ang bibig ko ng makitang wala si Gaia sa kwarto nya. Nakita ko ang cellphone nyang nasa table ng living area. Nandito lang sya sa loob.
"Gaia!!Gaia!!" Muling pagtawag ko sa pangalan nya.
Ngunit walang Gaia na sumulpot. Maging ang pinsan nya ay nagising sa aking pag tawag rito. Nanlisik agad ang mata ko sa kanya.
"Nasan si Gaia?" Madiin kong tanong sa kanya.
"Dunno," kalmado nyang sagot sa akin.
Chineck ko na ang kusina nila sa pag-babaka sakaling naroon sya ngunit bigo ako dahil ni anino nya ay wala roon.
Chineck ko na din ang ikalawang palapag nila upang tignan sya roon ngunit wala pa din.
Imposibleng na sa may CR-tama sa may CR na lang ang hindi ko natitignan.
Pagbukas ko ng pintuan nito ay ang saktong pagbuhos din ng luha ko. Basang basa ang damit nya pati na rin ang mukha nya. Nakita kong may pasa sya sa magkabilang pisnge.
YOU ARE READING
Rêveuse(On-Going)
Teen FictionGaia Blue Sage, a freshman college. In her 18 years of existence,she never do but to dream. She's 4 when she wants to have a complete family. She's 5 when someone adopted her but they died when she was 7. She's 9 when she becomes a maid of her Aunti...