WARNING!!!
GRAMMATICAL ERRORS AHEAD!!
-
Aia's P.O.V
Dalawang araw ko lang balak na tumigil dito dahil hindi ko naman pwedeng iwanan ang Auntie at pinsan ko doon. Kahit na sinasaktan nila ako ay mas nangingibabaw pa din ang pagmamahal ko para sa kanila.
Ngayon ay papasok na ko dahil hindi pwedeng hindi ako papasok dahil hindi naman ganoon kalala ang nangyari sa akin.
Nakipag-talo pa sa akin si Meia kagabi dahil ayaw nya ko papasukin at kailangan ko daw ng pahinga kahit ngayon lang. Pero ayoko nga dahil mahuhuli ako sa lesson namim though mabilis naman akong maka-catch up agad. Iba pa din yung tinuro ng professor kaysa self-study.
Nilingon ko ang naka-simangot pa ding si Meia.
"Oh anong tinitingin tingin mo ha?" Masungit nyang tanong sa akin.
She's always like that,kapag hindi nasusunod ang gusto nya ay nagmamaktol pa din sya na parang bata.
Hindi naman na halata ang pasa ko sa magkabilang pisnge dahil nilagyan ito ni Meia kanina ng concealer.
Pagkapasok naming dalawa ay agad kaming sinalubong ng class president namin,si Kiel.
"Okay ka na ba Gaia?May masakit pa ba sayo?Or anything?" Nalaglag ang panga ko dahil sa sunod-sunod nyang mga tanong.
"You can go home if you want," pagdagdag nya pa.
"A-ayos lang ako," matipid kong sagot at dumiretso na sa upuan ko.
I'm not used to this kind of treatment,especially from them.
Mas sanay akong wala silang pakielam sa akin dahil ayun ang pinapakita nila sakin lagi.
Kay Meia lang ako nasanay na lagi syang nag-aalala sakin. Normal lang naman yon kasi best friend ko sya at ganon din sya sa akin.
Malawak ang circle of friends ni Meia unlike me na halos sya lang ang tinuturing kong kaibigan.
It's just that,nakakatamad na kumilala pa ng bago dahil ipapakilala mo na naman ang sarili mo sa kanila. At alam ko din namang they will not stay longer.
Ayoko lang na ma-attach sa kanila ng sobra tapos in the end,they'll leave me alone.
Like how my biological mother abandoned me.
It tears me up everytime na maaalala ko iyon.
Kada oras ay tinatanong nila ako kung okay na ba ako o kung may masakit ba sa akin. Ni hindi ko na nga mabilang kung ilang beses nilang natanong sa akin yon. Tanging tango lamang ang naisasagot ko sa kanila. Dahil as much as possible I don't want them get involve in my life. As I said earlier, hindi ako sanay.
I just want to live peacefully.
At ngayong lunch break namin ay nag-tungo kami sa canteen. Madaming tao ngayon kaya pinauna na ako ni Meia upang maghanap ng table naming dalawa at sya na lamang daw ang o-order ng makakain namin. Sinabi ko sa kanya na gusto ko ng ulam na may sabaw.
Nang makahanap agad ako ng bakanteng lamesa at upuan ay agad ko itong tinungo.
Sa pagmamadali ko ay natisod ako ngunit laking pasasalamat ko ng may sumabot sa akim upang hindi ako tuluyang matumba.
Agad na nanlaki ang mata ko at inayos ang sarili ko. Umiwas ako ng tingin kay Calynyx dahil sa kahihiyan.
Is it coincidence or what?
YOU ARE READING
Rêveuse(On-Going)
Teen FictionGaia Blue Sage, a freshman college. In her 18 years of existence,she never do but to dream. She's 4 when she wants to have a complete family. She's 5 when someone adopted her but they died when she was 7. She's 9 when she becomes a maid of her Aunti...