WARNING!!!
GRAMMATICAL ERRORS AHEAD!!
-
Aia's P.O.V
Nagising ako dahil sa lakas ng sinag ng araw. Nasabi ko naman sa kanyang isara nya yung kurtina eh. Kinapa ko ang cellphone ko sa mini-table na katabi ng kama nito. Nang mabuksan ko ito ay nakita kong alas-otso na pala ng umaga.
Halos maga-alas tres na ko ng madaling araw natulog dahil nanonood ako ng Anime. Nakatulugan ko nga ang panonood dito kaya mamaya kung may bakanteng oras ako ay uulitin ko ito.
Bumangon na ko at niligpit ang kama.
Nag-diretso na muna ako sa banyo't nag-toothbrush at nag-hilamos. Pagtapos ay bumaba na ako.
"Good morning Bal!" Masiglang bati sa akin ni Meia habang nag-hahanda ng pagkain.
"Morning."
Napangiwi naman agad ako ng makita kong sunog ang kalahati ng itlog na ipinirito nya.
"My apologies,I don't know how to cook eh. You overslept kasi," sabay pout nito. Nalito ako bigla kung sincere ba ito o sarcastic.
Napa-irap na lang ako sa mga sinabi nya at umupo na rin sa tabi nya at nag-simula ng kumain.
Kaunti lamang na kanin ang inilagay ko sa plato ko. Agad ko namang nahagip ang naka-pout na si Meia.
"Kaya hindi ka nataba eh," sabay iling nya sa akin.
Hindi ko na lamang ito pinansin at kumain na.
Mabilis naman kaming natapos dalawang kumain. Ako ang nag-ligpit dahil aalis daw si Meia ngayon sandali at agad din namang babalik. Kaya napag-desisyunan ko na umuwi din pagtapos nito.
Bumaba na si Meia mula sa kanilang pangalawang palapag. Nakasuot sya ng off-shoulder dress na above the knee at naka-flat na sandals. Ang mahabang buhok nya ay naka-messy bun na bumagay naman sa kanya. Pinaresan nya ang damit nya ng Chanel sling bag.
Looks like na date yung pupuntahan nya HAHA!
Bakit ang unfair ng buhay?Bat pag ako yung naka-messy bun mukha akong losyang na nanay na merong isang dosenang anak pero si Meia,lalo lang syang gumanda.
"Bye Gaia!" Paalam nito sa akin pagtapos nyang mag-lagay ng lip tint.
Nag-waveback naman ako sa kanya.
Ilang sandali pa lang ay nag-tungo na ko sa aming bahay. Naka-ilang buntong hininga ako bago ako tuluyang pumasok sa loob.
Laking gulat ko na lamang ng makitang ang daming kalat. Hindi ganito kakalat ang inaasahan ko. Ang lababo na tambak ang hugasin. Ang sahig na maalikabok. Ang mga balat ng pinagkainan nila ay nasa lamesa lamang.
Tatlong araw lang akong wala pero ganto na agad kakalat. Ni hindi man lang nila nawalisan ang sahig. Ang dating maputing tiles ay sadyang napaka-alikabok na.
"Aba buti naman andito ka na. Salamat at may maglilinis din ng kalat dito sa bahay," bati sa akin ng Auntie ko.
Gusto kong sumagot pero alam kong walang magandang patutunguhan ito. Sa halip na sagutin sya ay nag-diretso ako sa lagayan ng mga pang-linis at kumuha ng mga kakailanganin ko.
"Saan ka galing ha?Nakipagtanan ka ano?Ang landi mo talagang bata ka!" Bulyaw nito sa akin habang nag-wawalis ako ng sahig.
"Wala po akong boyfriend at tsaka kay na Meia ho ako nag-stay pansamantala," kalmado kong sagot. Kinukumbinsi ko ang sarili ko na manatiling kalmado kahit anong mangyari.
YOU ARE READING
Rêveuse(On-Going)
Teen FictionGaia Blue Sage, a freshman college. In her 18 years of existence,she never do but to dream. She's 4 when she wants to have a complete family. She's 5 when someone adopted her but they died when she was 7. She's 9 when she becomes a maid of her Aunti...