Aia's P.O.V
Kahapon ay hindi naman kami masyadong pagod at puyat ni Meia unlike the other students na bangag dahil in-enjoy nila masyado ang program.
More like study kami nitong si Meia. Gusto namin ma-achieve yung pangarap namin dalawa. We wants to be successful.
Tanda ko nung nasa bahay-ampunan pa lang ako,I was 4 back then,we're always playing teacher-teacheran,lutu-lutuan and many more. Nagmu-mukha nga silang uto-uto sa akin noon dahil tinuturuan ko sila. Minsan pa nga ay pinapa-iyak ko ang mga kalaro ko hanggang sa napagalitan ako ni Nanay Flor.
Kaya simula noon,hindi ko na sila pinapa-iyak. Matagal-tagal na din akong hindi bumibisita sa bahay-ampunan.
Ang saya ko noon kasi nung nag-5th birthday ako ay saktong inampon ako nina Mama at Dada. Pero umiyak din ako kasi hindi ko na makikita sina Nanay Flor at yung mga kaibigan ko doon.
Kaya once a week kami nadalaw doon nina Mama. Madalas ay binibilhan ko sila ng mga laruan,kahit hanggang ngayon.
Ang saya ko sa mga panahong yon.
Sana ay palagi na lang tayong bata para walang problemang laging iniisip.
Ang mga kasing edad ko doon ay naampon na din.
Nakahiligan ko na ang mag-basa ng mga Filipino Novels at ang pag-gawa ng mga tula noong High School pa lang kami. At saksi si Meia doon. Kadalasan pa nga ay naiinis na sya sa akin dahil sa lalim ng mga salitang binibitawan ko.
Tahimik lamang akong nakikinig sa lesson ng aming Prof. Habang si Meia ay parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Puyat sya dahil nag-review daw sya sa Math at may Summative Test daw sila. Magkahiwalay kami sa next subject dahil wala akong Math Class ngayon. Tanging Filipino Literature,Physics,P.E,at History lang.
Ito ang gusto ko every Wednesday,kakaunti lamang ang schedule ko. Ngunit alam kong hindi din ito magta-tagal sapagkat pagdating ng second sem ay maiiba na ito at paniguradong mada-dagdagan ito.
Lahat kami ay mayroong isang oras na break tuwing first shift. Sa second shift namin ay 30 minutes na lang.
"Meia,tara sa Library?" Paga-aya ko dito.
"Pass,tulog lang ako dito sa room. Antok na antok ako sis,sobra. Mamamatay ata ako dito sa Math," antok na sabi nya at nag-hikab pa.
"Hihiram lang ako sa library ng Filipino Literature Book,balik agad ako. May pagkain ako sa bag hati tayo ha?Please lang wag mo ko ubusan masyado kang buraot. Isumbong kita kay tita eh," Sabay iling ko pa.
"Ang sarap kasi ng luto mo," nag-hikab pa ulit sya kaya umalis na ko upang maka-tulog na sya.
Habang nag-lalakad ako ay biglang pumasok muli sa aking isipan ang sinabi ni Meia kahapon sa akin. Sino namang tangang lalaki ang magta-tangkang hanapin ako aber.
"Good morning Ms." mahinang bati ko sa librarian namin na tiyak kong sya lang ang makakarinig
"Good morning din Gaia,Literature uli?" Natatawang tanong niya. Sa dalas ko dito sa library ay alam nya na ang hilig kong basahin.
"Nag-iba ang pwesto ng bookshelves ha,ang mga Literatures ay nasa may bandang dulo sa may kanan." Pagpapaliwanag nya.
YOU ARE READING
Rêveuse(On-Going)
Teen FictionGaia Blue Sage, a freshman college. In her 18 years of existence,she never do but to dream. She's 4 when she wants to have a complete family. She's 5 when someone adopted her but they died when she was 7. She's 9 when she becomes a maid of her Aunti...