WARNING!!!
GRAMMATICAL ERRORS AHEAD!!
-
Aia's P.O.V
Nagising ako nang bahagyang gumalaw si Caly.
"Anong oras na?" Tanong ko. Ayos na to atleast nakatulog ako kahit sandali man lang.
"15 minutes pa before mag second class," sagot nito sa akin.
Nag-ayos na ko ng sarili ko. Nag-inat pa ko dahil masarap ang tulog ko walang istorbo o kahit ano.
"By the way, nag-text si Meia mauna na daw tayo sa second class," napa-tingin naman ako sa kanya.
"Bakit daw?" Nagkibit balikat na lamang sya sa akin bilang sagot.
Dahil malayo ang classroom namin sa susunod na subject ay naglakad na kami. Ang ibang estudyante ay nag-kalat din sa labas lalo na sa may gymnasium.
Habang naglalakad kami ay napapatingin sa amin ang ibang mga estudyante. Nalinaw ko na sa kanilang hindi kami nagda-date at tsaka boy best friend ko lang talaga si Caly.
"Sabi ko sa inyo eh nagda-date sila," nadinig ko sa isa sa mga bulungan ng mga estudyante.
Hindi ko na lamang iyon pinansin bagkus ay nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Nanatiling tahimik na nakasunod pa din si Caly akin .
Hanggang sa makarating kami sa classrom ay nagbu-bulungan pa din sila.
Pagdating namin sa classroom ay naroon na ang tahimik na nakaupong si Meia. Dali-dali akong lumapit sa kanya at tumabi.
"Alam mo bang laman na naman ako ng chismis nila at hindi lang ako,pati si Caly!" I hissed at her nang maka-upo ako.
"Yeah,I'm broke right now Bal. I saw Maxy,may kasamang girl," napangiwi ako dahil umiiyak nga sya.
Binalingan ko naman agad si Caly na nasa tabi ni Meia lang. Alam nya ata ang ibig sabihin ng matalim kong tingin sa kanya dahil nag-kibit balikat lang din sya.
Pinatahan ko si Meia dahil kahit sa anong oras ay dadating na ang prof namin ngayon.
Mabuti naman ay agad din syang tumahan. Lagot talaga si Max saken mamaya. Siguradong makakatikim sya ng sapak mula sa akin.
Agad naman naming binati ang kadarating pa lang naming professor sa Math.
Pinapasa nya na agad ang homework namin. Nakita kong walang sagot ang number one ni Calynyx kaya hinablot ko ito at nilagay ang sagot pati na ang solution.
"Thanks," saad nya.
"No problem,tulungan mo na lang akong sapakin yung best friend mo," mahina kong sagot bago ko ipasa ang papel naming tatlo.
Pagkatapos naming mag-pasa ay nag-simula ng mag-sulat ang prof namin sa white board kaya kinuha ko na ang notebook ko para kopyahin ito.
Mukhang mauubos na agad ang papel ko sa Math bago matapos ang sem na to ah. Masipag magpakopya si Sir naks.
"Pahiramin mo na lang ako ng notebook wala akong gana kumopya eh," bored na saad sa akin ni Meia kaya binatukan ko sya.
Sinamaan nya lang ako ng tingin at umub-ob. Buti na lamang ay nasa may bandang dulo kami naka-upo kung hindi ay patay sya kay prof.
Buti na lamang ay nakatulog ako kanina kung hindi ay pareho kaming dalawa na nakaub-ob.
YOU ARE READING
Rêveuse(On-Going)
Teen FictionGaia Blue Sage, a freshman college. In her 18 years of existence,she never do but to dream. She's 4 when she wants to have a complete family. She's 5 when someone adopted her but they died when she was 7. She's 9 when she becomes a maid of her Aunti...