WARNING!!!
GRAMMATICAL ERRORS AHEAD!!
Aia's P.O.V
Alas-dos na ng tanghali at heto si Meia,kinukulit pa din ako kung anong nangyari kanina sa canteen. Nanatili akong tahimik dahil baka maya maya ay habang nagku-kwento ako ay biglang sumulpot ang pinsan ko at gumawa na naman ng eksena.
Simula pa lang nung bata kami ay mainit na talaga ang dugo sa akin ng mga pinsan ko sa side ni Dada sa di ko malamang dahilan. Wala naman akong pinsan sa side ni Mama dahil nag-iisa lamang syang anak.Ni hindi ko nga nakilala mga lolo't lola ko dahil maaga na silang namaalam.
Tandang tanda ko pa yung sinabi nina ate Zeph sa akin nung mga bata pa lang kami.
"Hindi ka namin ituturing na pinsan kahit kailan kasi kahit saang banda tignan at sukatin hindi ka namin kadugo dahil ampon ka lang!"
Ang tanging gusto ko lang naman ng mga oras na yon ay maging close sila.
Ngunit hindi nila ako pinagbigyan.Bigo ako.
Sa tuwing may gaganapin na reunion sa pamilya ay halos itakwil na nila ako maging ang mga tiyahin at tiyuhin ko.
Kaya siguro nung namatay si Dada at Mama sa airplane crash ay hindi nila alam kung kanino ako titigil. Pinagpasa-pasahan nila ako hanggang sa malaman kong pinamana pala sakin ni Dada at Mama iyong bahay at lupa na tinitirhan namin.
Nang malaman iyon ni Auntie Mira ay nag-prisinta sya sa abogado na sasamahan nya daw ako tumira doon dahil delikado pag ako lang mag-isa.
Laking tuwa ko ng mga oras na yon. Ngunit hindi ko lubos akalain na gagawin nila akong katulong.
Naging sunod-sunudan ako sa kanila.
Ang asawa ni Auntie ay sumakabilang babae na kaya labis ang poot at hinanakit ang nadarama nito para sa kanyang dating asawa.
"Gaia Sage,ano hindi mo ba iku-kwento o gusto mong mag-away tayo ha?" Pag-babanta ni Meia sa akin.
"Meia Grace Lim,hindi mo na ako kailangang pagbantaan dahil eto na,iku-kwento ko na," pag-suko ko.
"Buti naman kung ganon.So ano bang nangyari kasi ha?Yung curiousity ko sis,abot na ata hanggang Jupiter," sabay irap nito sa akin.
I really admire my best friend.Bukod sa maganda't singkit ang mata nya at ang kanyang mala-porselanang balat na kahit lamok ay mahihiyang dikitan ito. Napaka-bait nyang tao wag mo lang subukang kantiin at ang mala-pusa nyang mukha ay magiging tigre na. Napangisi ako sa iniisip ko.
Nawala ang mga ngisi sa aking labi nang pitikin nya ang noo ko na nagpa-alala sa akin na kailangan ko na pa lang i-kwento sa kanya ang nangyari.
"Nung pagka-bili ko nakita ko si Aida sa isa sa mga table don masama tingin sakin eh,-" hindi ko na nai-tuloy sapagkat pinutol nya ang sasabihin ko.
"Nako,yang pinsan mong magaling bal ha?Ang sarap dukutin ng mata. Okay proceed." Pagpa-patuloy n'ya sakin.
"Tapos di ko namalayan nasa harap ko na sya,pinipigilan sya ni Van tsaka nung isa pa nilang kasama-"
YOU ARE READING
Rêveuse(On-Going)
Teen FictionGaia Blue Sage, a freshman college. In her 18 years of existence,she never do but to dream. She's 4 when she wants to have a complete family. She's 5 when someone adopted her but they died when she was 7. She's 9 when she becomes a maid of her Aunti...