WARNING!!!
GRAMMATICAL ERRORS AHEAD!!
Aia's P.O.V
Another day had passed pero wala pa din bago.Same routine lang. Gigising,mag-lilinis,kakain,magto-toothbrush,maliligo,mag-lilinis,mag-lalaba,mag-aaral,tutulog then repeat.
Grabe kahit nakakasawa kailangan kong gawin. Whether I like it or not. No choice ako. Minsan naiinis na ko kasi paulit-ulit na lang,walang bago.
We're on our way to school,kasama ko lagi si Meia pag papasok at tuwing uwian na din. May mga pagkakataon na nagkakahiwalay kami dahil hindi naman kami parehas ng schedule. Buti na lamang at sa Math ay magkasama kami dahil hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
Napakalaki na nga ata ng utang ko dito sa best friend ko dahil lagi nya kong tinutulungan sa mga bagay na di ko naman kaya kahit hindi ko hilingin. Tunay kong napakaswerte sa kanya.
"Good morning po," sabay naming bati ni Meia nang makasalubong namin ang isa sa mga teacher dito. Ngunit napa-ngiwi naman kami parehas ng hindi kami nito pansinin o kahit tignan at ngitian man lang.
Nagkalat ang mga estudyante sa hallway dahil walang masyadong klase ngayon at may program na gaganapin mamayang alas-dyis. Abala naman ang mga teacher at mga organizations sa pag-aayos ng stage para mamaya.
Napatigil kami saglit ni Meia upang basahin ang mga naka-paskil sa bulletin board na katabi lamang ng aming room.
"Open for audition of Show your voice," malakas na pag-kakabasa nya dito.
Hinawakan nya ang braso ko, "Sali ka dito diba?Sabi mo saken nung Sabado."
Napa-buntong hininga na lamang ako dahil hindi ko na maaaring bawiin ang pangako ko sa kanya. Promise is promise and you must do it.
"Ipipili kita ng kanta na babagay sa boses for that audition ha!" Excited nyang sabi kaya napatingin naman agad ang ilan sa mga kaklase namin sa aming pwesto.
"Sasali si Gaia,Meia?"
"Maganda boses nya?"
"Weh?"
Sunod-sunod ang kanilang mga tanong na kulang na lang ay sabihin nilang 'bat yan sasali eh hindi naman maganda boses nyan'.
"Oo sasali sya.Baket may angal ba kayo ha?" Masungit na saad nitong si Meia.
"Eh hindi nga namin narinig yan kumanta kahit sa music class eh,diba?" Agad namang sumang-ayon ang mga kaklase ko dito kay Kiel,ang class president namin.
"At tsaka pano kami makaka-sure na ipapanalo nyan ang contest?" Maarteng tanong naman ni Nicolle.
"Edi papakantahin natin sya sa music class next time,matagal pa naman yung contest diba?December pa yon. Anong month lang ngayon?September diba?Wag kayong atat," sabay irap nang iritang si Meia.
Napayuko na lamang ako sa mga tinuturan nila.
At isa pa,wala din akong tiwala sa sarili ko kaya paano ko 'to malalagpasan?
YOU ARE READING
Rêveuse(On-Going)
Teen FictionGaia Blue Sage, a freshman college. In her 18 years of existence,she never do but to dream. She's 4 when she wants to have a complete family. She's 5 when someone adopted her but they died when she was 7. She's 9 when she becomes a maid of her Aunti...