WARNING!!!
GRAMMATICAL ERRORS AHEAD!!
-
Aia's P.O.V
Mabilis namang natapos ang weekends. Walang bago ganon pa din ang buhay. Maaga akong nagising kanina para makaabot ng flag ceremony namin dahil Monday.
Ang pinagtataka ko lamang ay kaninang pag-pasok ko ay pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Dahil sa kuryosidad ay pumunta ako ng restroom para tignan kung may dumi ba ko sa mukha or what.
Ngunit wala naman akong dumi o ano. Pinatignan ko pa nga kay Meia kung may tagos ako sa pants ko pero sabi nya ay wala naman daw.
Ngayon ay kasalukuyan kaming nagkaklase about sa Philippine Literature. Dunno either kung bat pinaghiwalay nila yung Filipino literature sa Philippine Literature.
Minsan pa nga'y parehas ang ilan sa mga tanong sa quizzes kaya minsan ay nape-perfect naman ito.
If I can go back to the past? Pipiliin kong mamuhay sa unang panahon. Kung saan ang mga lalaki ay may respeto pa sa mga babae kesa ngayon na bilang na lamang ang mga ganoon lalaki.
Habang patuloy na nagle-lecture ang prof namin ay syang pagpapatuloy ko pa din sa pagsusulat.
"Gaia?Dinadate mo yung transferee?" Nagulat ako sa tanong ng kaklase kong si Viena.
"Ha?"
"Ano ka ba don't deny na," sagot nito sa akin at nag-patuloy na muling mag-sulat.
Kung ano man ang iniisip nila ay hindi iyon totoo dahil ayoko na munang ma-attach ng sobra at maiwang durog. Ayokong bumuo ng isang tao ulit at pagtapos ay ako naman ang dudurugin.
Mabuti na lamang ay natapos na ang isa't kalahating oras naming klase dito. Dali-dali akong lumabas para hanapin si Meia. Naguguluhan ako sa mga inaasta ng mga estudyante dito. Hindi ko naman close si Viena tsaka tahimik din sya kaya paanong nakarating sa kanya iyon?
Wala naman sya sa library ng mga araw na yon. Nang mahagip na ng mata ko si Meia na kasama ang pinsan nya ay nag-dalawang isip pa ko kung lalapit ba ko dahil sa issue ngayong kumakalat tungkol samin na walang pawang na katotohanan.
Napansin kong lumawak ang ngisi ni Meia nang makita nya ako na naka-estatwa lamang. Dali-dali itong nagtungo sakin. Di alintana ang pinsan nya at si Maxton.
"Gaia!" Bati nya saken ng makalapit sya sabay ipinulupot ang kanyang mga braso sa akin.
Tinaasan ko sya ng kilay.
"Remeber what I said to you on the phone?"
"Alin doon?" Tanong ko. Sa dami ba naman ng mga pinagsasabi nya sa akin noon.
"Eh ang slow naman eh!" Inalis nya ang pagkapulupot ng kanyang braso sa akin at nag-pout na parang bata.
"Alam mo kesa mag-inarte ka dyan,tara na lang sa canteen. Gutom na ko," sabay hila ko sa kanya ngunit pinigilan nya ko.
"Wait,sina Nyx at Maxton isama natin. Please?" Sabay puppy eyes nya.
"Alam mo bang may kumakalat na namang issue na nagda-date kami ng pinsan mo kahit hindi!" Mahina ngunit bakas ang inis sa boses ko.
"Ha?"
"Oo,kaya please lang wag mo munang isama sa atin ang pinsan mo-"
"Pag di mo sya sinama,guilty ka na nagdadate kayo."
YOU ARE READING
Rêveuse(On-Going)
Novela JuvenilGaia Blue Sage, a freshman college. In her 18 years of existence,she never do but to dream. She's 4 when she wants to have a complete family. She's 5 when someone adopted her but they died when she was 7. She's 9 when she becomes a maid of her Aunti...