Chapter 7Maghapon ay naglinis ako ng bahay at ako na rin ang nag ayos ng mga bagong biling gamit, ako na ang gumuwa ng lahat dahil balak nya pa kumuha sa agency ng maglilinis. Magisa lamang uli ako dito dahil may negosyo rin dito sa pilipinas si rage at ito muna ang pinagkakaabalahan nya ngayon dito. Samantala ako ay nanatiling nakakulong pa rin sa bahay.
Para hindi maboring kinuha ko ang mga pinamiling mga tela at sinulid. Nagsimula na ako mag burda. Una ay hindi ko pa alam kung anong itatahi ko kung anong disenyo ang ilalagay ko. Naisip ko ang mga anak ko. Pero baka makita ni rage at mapurnada pa ang pag stay namin dito. Pagkakataon ko na rin ito para makita si liane at lira.
Kaya naisip ko ay bahay, at sa itaas nito ay may nakasulat na home. Tipong kahit simple lang ang disenyo ng bahay basta kasama mo ang pamilya mo, matatawag mo na itong isang masayang tahanan. Ilang oras ko din ginawa iyon, halos mangalay na ang balikat ko at kamay. Nanakit na rin ang mata at hindi ko na namalayan na gabi na pala. Napasarap ako sa pagbuburda. Maya maya ay narinig ko ang papadating na sasakyan ni rage. Kaya mabilis akong kumilos at tinago ang lahat ng gamit sa kahon at tinago sa ilalim ng kama.
Para hindi mahalata ay bumababa ako at sasalubungin sya mula sa pinto ng sala. Nang mamatay na ang makina ng sasakyan, bigla ako kinabahan nang bumaba na ang lulan nito, ngiting ngiti sya sa akin habang naglalakad papalapit sakin. Para akong bumalik sa nakaraan noong lagi ko sya hinihintay umuwi. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, napangiti na lang ako ng may dalang bulaklak si liam, lagi nya ako dinadalhan nito at hindi sya nagkukulang na pakiligin ako. Parang araw araw nya ako nililigawan kahit may anak na kami. Ang itsura nya ay maaliwalas, hindi ko mapigilan na mapangiti habang pinagmamasdan ang mukha niya
Hanggang sa huminto sya sa harap ko, unti unti na rin lumiliwanag ang kanyang mukha, ang mukha ni liam na napalitan ng mukha ni rage. Namamalikmata lamang pala ako, agad na napawi ang ngiti ko ng makitang si rage pala talaga ang lalaking nasa harap ko, ilusyon ko lang pala ang lahat. Ngiting ngiti si rage na parang pakiramdam nya ay para sakanya ang kasibikan na makita sya. Kaya bago pa nya mahalata ay yumuko na agad ako.
Pilit inaalis sa isip ko ang mukha ni liam.Kinaumagahan, sa terrace ay pagbuburda na agad ang pinagkaabalahan ko, nagkalat ang gamit sa ibabaw ng lamesa habang umuusok ang mainit na kape. Maaga rin umalis si rage, hindi ko alam kung sa trabaho nya sa kumpanya o hindi kaya ang paghahanap kay mira. Hindi ko alam kung ilang oras na ako sa ginagawa ko, basta ang alam ko nageenjoy ako sa ginagawa ko.
Napatigil ako sa aking ginagawa ng may mapansin ako papasok sa gate na hindi pamilyar na sasakyan, binababa ko ang mga hawak at dali dali ako lumabas, sinarado ang pinto ng kwarto at mabilis na bumaba.
Napakunot ako ng noo ng Sumalubong sa akin ang ngiting ngiting si rick " good house " sabay pasada nya ng tingin sa loob ng bahay, napansin ko naman na bumalik na sa pwesto ang mga guards, binalik ko ang tingin sa lalaking nasa harap ko " ano ginagawa mo dito " walang gana kong tanong, hindi naman nya pinansin ang tanong ko at dire diretsyo pumasok sa loob, pinagmasdan ko lang ang ginagawa nya at sabay upo nya ng komportable sa couch.
Wala syang ginagawa sakin pero hindi ko alam kung bakit ang init ng ulo ko sa lalaking ito. Marahil ay isa sya sa nakakakilala sakin at isa sa kaibigan ni liam. " rage want to take you out later " sabay lapag nya ng mga malalaking paper bags sa lamesa. Pinasadahan ko lang ito ng tingin at muling bumalik sakanya " ano ba dapat itawag ko sa iyo? Mary ? Dahlia? "Umakto naman sya na parang seryoso sa sinasabi nya, sabay mahinang tawa nya. Hindi ko alam kung pinagtitripan ako ng lalaking ito o sadyang nangaasar.
" makaka alis kana " malamig kong tugon. Tinaasan nya lang ako ng kilay at ngumisi " ako ang maghahatid sayo kay rage, kaya sa ayaw at sa gusto mo maghihintay ako dito " kumukulo na ang dugo ko dito sa lalaking ito, akmang aalis na lang ako ng muli sya magsalita " pwede na sa akin ang kape kung wala kayong juice " mariin akong napapikit at napayukom ng kamao. Saktong may papasok sa isang bantay kaya sakanya ko na lang inutos ang hinihingi ng bwisita.
BINABASA MO ANG
Two-Face (MaryJaneTWO)
RomanceMary Jane is now living in a happy marriage with Liam Sebastian. Until the nightmare came in her life. Mr. Morris again. He kidnap her with her daughter. How can she live with a new life. With a new face.