CHAPTER 18

261 8 6
                                    


Chapter 18

Hindi pa ako nakakababa ng Taxi ay agad ako binalutan ng kaba dahil may nakabalandrang sasakyan sa tapat ng aming gate. Papalapit pa lang kami ay agad ko pinara ang taxi at nagmamadaling bumaba. Pinasadahan ko nang tingin ang paligid at ang sasakyan, nahigit ko ang aking hininga nang makumpirmang kay Rage ito.

Naiwang nakabukas ang gate pero walang katao tao kaya agad ako pumasok sa loob ng bahay. Bumungad sa akin ang kalat kalat na gamit namin, parang dinaanan ng delubyo sa sobrang gulo. Napalunok ako at napatingin sa pasilyong papunta sa isang kwartong abandonado nang makarinig ako ng kaluskos

Natatakot man ay naglakas loob na rin ako magtungo doon. Habang papalapit nang papalapit ay mas naririnig ko ang ingay mula rito. Sinilip ko muna ang nakauwang na pinto bago tuluyang buksan. Ganoon na lamang ang pagkagulat ko ng tumambad sa aking harapan ang mga taong nakahandusay sa sahig.

Napatakip ako ng aking bibig habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa duguang katawan ng dalawang guard namin. Napatingin naman ako sa isa pang bantay na nakaluhod ang mga kamay ay nakagapos sa likod, itim man ang kanilang mga suot pero mahahalata mo pa rin ang maraming nagkalat na dugo. Ang mga mukha ay puno ng sugat at halos hindi na makilala sa sobrang bugbog. Nagkalat ang mga kung anu-anong gamit sa sahig na sa tingin ko ay ginamit na pampahirap sakanila dahil may bahid rin ito ng dugo.

Hanggang sa mapa angat ako ng tingin sa lalaking nasa harap nila, naghahabol hininga ito habang ang kamay ay may suot na kung anong bakal ang nakapulupot sa daliri nito, ang dugo rito ay patuloy sa pagtulo at mukhang sariwa pa mula sa lalaking kanyang pinarusahan.

" Saan ka galing " ang malamig at nakakatakot na boses ni Rage ang bumalot sa buong kwarto. Napako ako sa aking kinatatayuan maging ako ay natakot para sa aking buhay nang mapatingin sya sa akin, pailalim at nanlilisik na mga titig. Napakunot noo ako nang makita ang lalaking kasama nya pa rito, si Rick. Kung makaporma ito at makangisi sakin ay parang walang bangkay sa kanyang harap.

" R-Rage " ang boses at puso ko ay hindi na magkandaumayaw. Punong puno na ako ng takot habang ang baril ay nakatutok sa akin. Nagsimula na rin mag daluyan ang pawis sa akin noo.

" Saan ka nagpunta!!! " nagitla ako sa malakas na sigaw sa akin ni Rage, ang kabog ng dibdib ko ay halos marinig ko na sa sobrang lakas. Halos lumuwa ang mata ko nang mabilis nyang itutok sa akin ang kanyang baril. Nagiigting ang kanyang panga at parang nagpipigil ng inis sa akin.

" Kay Krys! " mabilis kong sagot nang kalabitin ni Rage ang hawak nyang baril " Patay na si Krys, Rage! Patay na ang pinsan ko! " kasabay non ang paghagulgol ko. Muli nanaman ako nanghina nang muli maalala si Krys.

Ngunit laking pagtataka ko dahil hindi nagulat si Rage sa sinabi ko, para bang nahimasmasan sya dahil sa sinabi ko. Unti unti nya binaba ang kamay at ang paghinahon nya. Hindi ko mahagilap sakanya kung ano ang reaksyon nya kung nasasaktan ba sya o nalungkot man lang ba sya sa pagkamatay ni Krys.

" Hindi ka dapat umalis na walang kasamang guard Dahlia " sabay baba nya ng baril sa lamesa " Ikaw na bahala dito " utos nya kay Rick.

" Rage! Namatay si Krys at wala ka man lang reaksyon? Masyado na bang matigas ang puso mo para hindi man lang magalala sakanya? Rage si Krys yung namatay at naging kaibigan mo sya! "

" What do you want me to do huh? Umiyak? Magmukmok? Matagal ng patay yung tao Dahlia, Just get over it! " malamig nyang bulyaw sa akin. Ako naman ay hindi makapaniwala sa narinig.

" Matagal ng patay? Alam mong matagal ng patay si Krys at hindi mo man lang sinabi sa akin? " Ramdam ko ang pagkabigla nya, napahinga sya ng malalim at napahilot sa sintido. Para bang bigla sya namroblema sa sitwasyon.

Two-Face (MaryJaneTWO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon