Chapter 15" Ma'am Dahlia? " bumalik ako sa realidad mula sa malalim na pagiisip nang ilang ulit ako tawagin ni Mother Amelia, pinakiramdaman ko ang sarili kung nasa wisyo na ba ako. " ha? A- ano po ulit yun Mother Amelia? " ulit kong tanong. Nandito ako ngayon sa kanyang opisina, wala naman kaming klase ngayon ng mga bata, freetime nila at restday ko.
Hindi sana ako pupunta ngayon dito ngunit nakareceive ako ng tawag kay sister sylvia at may paguusapan daw kaming mahalaga. Pero katulad kanina ilang oras na ako sa meeting namin ay lutang ang isip ko.
Pinagusapan namin ang nalalapit na anibersaryo ng simbahan, napagplanuhan nang lahat na isa ako sa mga magtuturo sa mga bata kung ano dapat nilang gawing presentasyon. Hindi ako nagdalawang isip na pumayag, isa itong karangalan na makatulong sakanila. Isa pa ay malapit rin sa akin ang mga bata kaya hindi ako mahihirapan sa pag guide sakanila. Malilibang ko rin ang aking sarili kahit papaano
Nakaramdam din ako ng pressure dahil may mga darating din na mga bisita galing ibang bansa. Ang ilan sa kanila ay maghahanap ng maampon. Iba't ibang company foundation directors din ang inaasahan. Mukhang malaking celebration ang magaganap, hindi na bago ito sa kanila kaya ako lang ng kinakabahan ng todo. Isa rin kasi si Rage sa pangunahing panauhin nila bilang sya ang major sponsor ng simbahan.
" Gusto ko sana na ang bawat bata ay maghahandog ng iba't ibang regalo para sa mga bisita " malumanay na saad ni Mother Amelia " balita ko ay marunong na sa pagpipinta at pagbuburda ang mga bata. Maganda kung ito ang magiging sukli natin sa lahat ng mga tulong, ano sa tingin mo Mam Dahlia? " nagulat ako sa naging suhestiyon niya. Ang mga madre ay sa akin na nakatuon ang atensyon, pare pareho inaantay kung papayag ba ako.
" Bakit hindi? " ang naging tangi kong sagot.
Kinabukasan ay nagsisimula na kami sa pag hahanda ng mga kakailanganin, mga gagamitin namin sa pagdidisenyo ng bawat kwarto. Sinagot ko na ang mga materyales na gagamitin ng mga bata.
" Isipin nyo ang bagay o anuman ang nabibigay kasiyahan sainyo. Kung ano ang unang pumasok sa isip nyo yun ang id-drawing nyo Okay ba yun? " lahat ng mga bata ay sumang ayon at agad na sumunod sa utos ko. Nagsimula na sila sa pag guhit sa canvas. Karamihan ay mga binata at at dalaga ang aking mga tinututukan.
Ang mga bata ay hinayaan ko na rin na magpinta kung ano man ang gusto nila, ang mahalaga ay mag enjoy sila sa kanilang ginagawa. Naging busy ang ilang araw ko sa bahay ampunan dahil sa susunod na linggo na ang anniversarry. Masaya ako kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko. Natutuwa ako dahil halos lahat ay maganda ang kinalabasan na ginawa nilang painting.
" Nako Ma'am Dahlia kami na lang po dito magaayos " nahihiyang sambit sa akin ni sister sylvia
" Nako okay lang sister, sanay ako maglinis " patuloy ko habang nagwawalis sa sahig.
" kaso Ma'am mukhang kanina pa kayo hinihintay ni Sir Rage. Kanina pa sya nakatingin sainyo at hindi umaalis mula kanina pa umaga. Binabantayan kayo maiigi " natigilan ako sa ginagawa at napatingin sa gawi ni Rage. Pirmi itong nakatayo sa hamba ng pinto habang naka halukipkip ang mga kamay.
Mula ng kanina paghatid nya sa akin dito ay akala ko aalis na sya, hindi ko alam kung anong trip nya kung bakit saan ako magpunta ay nakasunod sya. Naglinis at nagayos kami dito sa bahay ampunan. Tinuruan at binilinan ko ang mga bata sa gagawin nila. Hindi ko na lang sya pinansin at binuhos ko ang oras ko dito sa pagtulong.
Dumating na ang araw ng Anniversarry. 9:00 am ang start ng misa pero magtatanghali na kami nagpunta ni Rage. Simpleng white dress lang ang suot ko si Rage naman ay naka black tuxedo. Maraming dumalo sa Anniversarry ng St.Magdalene church
BINABASA MO ANG
Two-Face (MaryJaneTWO)
RomanceMary Jane is now living in a happy marriage with Liam Sebastian. Until the nightmare came in her life. Mr. Morris again. He kidnap her with her daughter. How can she live with a new life. With a new face.