Chapter 25
Nakakailang hakbang pa lang ako nang mabilis kong hinigit ang aking kamay mula sa mahigpit na pagkakahawak nya. Nilingon nya ako na puno ng pagtataka at kalaunay nagtaas sya ng kilay sa akin.
" Anong ginagawa mo? Papunta na rito si Mira. Magkikita na kami ng anak ko "
" Anak natin! " mabilis nyang pagtama sa sinasabi ko. Magsasalita pa sana ako ng muli sya magsalita
" Makukuha natin si Mira. Just trust Me, okay? Trust Me, Mary… " may kung anong kirot ako naramdamdaman nang mag alinlangan sya na tawagin ako sa pangalan ko. Agad nya iniwas ang tingin sa akin ng mapansin nyang mapayuko ako.
Habang nasa sasakyan ay tahimik lamang kami parehas. Walang gusto magsalita. Walang gusto bumasag sa katahimikan. Nakasunod kami sa sasakyan ng mga kaibigan nya.
Pagbaba ng sasakyan ay napaangat ako ng tingin sa isang hindi pamilyar na bahay. Mukhang malayo sa syudad dahil sa mapunong paligid na mukhang dinisenyo para sa gusto ang tahimik na buhay. Isang bungalow style may pagka spanish design and with old charm using stone, magaan sa pakiramdam at masarap sa mata parang gugustuhin ko na dito na lang tumira. Malayo sa magulong mundo at tahimik na lugar lamang ang meron.
Sa tapat ng malaking balkonahe ay meron ding pond na halos may lumot na at madumi na ang tubig. Hindi naman ganun kalakihan ang bahay, Gusto ko sana tanungin si Liam kung nasaan kami ngunit pag baling ko ng tingin sakanya ay nauna na sya maglakad papasok sa loob. Pag lagpas nya sa akin ay napatingin ako kay Philip, kitang kita sa mukha nito ang lungkot malamang ay basaksihan niya ang malamig na turing sa akin Liam, pilit ako ngumiti sakanya nang inanyayahan nya ako sa loob ng bahay.
Nahihiya pa ako pumasok sa loob dahil hindi ko alam kung kaninong bahay ito. Umupo ako sa pinakasulok ng sofa at sa kabila naman sina Philip and Zion, si Fred and Mike ay nauna na umuwi.
Halos mamuti na ang daliri ko kakakurot dito. Kasi naman hindi ko alam kung ano iaakto ko, feeling ko O.P ako sa nangyayari ngayon, kahit kilala ko na naman sila matagal na lalo na si Liam na aking asawa pakiramdam ko ibang tao ako ngayon.Seryosong naguusap sila magkakaibigan habang nasa harap ko, para bang alien ako sa harap nila dahil sa tuwing mapapatingin ako sakanila ay kung hindi iiwas sila ng tingin sa akin biglang ngingiti sabay harap ulit sa kausap.
Naiilang na ako at parang gusto ko na magpalamon sa lupa lalo na sa tuwing magtatama ang mata namin ni Liam, sa kanila ay sya lang ang hindi umiiwas ng tingin at lalo nya akong tinititigan hanggang sa ako na ang bumawi ng tingin. Para akong bata na nagpunta sa bahay ng isang kaibigan at kailangan tahimik dahil dayo lang ako.
Hanggang sa magpaalam na rin sila Philip na pinagtaka ko, buong akala ko ay kanila ang bahay na ito at nagpahinga lamang kami. Akmang susunod ako sakanila ng may biglang may humigit sa braso ko
" Where are you going?" Napatigin ako kay Liam na naka kunot ang noo habang nakatitig sa akin, ibubuka ko na ang bibig ko para magpaliwanag pero nawalan ako ng boses, umurong ang dila ko para hindi makapagsalita kaya tinikom ko na lang ang bibig ko at nanahimik na lang.
" You will stay here for the meantime hanggang hindi pa maayos ang lahat " pormal nitong saad.
" A-ako lang? Ako lang magisa dito? " agad palibot ko ng tingin sa paligid ng bahay. Hindi naman sa natatakot ako baka may multo o magparamdam. Actually I like the house. Takot lang ako magisa.
Mukhang nakumbinsi ko naman si Liam na samahan muna ako kahit ngayong gabi lang. Hindi ko pa din kasi gamay ang bahay. Madilim na ang labas at mukhang uulan pa ata, dahan dahan ako pumasok sa kwarto at binaba ang nagiisa kong dalang bag. May isang kama ito at table, meron ding built-in cabinet. Napaka minimalist ng may ari. Bigla ako napaisip. kay Liam ba ang bahay na ito?. Kailan pa? Hindi nya man lang nabanggit na meron pa syang bahay. Baka noong panahong wala ako.
Ang dami ko tanong pero mas pinili kong isarili na lang. Dala ng pagod ay naisip kong mahiga muna hanggang sa hindi ko namalayang nakatulugan ko na.
Naalimpungatan akong parang may matang nakatitig sakin, ramdam ko ang hininga nya sa aking mukha, maging ang mainit na paghaplos nya rito. Unti unti ko minumulat ang aking mata halos maghabol ako ng hininga dahil sa mukhang tumambad sa akin.
Agad ako kinalibutan, ang tibok ng puso ko ay walang kasing bilis lalo na ng ngumisi sya sa akin. " Rage? " kinakabahan kong tanong. Hanggang sa tumayo sya at lumayo sa akin.
" I'm sorry " napaupo ako sa kama at nakailang pikit ako ng mata dahil sa pamilyar na boses. Namamalikmata lang pala ako, akala ko ay hindi totoo ang lahat, buong akala ko ay nasa kamay pa rin ako ni Rage. Nakahinga ako nang maluwag dahil nandito pa rin ako, sa piling ni Liam.
Bumalik ako sa ulirat nang mapansin kong palabas na ng kwarto si Liam " saan ka pupunta? " lakas loob kong tanong. Sandali sya tumigil.
" Matutulog na ako " pagkatapos non ay tuluyan na syang lumabas at sinarado na ang pinto. Naiwan akong tulala at magisa sa kwarto. Napahilamos ako ng mukha dala ng inis sa sarili. Muli ako bumaling ng tingin sa pinto.
Susundan ko ba sya? Anong sasabihin ko? Sorry sa nabanggit ko? Bumalik ka na tabi tayo? Haiiiist aggressive ko naman dapat pa demure.
Sa kwarto kana matulog? Wala naman tayong gagawin? Or sabihin ko hindi ako sanay na walang katabi?
Halos mabaliw na ako sa mga pinagiisip ko, para na akong tanga sa sinasabunutan ang sarili. Humiga ako sa kama habang nakatitig sa kisame. Ikot doon ikot dito, gulong doon gulong dito. Hindi ko na alam kung ilang minuto na ako hindi mapakali dito.
Nakailang buga ako ng hininga bago mabuo ang aking desisyon. Dahan dahan ko binuksan ang pinto at lumabas. Halos manlumo ako sa aking nakita. Nakatulog na sya sa salas at pilit nya pinagkasya ang sarili sa sofa, nasa lapag na rin ang kumot na hindi nya namamalayan.
Kinuha ko ang kumot at dahan dahan na binalot sakanya, mabuti na lang at malamig dito at hindi sya maiinitan kahit walang electric fan. Sandali ko sya pinagkatitigan sa mukha, nahahalata na ang edad nya pero nanatili pa rin ang kgwapuhan.
Wala sa kamalayan ko ang paghaplos dito, ramdam ko ang mga patubong balbas at bigote rito. May kung anong naguudyok sa akin na halikan sya, nang makasigurong mahimbing ang kanyang pagkakatulog ay dahan dahan ko nilalapit ang aking mukha at nagnakaw ako ng halik pero sa pisngi lang, baka kasi magising sya pag sa labi ko sya hinalikan.
Para hindi ako mahuli mabilis ako bumalik sa kwarto, sa pagmamadali ko ay napalakas ang pagsarado ko sa pinto, habol habol ang aking hininga nang mapasandal ako sa likod nito, para akong batamg nakipag habulan sa sobrang kaba na mahuli ako.
Hindi ko malaman kung bakit ko nararamdaman ang ganito, nahihiya na ako sakanya, parang hindi na kami magasawa. Pero hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko. At least may ngiti sa aking labi bago ako matulog. Sa tagal na panahon na hindi kami nagkasama ngayon ko lang ulit sya na halikan. Okay lang sa akin kahit sa pisngi lang.
Kinaumagahan ay maaga ako nagising, parang hindi ako napuyat kagabi kakaisip. Excited akong lumabas mg kwarto, kailangan ko maunahan magising si Liam at maghahanda ako mg umagahan. Ito ang unang araw na magkasama kami sa iisang bubong makalipas ang ilan taon.
Dahan dahan pa ako sa paghakbang at baka magising ko sya pero agad ako napahinto ng mapansin kong wala na ito sa sofa, nakatupi na rin ang kumot. Agad ko pinalibutan ang bahay baka nasa kusina lang sya. Muli ko tinago ang kasabikan na makita sya. Pakiramdam ko para kami ulit bagong magasawa na naguumpisa sa buhay.
Pero nanatiling tahimik at walang tao ang buong bahay. Napadako ang tingin ko sa papel na nasa ibabaw ng lamesa, kinuha ko ito at binasa.
Ganun na lamang ang pagkadismaya ko, ang kasabikan ko ay agad na napalitan ng kalungkutan.
" I need to go " yun lang at wala ng iba.
Maagang umalis si Liam. Hindi ko man lang sya naabutan. Pigil pigil ang emosyon ko nang makita ko ang almusal na nasa lamesa. Mukhang plano nya talagang iwan ako magisa.
Puno na rin ng pagkain ang mga aparador, maging ang ref ay naguumapaw sa laman. Sa tantya ko ay mukhang matagal akong magiisa dito. Hindi ko man lang alam kung kailan sya babalik ulit, hindi ko rin alam ang lugar na ito na malayo sa kabihasnan.
Parang walang pinagbago, bilanggo pa rin ako.
Magisa at malungkot sa bahay na ito.
BINABASA MO ANG
Two-Face (MaryJaneTWO)
RomanceMary Jane is now living in a happy marriage with Liam Sebastian. Until the nightmare came in her life. Mr. Morris again. He kidnap her with her daughter. How can she live with a new life. With a new face.