Chapter 17
Mabigat ang aking pakiramdam habang inaayos ang mga gamit namin ni Rage dahil ilang araw na lang ay babalik na kami sa France, hindi kami natuloy makaalis ngayon dahil sa masamang panahon. Habang nagliligpit ay napatingin ako sa bintana, sa labas makikita ang madilim na kalangitan at pagbagsak ng mahinang ulan.
Habang nagaayos ay kumulog nang malakas kasabay non ang pagkawala ng kuryente, mabuti at hapon pa lang kahit papano ay may naaninag pa rin akong liwanag. Mabilis kong kinuha ang cellphone para magsilbing ilaw ko. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa labas upang hanapin ang mga bantay.
Tahimik ang paligid hanggang sa makababa ako sa salas. Tanging liwanag mula sa cellphone ang aking ilaw, nagsisimula na rin bumalot sa akin ang malamig na hangin dahil sa malakas na ihip nito. Nagtungo ako sa labas upang silipin ko kung nandon pa rin ang mga guard ngunit wala sila. Maaring nasa loob din dahil naulan kaya't pinagwalang bahala ko na lang.
Bumalik ako sa loob at nilock ko ang pinto. Napadaan ako sa malaking bintana, nakabukas ito at nakahawi ang kurtina na aking pinagtaka. Imposible na buksan ito, siguro ay dala ng malakas na hangin. Habang dahan dahang sinasarado ay hindi ako mapakali, parang may matang nakatingin sa akin at ramdam ko ang presensya nya malapit sa akin.
Pasimple kong inaabot ang anu mang bagay na malapit sa akin, hanggang sa madampot ko ang isang matigas na nasa ibabaw ng table, sa tingin ko ay isang maliit na figurine. Mahigpit ko ito hinawakan at hinanda ang sarili bago tumingin sa aking nasa likod. Ngunit bago pa ako makakilos ay may malaking kamay na pumigil sa hawak ko. Hindi ako nagkakamali may tao sa likod ko, nagsisimula na ako kabahan at matakot.
Ramdam ko ang mainit nyang katawan sa likod ko, ang hininga nyang tumatama sa tenga ko dahilan para magtaasan ang balahibo ko.
" sino ka?" Lakas loob kong tanong. Nakahinga ako nang maluwag ng dahan dahan nya binibitawan ang kamay ko at ramdam ko ang paglayo nya sa akin. Nang magkaroon ng pagkakataon ay hinarap ko sya, ganun na lamang ang gulat ko nang makilala kung sino man ang lalaking iyon.
" a-anong ginagawa m-mo dito? " imbes na sumagot ay ngumisi lang sya sa akin.
" I want to help you " pormal nyang sagot, napakunoot ako ng noo " Hindi pa panahon para bitawan mo lahat ng pinaghirapan mo. Tutulungan kita makatakas dito " pagpatuloy nya pa
" Hindi kita maintindihan. Imposible yang gusto mo mangyari, kaya sasama na ako kay Rage pabalik sa France at... ayoko na ng gulo, ayoko madamay ang mga anak ko " tugon ko. Ilang segundo kami parehas natahimik, nakaramdam ako ng ilang dahil sa paninitig nya sa akin at isa pa dalawa lang kami nandito. Asan ba ang mga bantay na yan! Kung kailan kailangan ko sila saka naman hindi mahagilap
Pilit ko na sya pinaalis at muling babalik sa kwarto pero bago pa ako makalayo sakanya ay muli sya nagsalita.
" Hindi mo man lang ba dadalawin ang kaibigan mo? " natigilan ako sa aking narinig at muli sya nilingon" Krys right? Your bestfriend? Well unfortunately wala na sya " nahigit ko ang aking hininga sa kanyang sinabi
" A-anong sinabi mo? " naguguluhan kong tanong sa lalaking parang pinagtitripan ako dahil sa nangyayari. Nagsisimula na ako mainis dahil hindi na sya nagsalita at tanging pag ngisi ngisi na lang ang sinasagot nya sa akin. Muli ako lumapit sakanya
" Anong ibig mong---" mabilis nyang pinutol ang sinasabi ko " why don't you ask her husband? ay patay na nga pala. How about zion? Kahit sinong nakakakilala sakanya, ask them " aniya habang parang batang kinakagat kagat ang kuko nya sa kamay.
Nagsimula na rin bumigat ang aking dibdib habang punong pagtataka akong nakatingin sakanya. Hanggang sa iwan nya akong gulong gulo ang utak. Anong ibig nyang sabihing wala na? At ang asawa ni krys si Jay paano, kailan at anong patay na?
BINABASA MO ANG
Two-Face (MaryJaneTWO)
RomanceMary Jane is now living in a happy marriage with Liam Sebastian. Until the nightmare came in her life. Mr. Morris again. He kidnap her with her daughter. How can she live with a new life. With a new face.