Chapter 23

211 9 4
                                    

Chapter 23

Dahlia's P.O.V

Malamig ang paligid mula sa simoy ng hangin, dahan dahan ko minulat ang mga matang kay bigat at parang namamaga mula sa magdamag na pagiyak. Madilim na kwarto ang nabungaran ko, napatingin ako sa kinalalagyan ko. Nakahiga sa isang malambot na kama habang ang kumot ay nakapulupot sa akin. Nasaan ako?

Muling inalala ang huling kaganapan kaya't bigla ako napabangon, panaginip lang ba ang lahat? Ang yakap sa akin ni Liam sa gitna ng pagbuhos ng ulan, ang pagdamay nya sa akin sa oras na hinang hina ako. Totoo ba ang lahat ng iyon? O imahinasyon ko lang na napatawad na nya ako.

Teka lang kaninong kwarto ito? Hindi ito ang kwarto namin ni Rage pero dahil madilim hindi ko maaninag ang buong kabuuan nito. Mula sa bukas na balkonahe sa aking tapat ay matatanaw ang madilim na kalangitan at liwanag ng buwan.

" Kumusta " nagitla ako nang biglang may magsalita sa kawalan, sa una ay hindi ko malaman kung saan galing ang boses na iyon hanggang sa maaninag ko sa isang sulok ang bulto ng lalaki na nakaupo. Lihim akong napalunok. Hanggang sa tumayo ito at nagsimula na maglakad papunta sa direksyon ko pero agad ding huminto sa kalagitnaan.

Mula sa kinatatayuan nya naaninag ko ang halos kalahati ng mukha nya dahil sa liwanag galing sa labas. Hubad ang kanyang pang itaas at tanging pantalon na bukas ang butones ang kanyang suot

" Maayos na ba ang pakiramdam mo " sabay lagok nya ng alak sa baso, napaiwas ako ng tingin at dahan dahan ako tumango. Ilang segundo kaming binalot nang katahimikan, para kaming bagong magkakilala para mailang sa isa't isa. Marahil sya naninibago dahil sa iba ang aking mukha pero ako ay kailanman hindi nagbago ang pagtingin ko sakanya.

Akala ko pag nalaman na nya kung sino ako ay magiging madali na ang lahat, hindi pa pala.

" Kung may kailangan ka nasa baba lang ako " akmang lalabas na sya nang magsalita ako.

" Uuwi na ako " kahit nakatalikod sya sa akin ay rinig ko ang pag ngisi nya.

" Nakauwi kana, nandito kana sa bahay " pormal nyang sagot, mariin akong pumikit at pilit ko pinapakalma ang sarili ko.

" You don't understand Liam, kailangan ko na umuwi at baka hinahanap na ako ni---" mabilis nyang pinutol ang sinasabi ko

" Nino? Ni Rage? Bakit sya ba ang asawa mo? Putang ina naman hanggang ngayon ba lolokohin mo pa rin ako? Hanggang kailan ka sa akin magsisinungaling ! Pati sarili mo niloloko mo "

" Hindi mo kasi naiintindihan Liam! " nagsimula na rin tumaas ang boses ko

" Ano ang hindi ko naiintidihan! Na ikaw si Mary pero nagiba ang mukha at nagpanggap na Dahlia? Talagang hindi ko maiintindihan dahil hindi mo sakin sinabi agad! " napayuko ako dala ng takot, sa ilang taon na pagsasama namin ay ngayon lang kami nagaway nang ganito.

Kitang kita ko sa mukha nya ang pagpipigil ng galit, hindi ko malaman kung lasing na sya kaya nya ako nasisigawan ng ganito o dahil galit sya sa akin.

" How could you do this to me huh?, why did you pretend not to know me when you actually do? Ilang beses na tayo nagkita, ilang beses kita tinanong pero bakit hindi mo sinabi sa akin lahat "

" Kung sinabi ko ba sayo na ako si Mary maniniwala kaba? Liam iba na ang mukha ko hindi mo alam kung anong hirap ang pinagdinaanan ko dahil lang sa mukha na ito! "

" At hindi mo rin alam kung anong paghihirap ang pinagdaanan ko ! " halos mabingi ako sa malakas nyang pagkakasigaw sa akin, ramdam ko ang paghigpit nya sa braso ko sa sobrang galit maging ang kanyang mabigat na paghinga.

Nagsimula na tumulo ang aking mga luha habang magkatitig kami sa isa't isa, parang may batong nakabara sa aking lalamunan.

Sobrang sakit na makitang umiiyak ang lalaking nakasanayan mong naging matapang.

Two-Face (MaryJaneTWO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon