CHAPTER 10

234 6 0
                                    


Chapter 10

Anong ginagawa niya dito? Anong ginagawa ni liam sa bahay namin?

Ilang segundo muna kami nagkakatitigan bago pumruseso sa utak ko ang lahat.

Agad ako dinaluhan ni rage at inalalayan sa pagtayo, mula sa aking likod inakbayan nya ako at pinulupot ang kamay sa aking katawan at hinawakan ang nanlalamig kong palad habang nakatitig sa akin si liam.

" please excuse us mr. Sebastian " anito habang inaalalayan ako, mabilis kong pinutol ang sinasabi ni rage " hindi, okay lang ako... honey " ramdam ko ang gulat ni rage sa sinabi ko, maging ako ay hindi makapaniwala sa lumabas sa bibig ko. Ang gusto ko lang ay mapaniwala si liam na magasawa kami ni rage. Kailangan mapaniwala ni liam. Kailangan maramdaman ni rage na hindi ako naapektuhan sa presensya nang taong nasa harap namin.

Kitang kita ko kung paano mag igting ang panga nito nang higpitan ng hawak ni rage ang kamay ko, hindi ko malaman kung ano ibig sabihin ng tingin nyang yon.
" magtitimpla na lang ulit ako " pinilit ko na maayos ang boses at hindi ako mautal sa harap nila, kailangan ko mapakita na hindi ako naapektuhan at parang normal lang ang lahat.

Mabilis ko inayos ang baso at platito saka lumabas ng kwarto. Pagkasarado ko ng pinto ay saka nailabas ang mabigat na hininga, sandali ako napasandal sa dingding dahil para akong matutumba dala ng panghihina, pumikit ako pilit tinanggal ang nerbyos sa katawan.

Hanggang sa makarating ako sa kusina, tulala ako habang hinuhugasan ang baso at platito habang ang gripo ay  patuloy sa pagbuhos ng tubig " dahlia " isang malalim at nangaakit na boses,  sa gulat ko ay nabitawan ko ang hawak, mabilis ko pinatay ang tubig at nilingon ang taong nagsalita. Pigil pigil ang hininga nang titigan ko sya " liam" pirmi syang nakatayo sa hallway ng kusina, animoy kanya ang bahay sa tindig nito.

bumalik ako sa ulirat "yung kape mo pala " saka ako kumilos palayo sakanya, nagpa kabusy sa pagtitimpla hanggang sa hawakan nya ako sa braso at pabalyang idinikit sa dingding.

" ano ba--" bago pa ako makapagsalita ay mabilis nyang tinakpan ang bibig ko gamit ang palad nya. Kahit takot na takot ay pilit ko ito nilalabanan, hindi dahil sa kung anong magagawa nya sa akin, kundi baka makita kami ni rage. Pilit ako pumipiglas, pilit inaalis ang malaki nyang kamay,  wala talagang pakialam ang lalaking ito sa pwede mangyari, nasa loob sya ng aming pamamahay at nasa paligid lang si rage.

" sabihin mo sa akin anong kinalaman nyo sa pagkawala ng asawa ko " natigilan ako. Kaya ba sya narito dahil sa paghahanap sa akin?. Nagkakanda tuliro na ako sa lapit ng distansya nang katawan namin at halos naamoy ko na ang mabango nyang hininga

" hindi ko kayo titigilan hanggat hindi nyo nilalabas ang asawa't anak ko " pagkatapos non ay mabilis na syang umalis sa harap ko. Habol habol ang hininga ko ng mapakapit ako sa lababo at sa dibdib ko. Lalo akong nahihirapan sa sitwasyon namin.

Magkahawak ang aming kamay at nakaakbay sa akin si rage habang sinusundan namin si liam palabas ng bahay.

" thank you for your time Mr. Morris " sabay baling ng tingin nito sa akin " Mrs. Morris " napalunok ako at napaiwas na rin ng tingin sakanya. Bakit ba hindi ko magawa titigan ang mga mata nya?

Sinundan namin ito ng tingin hanggang mawala ang kanyang sasakyan sa aming paningin. " poor liam " mahinang sambit ni rage na parang nangaasar, hindi ko na lang sya pinansin. Nang tuluyan ng wala na ito ay saka ako dahan dahan kumalas sa lalaking hawak ko.

Kinagabihan, tahimik na nakasandal ako sa hamba ng sliding door ng terrace namin habang nakatanaw sa langit, naghahalo halo na ang tumatakbo sa isip ko. Iba't ibang personalidad at ugali ang dapat ko iakto, nakakalito. Isang matapang at sopostikadang dahlia ang dapat ko ipakita pero ang totoo kapag ako ay nagiisa ay bumabalik ako sa tunay na ako, bilang mary.

Two-Face (MaryJaneTWO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon