After the revelations I uncovered myself, it wouldn't be erased in my mind. I keep on thinking how am I going to tell mom about it. For sure, she will be devastated and broken. Will I be ready to see that?
I became so busy with school lalo na nang dumating ang July. It was the starting point of a hectic year ahead.
"Earth to Abrianna," I blinked when I heard my name being called.
"Ha?"
"Kanina ka pa tulala. Okay ka lang ba?" si Cassi.
I didn't even notice my surroundings. Lutang na lutang ako simula kaninang umaga. Kahit sa pagkain namin nang breakfast, wala ako sa sarili. Its like I'm in another dimension, a world where I'm trapped and I can't seem to escape.
"Ah, may naisip lang ako," wala sa sarili kong sagot.
Tumango lang si Cassi at nagpatuloy sa pagkain. Sabrina just stared at me, not convinced of my answer but returned her gaze to the food.
Cassi swallowed the food she's chewing and talked. "By the way, birthday ni Reese ngayon 'di ba? Nakagreet na ba kayo?"
Napanganga ako sa kanyang sinabi.
"Tapos na ako. Nadaan ko siya kanina kaya nag greet ako," sagot ni Sab.
"Ikaw Bri?"
"Wala pa. Nakalimutan ko." Aish! Ganon nalang ba ako ka wala sa sarili?
Pagkatapos naming nag recess, bumalik na kami sa kanya-kanya naming classroom. Wala ako sa sariling naglakad kasama sila Cassi at Sabrina na naunang maglakad sa akin.
"Aren't you gonna greet me?"
Napalingon ako sa nagsalita. Nandito na pala kami sa tapat nang classroom nina Cassi. 'Di ko man lang namalayan.
I smiled to Reese and greeted him. "Happy birthday!"
He smirked. "Thanks. Wala ka bang gift na dala?" then he checked my body kung may tinatago ba ako.
"Hala sorry! Kailangan ba meron 'non? Ililibre nalang kita."
Tumawa siya. "Nah. I was just kidding."
Sasagot pa sana ako nang tinawag na ako ni Sab.
"See you later I guess?"
I tried so hard to keep my shit together and stop being absent minded. 'Buti nalang nakatulong rin ang discussions para madistract man lang ako saglit.
We are currently in the cafeteria when Kean spoke.
"Oy bro birthday mo, baka naman..." he said while wiggling his brows.
"Ang kapal talaga nang mukha. 'Di ba tayo dapat ang manglibre?" si Cassi.
Reese excused and stood up from his seat. Matagal siyang bumalik pero hinintay parin namin siya I mean it would be rude to start eating when someone's missing right? Nang bumalik siya, may dala dala na siyang dalawang supot sa kanyang kamay. Unang nang-usisa ay si Kean.
Nanlaki ang mata ni Kean nang nakita ang laman. "Hala pagkain! Nag joke lang naman ako pare. Ba't sineryoso mo?"
I took a peek as well. In the other bag, puno nang mga chicken at rice. 'Yong isang bag naman ay mga soft drinks.
"Ano ba 'yan? Ikaw dapat ang nililibrehan e, hindi kami," nakanguso kong aniya.
Tinawanan niya lang ako. "Huwag ka nang ngumuso, ang panget mo e," then he pinched my cheeks.
"E ba't opposite ang actions mo sa sinasabi mo."
Imbes na sagutin, pinagsilbihan na lang niya ako.
YOU ARE READING
Strings of Regret
Teen FictionIt was never easy to choose on what is making you happy between what is necessary. Sometimes we make our happiness as an excuse to indulge ourselves and take a risk. Pero gaya nga nang sabi nila, mahirap kalabanin ang matagal mo nang hinahangad so w...