#A3DecisionsDecisions
The next morning, I managed to do some light exercise. Pero hindi naman yung exercise to the point na ma-exhaust na ako. Yung sakto lang. Tapos heavy breakfast naman full of fruits and vegetables. So Vegan na naman ako.
I took a bath and dressed up. Nagsuot ako ng medyo fit na dress. Para naman walang mag-suspect about me carrying a baby.
Matapos kong mag-apply ng light make-up, I called my driver to pick me up. Hindi ko na tinatawagan masyado ang make-up artist ko since ayoko na munang may ibang tao sa loob ng bahay ko. Mismo ina ko ay walang alam na may dinadala na ako. At sa tingin ko naman na okay lang na hindi muna. Mom doesn't really know what I am up to these days. Pero nung nawala si Dad, she did visit once. Pero yun lang. Yung time na tulog pa ako while Dustin was talking with my relatives. Wow. Hindi ko man lang alam kung ano pang ibang conversation na meron sila.
Kasi obviously matatanong naman na sino ba si Dustin? Bakit nasa ko siya? Kaano-ano ko siya?
Ewan ko kung anong sinabi ni Dustin kay Ramir at Dad that time.
My personal driver is not talkative kaya kebs. Ayoko din sa madaldal at uhaw sa updates ng buhay ko na driver. Kaya gusto ko si Kuya. I think he is older than me.
Nang makarating ako sa restaurant ay nagpunta kaagad ako sa reserved seat of Mr. Andre Sandross.
Naalala ko tuloy kung ano ang behavior naming dalawa na lowkey nag-iinvite sa isat-isa ng sex.
Nakakahiya.
May mga bagay talaga na nakaka-cringe. Nakakainis.
I waited for 2 minutes until Andre arrived.
"Hey, I'm sorry I'm late. Galing akong meeting e." Sabi niya. He kissed my cheek while greeting me. Pero I was fine with that.
"Yeah, it's okay." Sabi ko.
Napaupo na siya sa seat niya tapos he ordered 2 cups of coffee. I don't drink coffee anymore.
"Water." Sabi ko.
Nagtaka siya sa sinabi ko.
"Uhm, I had a coffee already." I lied.
Ayoko kasing uminom ng kape na, parang naiibahan ako sa lasa. Iba talaga kapag buntis kasi yung mga pagkain na paborito mo sana o kaya gusto mo ay magiging hate mo na for the mean time.
"Oh, okay. How about with a lemon?" He suggested.
"Yes. That would be nice." Sabi ko nalang.
"So how are you?" Sabi ni Andre. "I'm sorry about the last meeting, medyo—"
"Yeah. I'm fine. And yep, kalimutan nalang natin yun, Andre." Sabi ko.
Nagkakasundo naman kami kung anong ibig niyang sabihin. It's about what happened before na we agreed to go to my condo.
He chuckled.
"Good. And I am sorry about your Father." Sabi niya.
I nodded.
"It's okay. Thanks." Sabi ko.
Napansin kong nahihiya si Andre na i-bring up ang Marriage subject. Kaya ako I decided to talk about it.
"About the Arrange Marriage." Sabi ko.
"It's my first time to be arranged with someone. I apologize." Sabi niya.
Napangiti ako.
Well, Andre is a good person. Kasi hindi siya asshole. Kaya okay lang sa akin na i-engage ako. Pero this whole engagement and marriage thing is like a task lang for me para ma-save ang company ko.
I don't think Andre would accept me like this. Hindi ko alam kung hahayaan ba niyang ituloy ang marriage kung malaman niyang buntis ako. Sa tingin ko naman ay makakaya ko tong suicidal mission ko na alam ko naman na madadamay si Andre sa act ko. Kasi once our marriage is done, halata na baby bump ko niyan. Issues! Tapos ma-rumored na buntis ako kay Andre. Tapos i-deny ni Andre. Tapos ayun. The whole business partnership thing is just useless. Kasi masisira at masisira lang din ako.
Oh my god.
Napatulala ako matapos kong ma-imagine lahat ng mga possible outcomes sa isang decision ko.
Right.
Bakit hindi ko ito naisipan last night? Why did I agree to do this?
Oh my god, Alyrani.
Bakit ngayon mo lang naisipan iyon? I shook my head as I try to imagine all of those possible outcomes. Bakit hindi ko yun naisip nong nasa meeting pa ako?
Pero seriously, I can't really blame myself about it naman. Dahil blinded ako sa pagsalba sa company. Hindi ko na nabalanse ng maayos.
"Andre, I'm sorry to reject you once again."
"What?" He sounds so confused.
"This is wrong. Madadamay ka. Masisira ka. Tayo. I mean, tungkol sa partnership and marriage."
"It's fake naman sana diba?" Sabi niya.
"Fake nga, pero we are talking about the reputation of our business here. If I were to save my company, I'll try to compose another plan. But not this..." I said. Nagsimula na akong tumayo.
"Hey... can you tell me what's wrong? I am actually willing to help you. That's why I am here. If it's about the funeral and a sudden wedding, we can adjust it." Sabi ni Andre. He is kind. Absolutely.
"Andre, may mga bagay lang talaga na mahirap sabihin." Sabi ko.
Napakunot ang noo niya.
"I have to go. Excuse me." I said and left Andre there.
BINABASA MO ANG
AMOROUS 3: Dustin Leo Cafino (Completed)
Random"Prove it, Rani. Kill me!" - Dustin Leo Cafino AMOROUS 3: Dustine Leo Cafino is a story about Dustin Leo Cafino, a fearless fighter and a mysterious lone wolf within the Frat. When Dustin finally finds the love of his life, Alyrani, he believes that...