"Did you say yes Ally? Did you say yes?"
Mabilis akong umiling sa tanong ni Nathalie. Kanina pa ako nito inuusisa ng mga tanong na halos hindi ko naman masagot ng maayos.
"Huh?" bigla siyang napatigil sa paglalakad nang tumunog ang kanyang cellphone. Kaya't hindi ko namalayang nalampasan ko na pala siya. Ngunit agad din namang sumabay sa lakad ko.
"Alam mo bumibilis ka nang maglakad," komento niya.
Pero di ko siya pinansin at saka pumasok sa isang grocery store.
Araw ng linggo, at kasalukuyan kaming namamasyal sa isang mall. Hindi naman talaga ako pupunta rito kung hindi ako pinilit ng babae eh. Hindi ko nga alam kung paano niya nahanap yung bahay namin. Nagulat nalang ako nang makita ko siya sa luob ng kwarto ko.
Nakasuot lang ako ngayon ng isang fit na pantalon na halos sumigaw na sa sobrang sikip,at isang extrang-extra large na plain white t-shirt na may nakapintang mukha ng baboy sa gitna.
Oo, baboy talaga!
Bakit ba? Paborito ko ang mga baboy eh! Sa kanila lang kasi ako nakakarelate.
"Ano pang sinabi sayo ni kuya? Dali na, kwento mo na!"
Naramdaman ko bigla ang pagkapit niya sa braso ko.
"Nathalie, ayuko siyang pag-usapan nabubwesit ako sa kanya," sagot ko.
"Nemen eh. Alam mo ang daya-daya mo," nakanguso niyang sabi.
Sorry nalang siya at talagang naaasar ako kapag naaalala ko si Nathan. Matapos niya kasing aminin sa'ken na mahal niya RAW ako, ni isang beses hindi manlang siya nagpakita sa'ken.
Hindi naman sa umaasa akong totoo lahat ng sinabi niya, pero...
Tsk. Oo na, umaasa naman talaga ako. Nakakalungkot lang isipin, na mukhang sa pangalawang pagkakataon ay pinaglaruan nanaman ako ng lalaki.
"Tara daliii!"
Nagtaka ako bigla nang pilit niya akong hinigit, pero siyempre di siya nagtagumpay. Doble-doble kaya ang laki ko sa kanya.
"Saan?"
"Sa restaurant."
"Anong gagawin natin dun eh diba't kakakain lang natin sa bahay?"
"Ah-eh," tumingin siya sa malayo at tila naghahanap ng isasagot, "nagugutom ako ulit eh, please? Samahan mo na ako! Kundi talagang magtatampo na ako sayo," mas lalo niyang pinahaba ang kanyang nguso at nagpapa-awa effect nanaman.
Napabuntong hininga nalang ako bago tuloyang magpatangay sa kanyang nais.
...
Ilang sandila pa ay nakarating kami sa kanyang sinasabing magarang restaurant.
"King's?" pagbasa ka sa magarbong karatula sa labas ng kainan.
"Let's go?" anyaya niya habang may napakalapad na ngiti.
I don't know, but it feels odd. Parang may kakaiba siyang ikinikilos. Hindi naman siya yung tipong mahilig kumain eh, tsaka yung mga ngiti niya... ang weird.
Ipinagkibit balikat ko nalang ang lahat. Sa huli ay sumunod narin ako sa kanya.
"Good morning madams, a table for two?" bungad sa'men ng isang lalaking nakasuot ng isang puting long sleeve at chaleco.
"Nope, we have a reservation," sagot ng kasama ko.
"May I have your name madam?"
"Alliana Santos," sabi niya habang nakatingin sa'ken.
YOU ARE READING
Ang Sumpa ni Miss Piggy
General FictionI am Alliana Marie Santos, isang maganda ngunit bigating nilalang... Yes I am fat! That's why they call me Miss Piggy... Pero nang dahil sa kanila, namatay ako. Ngunit sa aking pagpanaw, isang sumpa ang aking iiwan... Ang sumpa ni Miss Piggy